Chapter 3 -Mahirap Pero Kakayanin

1934 Words
Chapter 3 -Masakit Pero Kakayanin Habang kumakain kami ay marami kaming binalikan ni Jewel na mga kwento sa aming nakaraan. Nakakatuwang isipin na siya parin ang simpleng J na nakilala ko noon kahit pa nag-iba na ang lifestyle niya ngayon. Hindi parin nawawala sa kanya ang pagkahilig niya sa kulay itim at mga silver accessories at simple pa rin siya kung manamit. Nalaman ko rin na kaya pala siya nandito ngayon sa bansa ay dahil inaasikaso niya ang wedding gown niya at mga papeles niya. Yes, ikakasal na ang mahal ko. Ikakasal na siya sa lalaking mahal niya, kay Cale. Five months from now ay hindi na siya si Maria Jewel Aguinaldo. Five months from now ay siya na si Mrs. Maria Jewel Aguinaldo Echanove. Mapait na katotohanan pero wala akong magagawa dahil ito ang tadhana niya at ito rin ang nakatadhana para sa akin. Nakakalungkot isipin na napakarami ng mga plano namin noon, para sa future. We have plans na iwan ang delikadong buhay namin at lumayo para magpakasal at makapag-simula ng pamilya. Nagplano na rin kami kung ilang anak ang gusto namin at kung saan lugar kami mag-babagong buhay. Pero minsan talaga ay hindi natin kayang hawakan ang lahat lalong-lalo na ang hinaharap. Na-balewala ang lahat ng mga pinlano namin sa isang iglap. Kung maibabalik ko lang ang nakaraan o kung makakabalik lang ako sa nakaraan ko, hindi ko na sana kinuha pa ang assignment na yun na siyang naging puno’t-dulo kung bakit ako miserable ngayon. Siguro ay maligaya at nabubuhay na kami ngayon ni Jewel ng mapayapa at matiwasay kasama ang mga anak namin. Ang saya-saya ko siguro kung nangyari yun. I tried to be happy for her, I really did kahit pa dumudugo ang puso ko. Pinilit ko na tanggapin ang lahat kahit pa nasasaktan ako. Well sino ba naman ang hindi kung malaman mo na ang babaeng nilagay mo sa pedestal at minahal mo ng lubos ay ikakasal na? What is worst ay hindi ikaw ang pakakasalan niya. A very sad reality na alam kong babaunin ko sa loob ng mahabang panahon. I still tried to be jolly in front of her now. Ayoko naman sabihin niya o isipin niya na may nasasaktan parin siyang tao. Masaya na si Jewel which is hinangad ko sa kanya noon pa man. After ng mga tragedies na nangyari sa buhay niya at lahat ng mga taong nawala sa kanya, she deserves to be happy. She deserves peace, not just in her mind but peace in her soul as well. At wala akong karapatan na hadlangan siya sa bagay na yun. Hindi naman niya kasalanan ang mga nangyari sa buhay ko, wala siyang kasalanan. Hindi niya yun ginusto kaya labas siya sa kung ano man ang nangyari sa aking nakaraan. Ang Diyos at ang kapalaran ang nagdikta sa lahat kaya hindi tama na sisihin ko siya kung bakit ako ngayon ganito. "Gusto nga ni Cale na imbitahan ka namin sa kasal namin, Dave. Utang niya sayo ang pagkakaligtas ko and he wants you to be present sa kasal namin. Kaya lang ay nag-aalangan kasi ako.” tumingin siya ng may lungkot sa kanyang mga mata. "Pwede naman." ngumiti ako ng malapad na nagpa-angat ng isang kilay niya. "Ayos lang sayo na dumalo ka sa wedding ng ex mo? Oh come on Dave!" "Hahahahaha! Ayos nga lang! Basta wala ako sa assignment ng araw ng kasal mo ay pupunta ako." "Ang plastik mo Dave!, huwag ganyan." "Totoo nga Jewel! I have to admit that until now ay masakit parin sa akin ang lahat which is natural dahil minahal kita at naging parte ka ng buhay ko but, this is my fate. Ito ang tadhana ko and I believe na hindi mo rin naman ginusto ang mga nangyari." napabuntong hininga siya ng malalim. "I don’t want you to feel guilty about what I have become Jewel. This is my destiny, ito ang inilaan ng Diyos para sa akin so I have to man up and face it." idinantay niya ang kanyang kamay sa braso ko. But honestly, alam kong masasaktan ako lalo kapag dumalo pa ako sa kasal nila ni Cale. Pero alam ko rin na gusto niya na maging part pa rin ako ng event na yun sa buhay niya. Bago kasi kami naging mag-kasintahan ni Jewel noon ay naging matalik kaming magkaibigan. Lahat ng mga hinaing niya at lahat ng mga pinagdaanan niya sa buhay ay alam ko, same goes with her sa akin. Kaya malalim ang pinagsamahan namin. At alam kong nais niya rin na nandoon ako sa kasal niya. She is just hesitant because she knew that I am still hurting, na hindi pa ako nakaka-get over sa kanya at sa nasirang relasyon namin. "I just wish that I can ease the pain you are feeling, Dave. Mahalaga ka sa akin and I hate seeing you in this condition." nginitian ko siya ng malapad. "Just be happy with your life, Jewel. I want you to be happy kahit pa hindi sa piling ko. That’s all I ever wanted for you ever since, and you know that. Gusto ko na palagi kang masaya at ligtas, gusto ko rin na mabuhay ka ng maayos at maligaya." her eyes begins to water kaya mabilis na kinuha ko ang panyo ko at inabot ito sa kanya. "I wish I can say that to you also Dave. I’m really sorry. Kung alam ko lang na buhay ka pa noon, sana hinintay kita. Believe me Dave, I did wait for you. Pinag-dasal ko palagi noon na sana ay buhay ka na lang at kapiling kita.” narinig ko ang paghikbi niya. "Ano ka ba Jewel. Ayoko ng marinig sayo ulit yan ha. Cheer up! Basta hangad ko sayo na maging maligaya ka sa piling ni Cale. Huwag mo akong intindihin. Huwag ko lang malalaman na pinaiyak ka niya o sinaktan dahil mapapatay ko siya. You knew naman that I will kill for you, right?" "Salamat Dave. Salamat dahil minahal mo ako ng sobra-sobra." pinunasan niya ang luhang pumatak mula sa mata niya. "Mabait si Cale, hindi niya ako sasaktan. Subukan lang niya talaga! HAHAHAHAHA!" sabay pa kaming napatawa. "Subukan lang niya at ibabalik ko siya kay Tita Mildred na bali-bali ang katawan niya!" "Ikaw talaga, puro ka biro." "But honestly, pupunta ka nga sa kasal ko? Totoo?" "Kahit saan pa ganapin ang kasal mo ay pupunta ako Jewel, promise. Basta huwag lang na nasa assignment ako, yun malabo akong makapunta." she smile sweetly at me that makes my heart warm. "Malay mo dun mo makita ang destiny mo!" "I doubt that." "Bakit naman?" hindi ko siya sinagot pero hinaplos ko ang dibdib ko kung saan nandoon ang puso ko saka ngumiti sa kanya. "I really hope that someday makita mo rin siya, Dave. It is my wish for you. Na makita mo rin ang tao na nakalaan para talaga sayo. Balitaan mo ako if you do. I will be the first one to be happy for you." "Matagal pa siguro mangyari yun, Jewel. Or baka hindi na mangyari pa yun. Hahahaha!" "Sira ka! Everyone has a destined partner in life Dave. Hindi ka exempted dun kaya." Hindi nga ako exempted dun Jewel pero ang alam kong destined ko kasi ay nasa iba na. Kaya malabo na ang sinasabi mong yan. Mapait kong sabi sa sarili ko. Matapos kumain ay inihatid na ako ni Jewel sa BRICA since maaga pa ang biyahe namin bukas ni G papuntang Oriental Mindoro. Hindi na siya pumasok sa loob at pinagmasdan ko siya habang palayo na ang sasakyan niya. "Kakayanin kong mabuhay kahit pa namatay na ang puso ko, Jewel. Mahal na mahal kita hanggang ngayon at titiisin ko ang lahat ng sakit at lungkot basta makita kong masaya ka kasama si Cale." may luhang pumatak sa mata ko na mabilis kong pinunasan. "Masakit pero kakayanin ko J, ganyan kita kamahal Lady Phantom. Habang buhay kitang mamahalin at iingatan dito sa puso ko Jewel, pangako ko yan sayo." may pait akong ngumiti saka bagsak ang balikat na pumasok sa loob. Kinabukasan ay maaga kami umalis ni G, madilim pa sa labas ay nasa daan na kami. We have arrived at Oriental Mindoro at exactly noon, tumuloy kami sa isang tourist inn na malapit sa bahay ng aming assignment. Makalipas ang tanghalian ay pinuntahan na namin ang bahay ng dating first lady. Nang makapag-pakilala kami ay pinatuloy kami sa loob ng mala-palasyo na bahay ng dating unang ginang. "You must be my mother's new bodyguards." wika ng isang lalaking mukhang kontrabida sa isang pelikula. "Good afternoon. Ako si D at ito naman ang kasama kong si G. Pinadala kami rito ng BRICA para sa request ang mother mo, Mister?" "Brendan. Brendan Montefalcon. Ang panganay na anak ni Pilar Montefalcon. Please, have a seat." umupo kami ni G habang umupo naman sa harap namin si Brendan. "See you, I don't see the point of hiring new bodyguards for my mother. It isn't like she is in grave danger. Away pulitika lang ang kinakaharap ni Mommy ngayon which is normal na sa amin ever since. Gusto kasi siyang patakbuhin ng mga kaalyado ni Daddy before as Governor. Sabi ko nga ay huwag na dahil ako talaga ang dapat na tatakbo bilang Governor dito aside sa may-edad na si Mommy. Yun ang unang plano namin mag-ina. Ang kaso ay nasulsulan na siya ng karamihan at napapayag na siya na tumakbo in the long run." I saw bitterness in his eyes. "Do you happen to know people na pwedeng maging threat sa Mommy mo, Mr. Brendan?" "No one in particulat but maybe people who want her to lose perhaps. Mga kalaban na tatakbo rin as Governor siguro. You know how politics run in this country at kahit naman sa ibang bansa, kadalasan ay marumi ang pulitika." pinagmamasdan ko ang bawat kilos niya. Kung tama na pwedeng mga kalaban nga ng dating unang ginang ang gusto gawan siya ng masama, then isa sa probable suspects ay itong si Brendan rin since tatakbo rin siya at makakalaban niya ang ina sa pagka-Governor. But is he that covetous for the said position to risk his mother's life in replace of power? "Pwede ba namin makausap si Mrs. Pilar, Mr. Brendan?" "Actually my mother's resting right now, kakauwi lang niya from the hospital yesterday. Tumaas ang blood pressure niya the other day. If it's not much of a hassle to you both, baka pwedeng bukas na kayo bumalik para makausap siya ng mabuti." bigla na itong tumayo kaya napatayo narin kami ni G. "Yeah sure. Babalik na lang kami bukas para makausap si Mrs. Pilar. Do you mind if we look around dito sa bakuran ng bahay nyo, Mr. Brendan?" "Not at all. Help yourselves. Mas maganda na rin siguro para at least ay makita nyo rin ang mga securities namin dito at masabi nyo na safe ang mother ko dito." "Salamat Mr. Brendan." iniwan na kami ni Brendan kaya lumabas na kami ni G. Habang sinisiyasat namin ang lugar ay bigla kong tinanong si G. "Anong observation mo tungkol kay Brendan Montefalcon, G?" "Isa lang ang masasabi ko." "Ano yun?" "Siya ang gustong gumawa ng masama sa dating unang ginang." nagulat ako sa sinabi niya at napahinto sa paglalakad. "Bakit ko nasabi ang bagay na yun? Simpleng-simple lang. Malaki ang pera sa pulitika at ang maging gobernador ng isang lugar kagaya nito ay malaking karangalan at kapangyarihan para sa sinuman na nahalal. Pwedeng mali ako pero malamang ay tama ako ng kutob." "Paano mo nasabi yan?" "Dahil bihira akong nagkamali sa kutob ko, D. Maniwala ka, madalang na madalang." ------'--,-'-{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD