Chapter 4 -Nasa Bakuran Lang Ang Ahas

1553 Words
Chapter 4 -Nasa Bakuran Lang Ang Ahas Kinabukasan ay maaga kaming bumalik ni G sa bahay ng dating unang ginang. Pero hindi kagaya kahapon ay si Mrs. Pilar Montefalcon mismo ang humarap sa amin. Malaki ang pagkakaiba ng ginang sa picture na nakita ko na binigay sa akin ni Big Boss kaysa sa personal. Mas matanda itong tingnan ngayon at medyo payat. “Good morning Mam. I am D and this is G. Kami po ang ipinadala ng BRICA para po maging bodyguard nyo at para narin po malaman natin kung sino ang nasa likod ng mga threats sa inyo.” “Good morning gentlemen. To tell you frankly ay ayaw na ng panganay ko na kumuha pa ako ng mga karagdagang bodyguards. For him, it is just a simple political issue na common na sa amin noon pa. I believe ay alam nyo ng dating presidente ang asawa ko.” sabay pa kaming tumango ni G. “But you see, ako ang mas nakakaalam kung kailangan ko pa ba ng additional bodyguards dahil ako ang may katawan. Honestly speaking, I am in danger. My life is in danger.” “Maaari nyo po ba kaming i-brief Mam kung bakit mo nasabi na nasa panganib po ang inyong buhay.” “Madalas mapansin ng personal driver ko na may itim na sasakyan na laging sumusunod sa amin kahit saan man kami magpunta. Noong una ay hindi niya ito pinapansin at hindi niya rin sinabi sa akin dahil baka daw nagkataon lang. But lately, almost a month I guess, naging frequent na ito. Then last week lang ay nakatanggap ako ng mga death threat letters telling me that I should watch my back etcetera.” “Maaari po ba namin makita ang mga pinadala sa inyo, Madam?” sabat na tanong ni G. “Sure. I will just get it.” tumayo si Mrs. Pilar at iniwan kami ni G sa sala. Pagbalik niya ay inisa-isa namin ang mga inabot niya sa amin. All the letters are not handwritten. Mautak ang gumawa nito dahil gawa ang bawat liham sa mga ginupit-gupit na letra. Wala rin kahit anong palatandaan na makakapagsabi kung kanino nanggaling ang mga liham. “Can we keep these, Mam?” muli kong sabi after we looked at everything that was laid on us. “If it can lead you to whomever it may be na gustong manakit sa akin at gawan ako ng masama, then go ahead. Keep it para makatulong sa inyo sa paghahanap sa kung sinuman ang taong yun.” tinupi ko na ang mga papel saka maingat na pinasok sa loob na bulsa ng jacket na suot ko. “Mam kung hindi nyo mamasamain, starting today ay kasama mo na kami sa anuman na lakad nyo. Kahit saan kayo pupunta ay kasa-kasama nyo kami. Kung pwede rin sana na bigyan nyo kami ng access dito sa bahay nyo anytime para mas makakilos kami at mas mabantayan namin kayo ng maayos.” “I am thinking of letting you both stay here instead. Tutal naman ay marami naman bakanteng rooms ang bahay na ito.” “Mas maganda kung ganun, Madam. Para mas mabantayan namin kayo 24/7.” sabat ulit ni G. “Alright. Ipapahanda ko ang isang room para sa inyo mamaya.” “Isa pa pala, Mam. Pwede ba namin makita ang kabuuan ng bahay nyo? Noong huling punta namin dito ay nakita na namin ang labas ng bahay, but the inside ay hindi pa.” “Help yourselves, D.” ngumiti siya sa amin. “Mas maganda siguro kung samahan ko na kayo para makita nyo rin kung saan ang room ko.” “Salamat Mam.” Buong araw namin pinag-aralan ang bawat sulok ng bahay ng mga Montefalcon. Bawat kwarto ay pinasok namin pwera lang ang kwarto ng panganay na anak ni Mrs. Pilar na si Brendan. Ayon sa ginang ay mahigpit ang anak niya sa privacy nito at ayaw na ayaw nito na may ibang pumapasok sa kwarto lalo na kung walang pahintulot mula rito. Kinausap rin namin ang personal driver ni Mrs. Pilar upang malaman ang side niya sa tinutukoy ng ginang tungkol sa sasakyan na sumusunod sa kanila palagi. Nalaman rin namin na matagal na itong naninilbihan bilang driver ng mga Montefalcon. Noong panahon pa na nabubuhay ang asawa ni Mrs. Pilar ay siya na daw ang personal driver ng mga ito. Bigla akong naging curious sa huling sinabi niya tungkol kay Brendan. Pero bago pa ako makapagsalita ay nauna na si G na magtanong. “Paanong iba ang ugali, Mang Baste?” tumango ako dahil yun rin ang tanong na gusto ko sanang itanong. “Lahat ng mga anak nila Sir at Mam ay pawang mababait, bukod kay Sir Brendan na may pagka-strikto at mainitin ang ulo. Halos lahat ng mga kasama ko dito maliban sa mga tauhan niya ay ilag sa kanya. Madalas nga ay pagalitan niya kami kahit wala naman kaming ginagawang mali. Ilang katulong na ang umalis dito dahil sa kagaspangan ng ugali ni Sir Brendan na malayong-malayo sa ugali ng ibang miyembro ng pamilya Montefalcon lalong-lalo na ni Sir Brando noong nabubuhay pa siya.” “Mabuti Mang Baste ay tumagal kayo dito kahit pa sabi nyo nga ay magaspang ang ugali ni Brendan.” hirit ulit ni G. “Wala na akong pamilya dito sa Pilipinas, G. Matagal ng patay ang asawa ko habang ang isang anak naman namin ay nakapag-asawa ng foreigner at tumira na sa ibang bansa. Kaya solo na lang ako sa buhay at itinuring ko ng pamilya ang mga Montefalcon. Bata pa lang si Sir Brendan at wala pa sila Sir Daniel at Mam Margarette ay nandito na ako sa pamilyang ito kaya napamahal na sila sa akin.” magtatanong na sana ako ng muli akong naunahan ni G. “Sa tingin mo Mang Baste, sino ang nasa likod ng mga death threats ni Madam Pilar?” napatango ako ulit dahil isa yun sa mga gusto ko rin itanong kay Mang Baste. “Mahirap magbintang G pero…” “Pero ano Mang Baste?” napatirik ako ng mata dahil hindi ako makasingit ng tanong sa matandang driver. Tumingin muna sa paligid si Mang Baste bago ako sinulyapan. Napansin ko takot at pangamba sa mga mata niya na para bang ayaw niyang may makarinig sa gusto niyang sabihin bago siya nagbalik ng tingin kay G. “Mas mabuti kung magmasid na lamang kayo sa paligid nyo habang nandito kayo. Ayokong madamay kung sakali man dahil mahal ko pa ang buhay ko.” nagtataka ako sa huling sinabi niya. “Pero Mang Baste…” mabilis kong tinapik ang balikat ni G kaya napatingin siya sa akin. “Pwede bang ako naman ang magtanong?” biglang ngumiti ng nakakaloko si G saka sumenyas sa akin na magsalita na ako. “Napansin ko lang Mang Baste, bakit parang takot na takot kayo? At bakit nyo nabanggit na mahal nyo pa ang buhay nyo kaya ayaw nyong madamay?” huminga ito ng malalim bago sumagot. “Mahirap maging kaaway si Sir Brendan, D. Malaki ang saklaw ng kapangyarihan niya hindi lamang sa bahay na ito kung hindi maging sa labas, dahil na rin yun sa dami ng mga kilala niya na may kaugnayan sa mga negosyo niya.” “Anu-ano ba ang mga negosyo ni Brendan, Mang Baste?” napabuga ako ng hangin sa muling pag-sabat ni G. “Naalala ko pala! May pinapagawa pala sa akin ni Mam! Maiwan ko muna kayong dalawa dito. Nakalimutan ko ang inutos ni Mam sa akin.” natataranta na sabi niya saka dali-dali na lumayo sa amin kaya nagkatinginan kami bigla ni G. “Ano sa tingin mo, G? Mukhang may nalalaman si Mang Baste na kailangan natin malaman.” tumango-tango siya habang hinihimas ang baba niya. “Sa tingin ko mukhang tama nga ang kutob ko, D. Mukhang ang Brendan nga na yun ang gustong pumatay kay Madam Pilar base na lang sa mga sinabi ng matanda sa atin. Ang matinding tanong ngayon ay paano natin mapapatunayan na si Brendan Montefalcon nga ang kontrabida sa pelikula na pinagbibidahan ni Madam Pilar?” bigla akong natawa sa huling sinabi niya. Talagang may pagka-kengkoy rin itong si G. Haluan ba naman ng ganun bagay ang isang seryosong usapan. “Isabay na natin ang pag-mamanman kay Brendan sa pagprotekta kay Mrs. Pilar ng sa gayon ay mas makilala natin ang taong yun. Kung talagang siya nga ang mastermind, then I think Mrs. Pilar is in great danger.” “So bilib ka na ngayon sa akin, D?” umangat ang isang kilay ko. “Bilib saan?” “Sa sinabi ko kahapon sayo tungkol sa kutob ko.” “Huwag ka munang magyabang hanggang hindi pa tayo sigurado na tama nga ang kutob mo.” “Tama yan. Ako pa ba? Maniwala ka sa akin, D. Siya ang mastermind.” tinitigan ko siya habang gumagana ang isip ko. Kung ang panganay nga na anak ng dating unang ginang ang gustong mag-ligpit sa kanya, then hindi lang nanganganib ang buhay ng ginang sa labas kung hindi dito mismo sa sariling pamamahay niya ay delikado siya. At kung tama nga ang kutob ni G, mas kailangan namin pag-ingatan si Mrs. Pilar dahil nasa bakuran lang ang ahas ng gusto manakit sa kanya. —---’--,-’-{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD