Chapter 34 -Feel My Wrath Buo na ang decision ko. I already made up my mind. Kagabi kasi habang nakahiga ako at hindi makatulog, pinag-isipan kong maigi ang tungkol sa relasyon namin ni Tamara. Tinimbang ko ang sitwasyon na kinakaharap ko ngayon. Mahal ko si Tamara no question about that pero hindi ko pwedeng isang-tabi na lang ang matagal ko ng isinumpa sa sarili ko mula ng magbalik ang alaala ko. Kailangan kong mamili, kailangan kong magpasya sa lalong madaling panahon dahil bawat araw ay mahalaga. Kailangan kong mamili kung ang bago bang pag-ibig na dumating sa buhay ko o ang matagal ko ng mission na naging panata ko na. And after much thinking last night and weighing things that happened to me lately ay nabuo na ang decision ko. Sigurado na ako sa kung ano talaga ang unang gagawin ko.

