Chapter 9 -Kampon Ni Satanas
“Wala naman tayong lakad ngayon hindi ba, D.” napatingin ako kay G na basta na lang pumasok sa kwarto na inookupa namin.
“Wala naman nabanggit si Mam Pilar sa akin. Bakit?”
“May pupuntahan lang ako sandali, importante lang. Babalik rin ako kaagad.” mariin ko siyang tinitigan.
“Gaano ka-importante ang pupuntahan mo na kailangan mong umalis sa oras ng trabaho?” napakamot siya sa kanyang batok.
“Sandali lang ako D. Promise, babalik ako agad. Bigyan mo ako ng isang oras. Tutal naman ay tulog na si Madam eh kayang-kaya mo na mag-isa na tingnan siya.” huminga ako ng malalim bago tumango.
“Isang oras lang.” tumingin ako sa relo ko. It is already past 10 in the evening. Saan naman kaya pupunta ang isang ito? “By eleven nandito ka na.”
“Oo. 11 nakabalik na ako.” mabilis nitong kinuha ang susi ng sasakyan na inupahan ko saka dali-daling lumabas ng pinto.
Tahimik na ang buong kabahayan ng Montefalcon. Tulog na si Mrs. Pilar ganun din ang mga kasambahay. Tanging mga bantay na lang ang gising sa labas. Tiningnan ko muna ang cellphone ko para i-check si Mrs. Pilar sa kanyang silid. Nasa kama niya ito at mahimbing na natutulog. Tiningnan ko rin si Brendan sa silid niya gamit rin ang cellphone ko. Kagaya ng dating unang ginang ay nakahiga narin ito at maagang natulog, bagay na nakakagulat dahil madalas kapag ganitong oras ay gising na gising pa ito at wala sa sariling silid. Dahil sa mga pinuntahan namin kanina ni Mrs. Pilar ay maaga akong nakaramdam ng antok. Pinatong ko ang dalawang baril ko sa ibabaw ng bedside table saka umayos na ng higa. I have to regain my strength dahil mas naging busy na ngayon si Mrs. Pilar sa mga activities niya as Governor kaya busy narin kami ni G sa pagbabantay sa kanya. Nakaidlip na ako ng bahagya ng parang may nag-iba sa paligid ko all of a sudden. Pagdilat ko ay pawang kadiliman ang nakita ko. Mabilis akong tumingin sa bintana, madilim rin sa labas.
Biglang nawala ang antok ko dahil kung anu-ano ang pumasok sa isip ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa nature ng trabaho ko or sadyang malikot lang ang imagination ko pero iba ang kutob ko ngayon gabi. Mabilis akong tumayo saka tinungo ang bintana.
“f**k!” may ilaw ang mga kalapit bahay namin.
Agad kong kinuha ang cellphone ko saka tiningnan muli ang kwarto ni Brendan. Laking gulat ko ng wala ito sa higaan niya. Mabilis kong kinuha ang dalawang baril ko, ang isa ay sinuksok ko sa likuran ko habang ang isa ay kinasa ko. I quickly head to where my mission bag is located and hastily grab my night vision goggles. Kumuha rin ako ng magazines just to be sure. Maingat ngunit alerto akong lumabas ng pinto. I immediately head to my assignment’s room. May sarili akong susi sa kwarto ni Mrs. Pilar kaya anytime ay pwede ko itong buksan anumang oras dahil binigyan niya ako ng permission to do it. Pero ganun na lang ang pagta-taka ko when the door knob is open kung saan ay tandang-tanda ko pa ay sinara ko ito kanina. Mabilis kong binuksan ang pinto.
“Mam Pilar?” mahina kong bulong just enough for her to hear me. Wala akong nakuha na response which makes me wonder again. Usually ay isang tawag ko lang dito kahit pa natutulog ito ay naalimpungatan ito para tumugon. Kinabahan na ako. I scan her room with urgency. I cursed underneath my breath when I saw that the room was empty. Her comforter is crumpled in a manner na parang basta na lang itong inalis and one of her pillows is at the floor. “Mrs. Pilar!”
I know something is wrong. I know something is not right. My gut feeling tells me that something is odd tonight. Mabilis akong lumabas ng kwarto when I heard sounds outside. Hindi pa ako nakakalayo sa kwarto ay may ilang putok ng baril that made me quickly duck. Dahil sa night vision goggles na suot ko ay nakita ko ang dalawang tauhan ni Brendan na nasa magkabilang poste malapit sa hagdan, both are aiming their guns at my direction.
“This is your moment, D. Show these assholes what you’re really made of.”
With one swift move, I aimed my gun at my left and fired. Tinamaan ang isang tauhan ni Brendan sa mismong ulo nito that made him fall dead on the spot. Sunod-sunod ang putok na pinakawalan ng kasama niya, putok na walang direksyon kaya napangiti ako. Mabilis ang kilos na tinawid ko ang distansya namin at sa isang iglap ay nasa tabi na niya ako ng hindi niya namamalayan. Isang uppercut ang pinakawalan ko na nagpatumba sa kanya sa sahig saka ko siya binaril sa same spot ng kasama niya.
“BITIWAN NYO AKO!” mabilis akong napa-tingin sa ibaba kung saan ay narinig ko ang sigaw ni Mrs. Pilar.
Pababa na ako ng hagdan ng maraming putok ulit ng baril ang pina-ulan sa akin. Isa dito ay dumaplis sa braso ko at ang isa naman ay sa bandang kaliwang binti ko. But I cared less of the pain dahil ang main focus ko ngayon ay ang sagipin ang dating unang ginang na ngayon ay sapilitang nila-labas ng dalawang lalaki. I let myself slide down the stairs while firing my gun sa mga kalaban na nakikita ko. Pagdating sa paanan ng hagdan ay kinuha ko ang isang magazine na naka-suksok sa bulsa ko to refill my gun. Bago pa ako makalabas ng tuluyan ay ilang putok pa ang pinakawalan ng mga nasa loob ng bahay. Inisa-isa ko silang paputukan, all aiming straight at their heads para masiguro ko na hindi na sila mabubuhay pa saka ako tumayo at matulin na lumabas ng pinto. I saw two cars just got out of the gate.
“s**t!” mabilis kong naghagilap ng sasakyan na pwede kong gamitin para sundan sila but the only one left ay ang personal van ni Mrs. Pilar na ang susi ay na kay Mang Baste. Pabalik na sana ako sa loob ng marinig ko ang malakas na paghinto ng sasakyan mula sa labas.
“D! ANONG NANGYARI!” tumakbo ako papunta sa sasakyan kung saan ay nakatingin sa akin si G ng may pagtataka. “NAKITA KO ANG DALAWANG SASAKYAN NI BRENDAN NA DUMAAN SA AKIN AT MAY NARINIG RIN AKONG PUTUKAN!”
“SAKAY! DALI! KINUHA NILA SI MRS. PILAR!” mabilis rin itong kumilos pabalik sa driver seat. “BILISAN MO ANG PAGPAPATAKBO, G! KAILANGAN NATIN SILANG MAABUTAN!”
“AABUTAN NATIN SILA! AKONG BAHALA!” mabilis niyang pinalipad ang sasakyan. At wala pang ilang minuto ay nasa likod na kami ng isang sasakyan ni Brendan.
“HUWAG MONG BAGALAN!” binuksan ko ang bintana sa side ko saka nilabas ang kalahati ng katawan ko. I aimed my gun at the car’s back tire and fired numerous times. Nagpa-gewang gewang ang sasakyan hanggang sa huminto ito sa gilid ng daan. “IHINTO MO!” mabilis akong lumabas kasabay ng pagdukot sa baril na nasa likuran ko. Mabilis kong binuksan ang pinto pero naalarma ako ng sinalubong ako ng isang putok na mabuti na lang ay agad kong naiwasan. Bago pa ako makaganti ng putok ay ilang putok pa ng baril ang narinig ko. Pag-angat ko ay nakita kong lahat ng sakay ng sasakyan ay pawang mga duguan na at mga wala ng buhay. Sa kabilang pinto ng sasakyan ay kita ko si G na nakatayo at nakatutok pa rin ang baril sa loob. Nagkatinginan kami.
“Wala dito si Madam! Pati narin si Brendan!”
“Tara dali! Malamang nasa isang sasakyan sila!” mabilis akong bumalik sa sasakyan at ganun rin siya. Malayo na ang narating namin pero hindi pa rin namin makita ang isang sasakyan ni Brendan. “f**k! Nayari na!” I frustratedly breathed.
“Chillax ka lang, D.” buong pagtataka akong tumingin sa kanya.
“Anong chillax ang sinasabi mo jan! Nakawala ang isang sasakyan! Saan natin sila hahanapin ngayon!” napailing ako saka napasabunot sa buhok ko.
“Kapag sinabi kong chillax ka lang, chillax ka lang.” iniliko niya ang manibela sa kanan saka kumaliwa tapos ay may pinasukan siyang eskinita saka kumaliwala ulit. Napansin ko na may tinitingnan siya sa unahan ng manibela. Mabilis akong lumapit sa kanya at tiningnan rin ang tinitingnan niya.
“You’ve put a tracking device on Brendan’s car, G?” malapad siyang ngumiti saka tinapat ang isang daliri sa sentido niya.
“Utakan lang yan. Mabuti ng sigurado at least ngayon alam natin kung saan sila patungo.” nakahinga ako ng maluwag at saka nangingiting sumandal.
“Pinabilib mo ako, bata. Wise thinking.”
“Ikaw lang eh! Wala kang bilib sa akin!” mayabang pang sagot nito na ikinangiti ko lang. Tumingin siya sa akin. “May sugat ka, D.” saka ko lang naalala ang mga tama ng baril sa akin. Sinilip ko ang braso ko maging ang binti ko.
“Wala yan. Malayo sa bituka yan, galos lang yan.”
Nang ihinto ni G ang sasakyan sa gilid ng isang mukhang abandonadong bahay ay hindi muna kami sumugod. Mabuti na lang ay hindi naisipan ni G na ipasok sa loob ng kwarto namin sa bahay ng Montefalcon ang mission bag niya kung saan nakalagay ang mga armas na dala niya at kung anu-ano pa. Nasa trunk ito ng sasakyan. Mabilis niyang binuksan ang trunk saka nilabas ang lahat ng laman ng mission bag niya. Halos kumpleto ang mga ito. Nakita ko pa ang ilang baril na alam ko ay pag-aari noon ni Jewel. Nakatitig ako dito dahil ako ang nagbigay ng mga ito noon sa kanya.
“Bigay sa akin ni J yan noon. Iniingatan ko yan dahil galing sa kanya. Remembrance ko yan sa kanya.” kinuha ko ang dalawa at mabilis itong isinuksok sa magkabilang gilid ng pistol holster na sinuot ko rin. Ito ang gagamitin ko para parang kasama ko narin si Jewel ngayon. Inabot niya sa akin ang mga magazines ng baril. Siya naman ay kinargahan na ng bala ang shotgun na sa tingin ko ay siyang gagamitin niya saka isinuksok ang ilang pang bala nito sa magkabilang bulsa ng pantalon. Naglagay rin siya ng dalawa pang baril sa holster niya. Kumuha rin ako ng ilang throwing knives na nilagay ko naman sa leg holster ko. Nang sa tingin ko ay sapat na ang karga namin ay mariin akong tumingin sa kanya.
“Ready ka na ba? O baka naman dinadaga ka pa eh maiwan ka na dito at ako na lang ang papasok sa loob. Hintayin mo na lang kami dito ni Mrs. Pilar.” ngumisi siya ng nakakaloko sa akin bago kinasa ang shotgun na hawak niya.
“Ready na ako, D. Nanginginig pa nga ako sa kilig at kating-kati na akong gamitin ulit itong shotgun ko na matagal ng walang practice.” natawa pa ako sa sagot niya bago kami nagsimulang maglakad patungo sa bahay na pakay namin. Patungo sa lugar kung saan haharapin namin ang isa sa kampon ni satanas.
—--’--,-’-{@