Chapter 7 -Hitting Two Birds In One Stone

1587 Words
Chapter 7 -Hitting Two Birds In One Stone Mas dumoble ang pag-mamatyag ko sa paligid ko. Sinabi ko rin kay G ang mga natuklasan ko kay Mrs. Pilar, lahat ng isiniwalat niya sa akin ay sinabi kong lahat sa partner ko. Hindi kami pwedeng maging kampante lalo pa ngayon na nalaman na namin kung sino ang nasa likod ng panganib na anytime ay pwedeng ma-encounter ng dating unang ginang. Kung noong mga nakalipas na linggo ay hinayaan namin na matulog mag-isa si Mrs. Pilar sa silid niya, ngayon ay salitan kami ni D sa pagbabantay sa kanya buong magdamag para masiguro namin ang kaligtasan niya. Malapit-lapit narin ang araw ng eleksyon kaya doble ingat kami kay Mrs. Pilar.  Sa lahat ng lugar dito sa bahay ng Montefalcon ay bukod tanging ang silid lang ni Brendan ang hindi pa namin napasok. Alam ko sa sarili ko na may matutuklasan pa ako sa loob ng silid niya, na bukod sa pag-confirm sa akin ng dating unang ginang na ito nga ang may balak sa kanya ng masama ay alam ko na may iba pa akong malaman sa loob. Kaya nag-isip ako ng paraan kung paano ako makakapunta sa loob ng hindi nakikita ng mga bantay or ni Brendan mismo.  Isang gabi ay nataon na umalis si Brendan kasama ang ilang tauhan nito kaya sinamantala ko na ang pagkakataon. I didn’t wasted any time dahil ito na ang chance na hinihintay ko. Sinabihan ko si G na magmanman sa labas ng pinto ng silid ni Brendan habang pumasok ako sa loob. Gamit ang isa pang micro cctv na connected rin sa cellphone ko ay nilagay ko ito sa isang lugar kung saan ay kita ang halos kabuuan ng loob, maliban sa bathroom at sa walk-in closet. Agad akong kumilos.  Sinimulan ko sa desk nito na malapit sa bintana kung saan maraming mga papeles at libro sa ibabaw. Inisa-isa ko ang mga papeles. Karamihan dito ay naglalaman ng reports tungkol sa negosyo niya. Marami nga ang negosyo nito. Bukod sa sariling kumpanya na in line sa manufacturing ay nagsu-supply rin siya ng mga spare parts ng sasakyan sa ibang bansa, meron rin siyang recruitment agency at ang isa sa naka-tawag ng pansin ko ay ang pagiging kasosyo niya sa isang gaming company na HDS Inc. Lahat ng papeles na dinaan ng mga mata ko ay kinuhanan ko ng picture gamit ang aking mini camera. Saka ko na ito pag-aaralan kapag may oras ako. Binalik ko sa ayos ang mga papeles sa kung saan ko ito kinuha tapos ay sa mga drawers naman ako ng desk nag-focus. Dalawa lang sa apat na drawers ang bukas. Ang una ay naglalaman ng mga mailing letters na hindi ko muna pinagtuunan na tingnan habang ang second drawer naman ay may ilang folders na nakalagay. Tiningnan ko ang unang folder kung saan ay naglalaman ng mga list of properties ng mga Montefalcon. On the second folder, last will and testament ng yumaong Brando Montefalcon ang makikita. Kinuhanan ko rin ito saka tiningnan ang huling folder na nasa pinaka-ilalim. Pagbukas ko ng folder ay mukha agad ni Mrs. Pilar ang bumungad sa akin tapos ang sumunod ay dalawang picture pa, isang lalaki at isang babae. Based on what was captioned under each pictures, ang dalawa pang picture ay ang tunay na anak ni Mrs. Pilar na sila Daniel at Margarette. Sa likod ng mga pictures ay ang mga assets ng tatlo at ang kani-kanilang net worth. Muli ko itong kinuhanan saka maayos na binalik.  Pag-angat ko ng ulo ay may nakita akong organizer na hindi ko napansin kanina dahil dim ang ilaw at kulay itim ito. Mabilis ko itong kinuha at binuksan. Several names are written on it at meron rin isang page where different amounts are written sa gilid ng mga pangalan ng kumpanya. Nakita ko ulit sa lista ang HDS Inc. Pagbuklat ko sa susunod na page ay nanlalaki ang mga mata ko ng mabasa ko ang pangalan ng taong matagal ko ng hinahanap at sa ilalim ng pangalan nito ay mga numero na hindi ko mawari kung ano. Babasahin ko pa sana ang iba pang nakasulat pero may mahina at sunod-sunod na katok ang aking narinig.  Usapan namin ni G na kumatok siyang ng ilang beses kung marinig niya o makita niya si Brendan mismo. Nagtatalo ang isip ko kung ibabalik ko ang organizer or not. I know that there is a lot more that I can find inside this organizer na hindi lang tungkol kay Brendan. And that’s a risk I cannot spare dahil nasa loob nito ang pangalan ng taong may malaking pagkakautang sa akin at matagal ko ng hinahanap. I know that somehow the two are connected. Pwede kong malaman ang kinaroroonan ni Hector sa pamamagitan ni Brendan.   Mabilis na isinuksok ko sa likuran ng pantalon ko ang organizer then hurriedly stand up and head towards the door. Pagbukas ko ng pinto ay mabilis ko itong sinara pagkatapos ko itong i-lock sa loob. Agad kaming naglakad patungo sa pinto ng silid ni Mrs. Pilar at doon tumayo na parang nagbabantay lang.  “Anong ginagawa nyo jan?” malakas na tinig ang umagaw ng attention namin ni G. Kay Brendan galing ang boses. Kasa-kasama nito ang ilang tauhan niya na nasa likuran niya.  “Binabantayan namin si Madam, Sir.” si G ang sumagot. Naghahabol pa ako ng hininga dahil sa kakatapos lang na ginawa ko.  “Aba! Napaka-sipag naman ninyo kung ganun!” He smirk mischievously before walking pass us.  “Tungkulin namin ang bantayan si Madam. Mahirap na at baka nasa pali-paligid lang ang gustong tumuklaw sa kanya. Better to be safe than sorry, ika nga.” napailing ako sa sinagot pa ni G. Napahinto sa paglalakad si Brendan saka binalikan kami ng tingin. Una ay sa akin saka kay G na mas nagtagal ang titig niya.  “Parang hindi ko yata gusto ang tabas ng dila mo, bata. May pinaparinggan ka ba?” umangat ang isang kilay nito habang ang mga tauhan na kasama niya ay naging alerto rin.  “Wala Sir.” mabilis na sagot ng partner ko pabalik bago tumingin sa akin. “Tinamaan ka ba, D?” nakakaloko pang banat nito na ikina-iling ko ulit.  “Kung ako sa inyo ay matulog na kayo! Useless ang ginagawa nyo because I am pretty sure that the person who wants my mother dead isn’t stupid enough to do the dirty work inside her premises. Not unless, they want to be caught red handed.” napatingin ako kay Brendan na tumingin rin sa akin. Nagtagal ang tingin niya sa akin na hindi ko rin inalisan ng tingin.  “Matutulog na ako, G. Ikaw na muna jan.”  “Pero D…”  “Jan ka lang.” hinintay ko muna na makapasok si Brendan sa silid nito at makaalis ang mga tauhan nito bago ako lumapit kay G. “Dito ka lang G, mabuti ng bantayan pa rin natin si Mrs. Pilar kaysa makinig sa isang yun. Baka salisihan tayo, mahirap na. Papasok lang ako sa kwarto natin at pag-aaralan ko ang mga nakuha ko sa loob.” mabilis siyang tumango kaya iniwan ko na siya dun at tumuloy sa kwarto na ino-occupy namin na ilang hakbang lang kay Mrs. Pilar.  Pagpasok ko sa loob ng kwarto namin ni G ay kaagad kong nilabas mula sa likuran ko ang organizer na kinuha ko sa desk ni Brendan. Mabilis ko itong binuksan sa kung saan ko nakita ang pangalan ni Hector De Silva. Matiyaga ko itong pinag-aralan. Based on what I see now at ayon narin sa mga nakasulat na figures sa isang page ng organizer, there is a connection between Brendan Montefalcon and Hector De Silva. Hindi ko lang matukoy kung sino ang may pagkukulang na malaking halaga kanino but, definitely they are connected with each other. Sinulat ko sa handy notebook ko ang tungkol dito at pinasadahan ang ilang pang pages.  Mukhang into gambling rin si Brendan Montefalcon. It shows here na may mga pautang siya sa mga negosyante na hindi birong halaga at sa gilid ng pangalan at amount ay ang lugar kung saan ito nagsusugal. Karamihan sa mga lugar na ito ay sa HDS Inc. Agad akong nag-search sa internet kung ano ang ibig sabihin ng HDS Inc. Mabilis kong sinulat sa handy notebook ko ang lumabas sa search ko. HECTOR DE SILVA INC.  Napangiti ako bigla. It seems that I am hitting two birds in one stone. Hindi ko inaasahan na dito sa assignment ko sa dating unang ginang ako makakahanap ng leads about the person I am searching for a long time. Wala sa pag-aakala ko na dito ko mahahanap si Hector. Ngayon na alam ko na kung saan ko siya matatagpuan ay kailangan ko ng tapusin ang assignment kong ito para masimulan ko na ang pagha-hunting ko sa kanya. Hindi pa rin pala siya nagbabago. Into gambling pa rin pala siya hanggang ngayon at mukhang mas lumaki pa ang saklaw ng illegal business niya. Pati ang anak ng dating presidente Brando Montefalcon ay may kaugnayan siya which only proves that his connections with the gambling world got bigger.  “Pasasaan Hector, magku-krus muli ang landas natin. This time I will make sure that you will pay for everything that you have done to me. I will make you pay sa anumang paraan. Magbabayad ka sa ginawa mo sa akin. Hindi ako titigil hanggang hindi kita napabagsak. Itaga mo yan sa bato, Hector De Silva. Hindi mo gugustuhin ang muling pagkikita natin.”  —---’--,-’-{@ 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD