Chapter 33 -Enemy’s Daughter “Tamara. I’m Tamara De Silva, Mister.” Kung kanina sa DE SILVA CONDOTEL ay pilit na pinapaniwala ko ang sarili ko na hindi si Tamara ang anak ng mortal kong kaaway at nagkataon lang na kahawig nito ang boses at pangalan ng anak ni Hector, ngayon sa narinig ko ay mas literal na nawasak ang mundo ko. Hindi ko mapagtakpan ang sakit sa puso ko at alam ko na nakita ito ni Tamara sa mga mata ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na makita ang emosyon ko sa harap niya dahil labis akong nasasaktan ngayon. Labis na naghihirap ang kalooban ko ngayon sa narinig ko mula sa babaeng nagkaroon na ng malaking puwang sa puso ko. Sobrang maglaro ang tadhana sa akin. Hindi ko alam kung bakit lagi na lang ganito ang nangyayari sa akin sa tuwing binubuksan ko ang puso ko sa i

