Chapter 8 -The Hard Way
Matulin na lumipas ang dalawang buwan. At sa dalawang buwan na yun ay wala ng natanggap na any death threats ang dating unang ginang na ikinatuwa ni G. Dapat ay matuwa rin ako dahil parang biglang naging payapa ang lahat pero hindi. Taliwas ito sa nararamdaman ko. Pakiramdam ko pa rin ay may panganib pa rin na nag-aabang lang sa paligid at naghihintay lang ng tamang pagkakataon upang sumalakay. It is very impossible na basta na lang mamatay ang mga banta kay Mrs. Pilar. Sa tingin ko at sa pakiwari ko ay bigla na lang itong susulpot isang araw kaya mas pinag-igi ko pa ang pagbabantay sa assignment namin ni G.
Na-confirmed ko ng si Brendan Montefalcon ang puno’t-dulo ng mga banta sa dating unang ginang. Narinig ko minsan ang mga tauhan nito na nag-uusap sa balcony. They were talking about a big plan na malapit na nilang gawin at lubusang pinaghahandaan. According sa parang kanang kamay ni Brendan, malaki ang darating na project nila at delikado ngunit malaking halaga rin ang kapalit kapag nagtagumpay sila. Paalis na sana ako sa pinagtataguan ko ng biglang nadulas ang isa pang tauhan ni Brendan sa sinabi nito. Nabanggit nito ang pangalan ni Mrs. Pilar na siyang next project nila na mabilis naman nasapak ng kanang kamay ni Brendan. Kaya nabuo ang lahat ng speculations ko isama pa ang lahat ng mga sinabi sa akin noon ng dating unang ginang. G is right all along. Tama ang kutob niya ng unang araw pa lang na na-encounter namin ang panganay na anak ni Mrs. Pilar, si Brendan nga ang mastermind.
Ang malaking palaisipan ngayon sa akin ay kung paano ko mapipigilan ang mga plano niya against sa mother niya ganitong wala pa siyang ginagawa na physical action. I cannot just kill the bastard without solid evidence na siya nga ang mastermind. All are just hearsays na galing sa mga taong nakapaligid sa kanya. Sabi nga sa batas, a person is innocent unless proven guilty. Hindi ako basta pwedeng umaksyon dahil bukod sa hindi pa talaga kumikilos ang kalaban ay alam ko na malaki ang magiging epekto nito kung sakali man kay Mrs. Pilar kung ako ang mauuna na kumilos at patumbahin ang anak niya.
So right now all I can do is to wait. Wait with patience and diligently until the right time has arrived. Pero kasabay ng paghihintay ko ay ang pag-iingat sa paligid ko dahil anumang oras ay maaaring sumalakay ang kaaway. Kagaya ng madalas ko noon sabihin kay Jewel noong mga panahon na bago pa siya sa BRICA, patience is a virtue. There is a perfect time for everything. Hindi pwedeng sugod ng sugod dahil malamang sa malamang sa uuwi kang talunan or worse ay mapapatay ka sa laban. Kailangan pinag-iisipan ang lahat just like in the game of chess. Kailangan may diskarte at kailangan ina-analyze mo rin kung ano ang posibleng galaw ng kalaban mo. Timing is important para maging matagumpay. Dapat maging matalino rin dahil tuso ang kalaban at sasamantalahin nito ang lahat ng pagkakataon malingat ka lang kahit saglit.
Ngayon ang araw ng eleksyon. Maaga pa lang ay gumagayak na si Mrs. Pilar dahil maaga daw siyang boboto ngayon. Mamaya daw kasi ay may lakad siya at may kikitain siyang tao. Kaya gusto niyang maaga na matapos para may oras pa siya para sa sarili bago puntahan ang kausap niya. As expected, marami-rami na rin ang tao sa loob ng school kung saan boboto ang dating unang ginang. Marami rin ang bumati at kumamay sa kanya na nangako ng pagboto sa kanya. Bawat lumalapit kay Mrs. Pilar ay alerto kami ni G kasama ang dalawa pang bodyguards nito. Nang nakapila na si Mrs. Pilar sa linya at nakapasok na sa loob ng classroom ay naghihintay lang kami sa labas.
“Sa tingin ko ngayon ang panahon na hinihintay ng Brendan na yun para umatake, D. Sakto ang lokasyon na ito para sumalakay ang mga tauhan niya.”
“Yan rin ang kutob ko, G. Perfect ang lugar na ito since marami ang tao at hindi mahahalata kung kikilos man sila ngayon.”
“Sinabihan mo naman si Madam hindi ba? Sinabihan mo siya na pwedeng ngayon ang huling araw niya.” bigla akong napatingin kay G. Kung wala lang kami sa assignment ngayon at bumanat siya ng ganito, malamang nabigyan ko na siya ng isang suntok.
“Gago ka talaga. Nandito nga tayo para iligtas ang dating unang ginang tapos sasabihin mo na ngayon ang huling araw niya. Eh kung ikaw kaya ang sabihan ko na ngayon ang huling araw mo.” mabilis siyang napakamot ng batok. “Magmanman ka na lang sa paligid at baka totohanin ko pa ang sinabi ko sayo.”
“Joke lang naman, D. Ikaw naman, hindi ka na mabiro kahit kailan.” tiningnan ko pa siya ulit ng masama bago ako tumingin sa loob. Nagsa-sagot pa rin si Mrs. Pilar.
Nang matapos ito ay mabilis kaming bumalik sa sasakyan at umalis. Nakahinga ako ng maluwag habang nasa byahe kami pabalik sa mansion ng mga Montefalcon. Mukhang namali kami ni G ng kalkula sa kalaban. Hindi ito sumalakay na pinagtataka ko. Brendan has all the chances kanina para iligpit ang sariling ina sa mga tauhan niya. Pero bakit hindi niya ito ginawa? Ano ang pinaplano niya?
“Maybe he has a change of heart.” agad akong napa-tingin kay Mrs. Pilar na nasa tabi ko sa back seat. Nasabi ko ba ang nasa isip ko? “Last night, I prayed to the Lord Almighty that He touch his heart. Na linawin Niya ang isip ng anak ko para hindi ito makagawa ng mali.” tumingin ako kay Mang Baste na patuloy lang sa pagmamaneho. Tumingin ito sa rear view mirror at nagtama ang aming paningin, pero nag-alis rin ito ng tingin pagkaraan. “Hindi pa siguro ngayon ang oras ko. The Lord let me live another day.” She just smiled peacefully before closing her eyes.
Makalipas ang isang linggo ay lumabas na ang resulta sa nasabing eleksyon. Nanalo si Mrs. Pilar bilang Governor ng Oriental Mindoro. She won over her son na malayo ang agwat ng boto sa kanya. Everyone is rejoicing for her victory. Masaya rin ako dahil alam ko na pangarap ito ng ginang. Gusto niyang makapaglingkod sa kapwa niya at ito ang binigay sa kanya ng Diyos.
Ilang araw ko din hindi nakita si Brendan sa bahay nila. Mula ng lumabas ang resulta sa eleksyon ay madalang pa sa patak ng ulan sa disyerto ko siya makita. Ilang mga tauhan lang niya ang nakikita ko pero ang karamihan ay wala rin. Masama ang kutob ko. Wala sa karakter ni Brendan na basta na lang papayag na magpatalo. Mukhang wala sa vocabulary nito ang salitang yun. Nalalapit na ang araw na hinihintay ko. Mukhang malapit ng itong kumilos lalo pa nga at natalo ito sa ina.
—
“Kailan mo balak na ipa-trabaho sa mga tao natin si Pilar, Boss?” tumingin ako sa kanang kamay ko before puffing my cigar.
Honestly, wala naman talaga akong balak na masama against kay Pilar. Even if she isn’t my real mother ay naging mabuting ina naman siya sa akin and she showed love sa amin lalo na kay daddy when he was still alive. Nagsimulang mabago ang lahat when she have decided to run for Governor kung saan ay tatakbo rin ako. Doon nagsimulang magulo ang isip ko.
May malaki kasi akong pagkakautang sa HDS INC. na ginamit ko sa lending business ko kaya ganun na lang ang kagustuhan ko na manalo bilang Governor ng lugar na ito. Once na manalo ako ay pwede ko ng bayaran ang malaking halaga na utang ko kay Hector using the province’s fund. There are yet other ways naman to get the money I need so I can pay Hector back, yun ay kung magiging solo akong tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng mga Montefalcon. But the latter is quite impossible to happen. Most of the Montefalcon wealth ay nasa pangalan ni Pilar habang ako, si Daniel at si Margarette ay iniwanan ng pantay-pantay na shares ni daddy but not as big as what is allotted kay Pilar.
Dalawa ang option ko. Manalo as Governor of Oriental Mindoro or dispatch Pilar ng sa gayon ay mapa-sa akin ang lahat ng iniwan sa kanya ni daddy since ako ang panganay sa aming tatlo ng mga kapatid ko. Either of the two ay mababayaran ko na si Hector na madalas na akong kulitin which is starting to annoy me.
“Just tell our men to be ready. Anytime ay sasabihan kita kung kailan.”
“Sige, Boss.”
Now that I lost my candidacy, there is no other way but the hard way. I have no other choice but to do my other option which I know will deeply affect my siblings. Wala na akong pagpipilian dahil ginagahol na ako ni Hector. I need to pay him dahil hindi rin biro makabangga ang isang Hector De Silva kahit pa sabihin na anak ako ng dating presidente ng bansang ito.
—--’--,-’-{@