Chapter 6 -Ako Ang Lalaban

1961 Words
Chapter 6 -Ako Ang Lalaban Dalawang linggo na ang matulin na lumipas. Sa dalawang linggo na stay namin ni G dito sa Oriental Mindoro ay marami-rami narin ang aking mga nailista sa aking handy notebook at marami-rami narin akong mga naging observation sa bahay ng mga Montefalcon at pati narin sa panganay na anak ng dating unang ginang. If my speculations are right at gaya nga ng unang sinabi ni G na kutob niya, si Brendan nga ang pinaka-posibleng suspect sa assignment na hinahawakan namin ngayon. Malaki ang possibility na ito nga ang nasa likod ng mga death threats ng dating unang ginang. Noong isang araw kasi matapos na hindi sinasadyang narinig ko ang pag-uusap ng dalawa sa mga tauhan ni Brendan ay inabutan ko ito sa sala habang may kausap sa cellphone nito. Nakatingin ito sa bintana kaya wala siyang kaalam-alam na nandoon ako at pinagmamasdan siya. Narinig ko ang mga sinabi niya at mga sagot niya sa kung sino man ang nasa kabilang linya. At based on what I’ve heard, mukhang nagtagumpay ang mga tauhan niya sa pagligpit ng taong nais nitong ipaligpit. Proud pa ito sa kausap at nagyayabang pa. Narinig ko rin na sinabi nitong walang makakapigil rito na manalo sa darating na eleksyon bilang governor ng bayan na ito kahit pa katunggali nito ang sarili ina. Nasabi rin nito na iko-consider niya ang kanyang plano kung sakali man na umurong ang ginang sa pagtakbo bilang governor rin. Sa mga narinig ko ay humanap ako ng tyempo upang muling makausap ng masinsinan si Mrs. Pilar. Madali lang naman matapos ang problema ng ginang, huwag na siyang tumakbo pa bilang kandidato ng sa gayon ay hindi na ituloy pa ng anak niya ang masamang plano nito laban sa kanya. Pero dahil sa mukhang determined rin si Mrs. Pilar na tumakbo, kailangan ko siyang balaan sa mga natuklasan ko para narin sa kaligtasan niya. Naging masyadong busy sa nagdaang araw si Mrs. Pilar dahil ilang buwan na lang ay eleksyon na kaya hindi ako maka-singit na makausap siya na kami lang. Mabuti na lang ay na-tyempuhan ko siya ngayon na mag-isa habang nagpapahinga sa may pool side sa likod ng bahay nila. Ito na sa tingin ko ang araw na hinihintay ko para makausap siya ng masinsinan. “Good afternoon, Mam.” nag-angat ito ng tingin sa akin bago ako naupo sa kabilang bench na hindi kalayuan sa kinauupuan niya. “Magandang hapon rin, D. Bihira akong magpahinga lately with all the activities I have been doing kaya sinusulit ko na hanggang pwede pa. Malapit na nga ang election that is why I am really exhausted lately. Kabi-kabila ang mga charity works ko which is alam mo naman yun. Mahirap rin maging public servant sa totoo lang. Kung nabubuhay pa si Brando ay malamang ay hindi ako payagan nun na tumakbo pa. Sasabihan ako nun na hayaan na sa mga batang pulitiko ang position na gusto ko.” sabay ngiti pa sa akin bago uminom ng juice. “Bakit nga ba naisipan nyo na tumakbo, Mam? Knowing na makakalaban nyo ang isa sa mga anak nyo sa isang position.” “Ewan ko nga ba, D. Sa totoo lang ay noong una ay wala naman sana akong balak na tumakbo kahit pa kinu-kumbinsi ako ng mga dating kaalyado ni Brando sa bayan na ito. Pero naisip ko, gusto kong makatulong sa bayan na ito dahil narin sa dito kami isinilang at tumanda ng asawa ko.” “Pero hindi nyo ba naisip Mam na pwedeng manganib ang buhay nyo kung sakali man? Kagaya na lang sa situation nyo right now. We all knew that your life is in great danger.” nakita ko ang pag-buntong hininga niya. “Part of life na ang panganib, D. Just like in your job as an agent and a bodyguard. I believe marami ka ng naranasan na panganib sa trabaho mo, right? Perhaps hindi na mga mabilang sa dalawang kamay mo ang mga panganib sa buhay mo. But the big question is, why are you still in your job when you knew that it can cause your dear life? Why are you still working as an agent when you knew that it is dangerous?” makahulugan siyang ngumiti sa akin. Bigla akong napaisip. May punto nga naman siya. Alam ko na delikado ang trabaho ko sa BRICA at sinusugal ko ang sariling buhay ko para sa kaligtasan ng iba. Ilang beses ko na itong ginawa at hindi lang ilang beses akong nasugatan at napuruhan sa mga laban. Pero bakit sa kabila ng panganib ay nanatili pa rin ako sa ganitong klase ng trabaho? Bakit kahit pa muntik na akong mamatay noon ay pinili ko pa rin na magbalik sa pagiging agent ko kung nasa akin na lahat ng chances na huwag ng bumalik pa at mabuhay na lang ng payapa at malayo sa gulo? Well, the answer is pretty obvious. “Masaya ako sa trabaho ko Mam kahit pa delikado ito at alam ko na pwede ko itong ikamatay. Masaya ako at iba ang fulfillment na nararamdaman ko sa tuwing magtatagumpay ako sa mga assignments na hinahawakan ko.” tumango-tango siya. “That’s my point, D. Regardless of the danger ahead of us and regardless of all the threats, we are committed to served. It runs in the blood ika nga nila. Magkaiba man ang ways natin on how to serve, pero iisa ang goal natin in life which is be of service to people. At yan rin ang isasagot ko sa mga katanungan mo sa akin, D. Masaya ako na makapag-lingkod ako sa tao. Iba ang feeling of achievement sa tuwing may natutulungan ako at alam ko na may napapasaya ako kahit sa maliit na bagay lamang. Noon ay hindi ko ito nakikita ng mag-decide ang asawa ko na pasukin ang magulong mundo ng pulitika. Tandang-tanda ko pa na ako ang unang-una na tumutol sa kanya ng sabihin niya sa akin na tatakbo bilang Mayor ng lugar na ito. I didn’t saw his point of view that time hanggang sa naintindihan ko ang mga layunin niya kung bakit sa kabila ng panganib ay hindi siya huminto sa paglilingkod. Kaya ng tumakbo siya ulit bilang Governor naman dito at nanalo tapos ay tumakbo rin siya bilang Senador ng bansa at muling nanalo, I told myself that I was wrong in stopping him before to run.” “Pero Mam, does it even come to you na pwede mong ikamatay ang pagtakbo mo ngayon? Hindi impossible since your life is threatened right now by whomever it is.” “Hindi ako takot mamatay, D. Naranasan ko na ang lahat ng dapat kong maranasan bilang anak ng Diyos. I have experienced a lot of things, all the riches and all the fame. Anytime na kunin na ako ni Lord at sabihin Niya that my time is up, then so be it. Lahat naman tayo ay mamamatay. Lahat tayo ay mapupunta sa stage na yun. But what is important is the legacy that we will leave behind. Kung ano ang iiwan mo sa mga tao at kung ano ang maalala nila sayo kapag nawala ka na.” She is really a one determined woman and she gained my respect for that. Kahit pa alam niya na posibleng mamatay siya dahil sa pagpasok niya sa pulitika ay hindi niya ito alintana, all in the name of service to the people. “Paano Mam kung ang taong gusto manakit sayo ngayon ay kilala mo or malapit sayo? How will you deal with it?” tinitigan niya ako saka muling ngumiti. “Are you pertaining to my eldest son Brendan?” nagulat ako sa sinagot niya. She smiled mischievously before taking a deep sigh. “I’ll tell you a secret, D. Brendan is really not my son. Anak siya ni Brando sa unang asawa niya. Ang anak ko lang talaga na galing sa akin ay si Margarette at si Daniel.” mas nagulat ako sa siniwalat niya. “Noon pa man ay iba na ang ugali ni Brendan, ibang-iba sa mga kapatid niya sa ama. Unlike the two, Brendan gets easily agitated. Ilang beses na kaming hindi nagkasundo noon but for the sake of my love for his father, pinaki-samahan ko siya sa abot ng aking makakaya. He did accepted me as his second mother pero syempre iba pa rin kung ako talaga ang ina niya.” She paused to sip her refreshment before continuing. “Hindi ako tumanda ng ganito na wala lang, D. I’ve graduated in one of the most prestigious schools in the country with the degree in Law. Alam ko. Alam ko ang lahat.” tinitigan ko siya ng may pagtataka. “Sa tingin mo ba ay hindi ko alam? Sa tingin mo ba ay kukuha pa ako ng extra na bodyguards ko na ako mismo ang pumili at hindi hinain sa akin kung hindi ko alam?” ngumiti siyang muli sa akin. “I knew my son has a plan against me, D. Hindi ako bobo at lalong hindi ako tanga para hindi ko malaman na nasa loob ng sariling pamamahay ko ang taong gustong manakit sa akin.” “Pero bakit tinuloy nyo pa rin kahit alam nyo? Why not leave this place and stay somewhere else para sa security nyo?” umiling siya. “Magulang ako, D. Kahit pa sabihin na hindi sa akin lumabas si Brendan ay hindi ko siya itinuturing na iba sa akin. Minahal ko siya at patuloy ko siyang mamahalin regardless of what. I love him just as how I love Daniel and Margarette. If he will be the cause of my death at kung yun ba talaga ang destined for me, then I will accept my fate wholeheartedly. Just as what I’ve said to you earlier, matanda na ako at nakahanda na ako anumang oras kung tapos na ang oras ko sa mundong ito. But I want to leave a legacy when I’m gone. Gusto kong makilala ako ng mga tao hindi bilang mabuting asawa ng dating Presidente Brando Montefalcon at hindi bilang isang mabuting ina ng mga anak ko. I want to be remembered as a good public servant who did her best regardless of all the odds that is against her.” “So you mean to say Mam, alam mo ang masamang balak sayo ni Brendan. Alam mo na siya ang nasa likod ng mga death threats sayo.” tumango siya with peace which amazes me and confuses me at the same time. “Alam ko at tinanggap ko na. Bahala na ang Diyos sa kanya kung itutuloy man niya ang pinaplano niya laban sa akin. Pinapa-sa Diyos ko na ang lahat, D. What’s the use of fighting him kung obvious naman that I am nothing compared to him. Kaya kung ito man ang mga huling buwan ko dito sa mundo ay malugod ko itong tatanggapin. Pero hindi ako uurong sa pagtakbo ko, that’s for sure. I will run for Governor even if my very own life is at stake.” determinado na sagot niya na talagang ikina-bilib at ikina-hanga ko sa kanya. I quickly reach for her hand and gently grip it. Saka ako tumingin sa kanya with pure determination. “Kung kayo Mam ay tinanggap nyo na ang lahat, ako ay hindi. Hiningi nyo ang serbisyo ko bilang bodyguard nyo, so I will do my part to be of service to you. Ako ang lalaban sa laban mo, Mam. Ako ang lalaban para sayo. Ipagtatanggol ko kayo sa abot ng aking makakaya at handa akong isugal ang sariling buhay ko mailigtas ko lang kayo sa kamay ng anak nyo.” ngumiti siyang muli sa akin kasabay ng luhang pumatak sa kanyang mga mata. “Pinapangako ko Mam, ipagtatanggol kita.” —---’--,-’-{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD