Elaine MALAYO ang diwa ko nang lumabas ako sa kuwarto ni Tyson. Para akong nakalutang sa alapaap at tila walang laman ang isipan ko. Nakakaramdam parin ako ng kaba at takot sa panaginip kong 'yun. Papaano kung malaman niya? Saan ko sisimulan? Nalilito ako kung dapat ko bang ipaalam sa kaniya na may anak kami at hindi talaga ako nakunan noon. God, naiisip ko pa lang para na akong kinakapusan sa paghinga. Paano kung hindi niya ako paniwalaan kapag sasabihin ko? Ayaw kong mangyari 'yun, ayaw ko nang makarinig pa nang masasakit na salita galing sa kaniya. Mariin akong napapikit at napabuntonghininga. Napahaplos ako sa braso ko dahil, nakaramdam ako ng lamig. Habang humahakbang ako patungong chapel ng hospital ay napadaan ako sa isang kuwarto. Ganoon na lamang ang gulat ko nang nagsitakb

