Tyler Hindi ako mapakali mula sa kinauupuan ko kaya tumayo ako at palakad-lakad sa harapan ng mesa ko. Kinakabahan ako at hindi ko maintindihan kung bakit. Ginawa kong panghilamos ang palad ko at saka napakamot sa batok ko dahil, sa kakaibang kaba na bigla kong nararamdaman. “The h*ll is happened? Ngayon lang ako kinabahan ng ganito,” naibulong ko sa sarili ko at muling uupo at tatayo. Bahagya akong natigila ng tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa kaya walang alinlangan ko itong kinuha at sinagot ang tumawag. “Yes!" Bungad ko. Dinig na rinig ko ang pagbuntonghininga ng tumawag mula sa kabilang linya bagay na ikina-kunot-noo ko at tinigan ang screen display ng cellphone ko. It's Elaine calling. “What happened?” na-curious kong usisa sa kaniya bagay na ikinasinghot nito. Is s

