Elaine
NAPADAAN ako sa saloon nang maisipan kong magpa-gupit ng buhok. Ka-gagaling ko lang sa opisina ni Tyler at nagpasya akong tanggapin ang alok niya.
Mahirap na. Hirap nang maghanap ngayon nang ganoong halaga at alang-alang rin sa anak ko ay tatanggapin ko.
Pikit-mata akong bumuntong hininga bago nagpasyang tumuloy sa loob ng saloon nang siya namang pagtunog ng cellphone ko.
Kinuha ko ito mula sa bulsa ng pantalon ko at sinagot ang tumawag.
"Hello?" sagot ko at natigilan ako nang madinig ko ang boses ni Tyson na parang naghihingalo.
"Ma-mama, ma-masakit ang ulo ko!" Dinig kong sambit niya kaya agad akong napabalik sa labas at natataranta sa gagawin.
Bumundol ang sobrang kaba sa dibdib ko nang marinig ko ang boses niyang tila nahihirapan na. Halos lakad -takbo na ang ginawa ko para lamang makarating kaagad sa bahay.
"Anak, Diyos ko. Sandali lang, uuwi na si mama hi-hintayin mo lang ako, okay? Nak, pauwi na si mama!" Natataranta kong tugon.
Dinig ko na lang ang paghikbi niya kaya mabilis akong pumara ng taxi. Bumagsaka ang mga luha ko at nakiusap sa mamang driver na bilisan ang pagpapatakbo ng taxi. Maya-maya pa ay narinig ko ang boses ni Caleb dahil, hindi pa tuluyang naibaba ni Tyson ang tawag.
“Elaine, naririnig mo ba ako? Kailangan mo nang umuwi kaagad, Tyson is still vomiting and he's getting pale. D@mn! Hindi ko na alam ang gagawin!'' Natatarantang saad niya bagay na ikinatakip ko sa bibig ko para pigilan ang paghikbi ko.
“God, Caleb. Please, h'wag mong iiwan ang anak ko!'' Pakiusap ko kasabay ng paglandas ng luha ko.
"Don't worry, dadalhin ko siya sa pinaka-malapit na hospital, Elaine,'' saad niya sabay binabaan ako ng tawag.
Habang lulan ako ng sasakyan ay lumilipad ang isipan ko kung bakit biglang nagkasakit ang anak ko.
Kasalan ko ito kung bakit umalis pa ako kanina.
Kantodo check ako sa cellphone ko at hinihintay ang pag-text ni Caleb kung saan niya dinala si Tyson kaya mas lalo akong kinabahan nang wala pa akong natanggap.
I sighed in relief,
dahil, kalaunan ay natanggap ko ang text message galing kay Caleb.
~~From Caleb~~
Elaine, nasa Doctors Hospital na si Tyson pumunta ka na lang dito. I will wait you here!
Nangamba ako na baka mapano ang anak ko dahil sa kapababayaan ko rin. I bit my lower lip. My eyes shade in tears.
Diyos ko sana magiging okay ang anak ko.
“Manong, puwede po bang pakibilisan lang. Sa Doctors Hospital ako tutuloy manong," pakiusap ko kay manong driver.
Agad- agad akong bumaba nang nasa harapan na ako ng hospital mismo at kamuntik ko pang makalimutan ang magbayad.
"Ay maam, 'yung bayad niyo ho!"
"Pasensya na talaga, manong. Heto po!" naihingi ko ng tawad at binuklat ang wallet ko.
Sandali akong natigilan nang biglang kumapal ang laman niyon. Pero, hindi ko na lang binigyan nang pansin at dali-daling tumuloy sa loob. Pagkatapos kong tawagan si Caleb kung saang ward sila ay mabilis akong tumungo roon.
WARD 2 ROOM A1
GULAT at takot ang naramdaman ko mula sa sinabi ng doctor matapos nitong suriin ang anak ko makalipas ang lab-test.
Hindi ko na alam kung saan kakapit na para bang bigla akong nanghina at nawalan nang lakas matapos malaman na may Stage 2 Leukemia si Tyson at kailangan ma-operahan upang maagapan habang maaga pa.
Napapikit ako at maluha-luhang pinagdaop ang mga kamay namin.
Napaka-bata pa ng anak ko para magkaroon ng ganitong klaseng sakit. klaseng sakit na sana ako na lang ang nagdusa. Sana ako na lang ang magka-sakit at hindi siya.
Pumatak ang luha sa mga mata ko.
I kissed Tyson's hand at dinama ang init niyon.
“Baby,'' sambit ko kay Tyson habang mahimbing itong natutulog.
“Nak, pagaling ka, okay? Ipapasyal pa kita at maglalaro tayo kahit saan mo gusto,” nangingilid ang luha kong sambit habang hawak ang maliit niyang mga kamay.
Gustong kumawala ang mga luha ko nang matitigan ko ang mukha niyang matamlay.
Kwenento ni Caleb sa akin kanina ang nangyari, bigla daw dumugo ang ilong ni Tyson habang naglalaro ito pagkatapos ay nakaramdam ito ng pagkahilo hanggang sa sumuka na ito bigla.
"Don't worry Elaine, tutulong ako sa pagpagamot kay, Tyson!" He said.
Hindi na ako umimik pa at hinaplosan na lamang ang mukha ni Tyson. Hindi ko alam na may ganun pala siyang sakit. Sana kung nalaman ko kaagad ay naipagamot ko na siya ng maaga.
God, kaya pala ang dali niyang magkapasa.
“Diyos ko, anong klaseng ina ako, bakit hindi ko man lang nalaman ang kalagayan ng anak ko?'' humihikbi kung usal bagay na ikinahawak nang mahigpit ni Caleb sa kamay ko.
“Elaine, don't blame yourself. Hindi naman natin alam na may sakit si, Tyson ng ganun,'' ani Caleb bagay na ikinalaglag nang tuluyan ng mga luha ko.
“Caleb, sabihin mo---magiging okay lang ang anak ko, hindi ba?'' parang bata kong tanong at nanghihingi ng kalakasang sagot.
“Yes, he will Elaine. Just don't loose hope.Tyson, will be fine kaya tumahan kana. Baka magising si, Tyson at iisiping inaaway kita!'' Pagbibiro at kalmang tugon niya bagay na ikinahikbi ko lalo.
Inaalo niya ako't hindi iniwan.
Kaya nang kumalma ako ay bahagya kong inilayo ang sarili mula sa kaniya. Nahihiya ako kanya at nahihiya ako sa sarili ko dahil, naging tanga at manhid ako.
"Salamat, Caleb. Salamat dahil, lagi kang nariyan sa tabi ko!'' Nakangiting wika ko sa kaniya bagay na ikina-tap niya sa ulo ko sabay gulo ng buhok ko.
"Don't mind it, El. Para sa inyong dalawa ni, Tyson. Handa akong tumulong. Kahit anong mangyari, nandito ako para damayan ka. And don't worry I will talk to the doctors as on as possible, operahan si, Tyson.'' He said wearing his sincere smile.
Nabuhayan ako ng loob at tumipid na ngumiti. Pero, hindi ko kayang umasa sa kaniya. Hindi ako aasa mula sa tulong ni Caleb. Yes, mapera siya. Pero--- ayokong dagdagan pa ang utang na loob ko sa kaniya.
DAYS have been past.
Namumugto ang mga mata ko sa walang maayos na tulog dahil, lagi akong naka-bantay kay Tyson. Kinakabahan akong malaman kung anong magiging resulta para sa agarang operasyon niya. Nanghihina ako sa tuwing mapagmasdan ko ang nangangayayat na anak ko. Napakabata pa niya para sa ganitong sakit. Parang hindi ko kakayanin.
“Nak, Tyson. Pagaling ka okay? Nandito si mama para sayo, hindi kita iiwan!'' Sambit ko at hinaplosan ang buhok niya saka ko siya hinalikan sa noo.
Hinigpitan ko rin ang pagkahawak sa maliit niyang kamay saka iyon hinalikan. Bumuntong hininga ako dahil sumasakit ang puso ko sa natamo niya at tila binabara ang lalamunan ko dahil, gusto kong umiyak na naman.
Pero, kailangan kong magpakakatag para sa kaniya.
Almost 2 days na siya rito sa Hospital at hanggang ngayon ay nag-hihintay pa rin ako sa resulta na muling ibibigay ng doctor. Matapos siyang i-check kanina at kunan ng dugo ay naiwan kaming tatlo nina Caleb dito sa loob.
“You have to take a rest, Elaine. Look at your self, baka mamaya ikaw na naman magkasakit!'' Caleb worriedly said.
Tanging pagngiti lang ang ginawad ko sa kaniya at inabala ang sarili ko sa pag-arrange ng dala nitong bulaklak at prutas.
“Kaya ko ang sarili ko, Caleb. Hindi ko puwedeng iwan ang anak ko,” saad ko bagay na ikinabuntonghininga niya bilang pagsuko.
“Okay, I will not force you to go home. But leave it to me, ako muna ang magbabantay kay, Tyson. Kaya---'' sambit niya sabay tayo at nilapitan ako. ''Kaya ikaw, matulog ka muna diyan. Okay?'' Dagdag niya.
Napaupo ako sa sofa.
Gustuhin ko man matulog pero ayaw tumugon ng katawan ko.
“Caleb,'' mahinang sambit ko bagay na ikinangiti niya.
“Makinig ka sa 'kin ngayon, Elaine. Kahit ngayon lang, matulog ka muna. Hmp!'' Pakiusap niya bagay na ikinawalang magawa ko.
Tama naman siya.
Pagkahiga ko ay bumigat nang tuluyan ang talukap ng mata ko at agad akong naidlip.
NAALIMPUNGATAN ako nang gising kalaunan nang may marinig akong tawanan at paghagik-ik ng isang maliit na boses.
Agad akong napabalikwas ng bangon nang makita si Tyson na nakaupo sa kama nito at masayang kausap ang lalaking nakatalikod mula sa akin. Nanlaki ang mga mata ko ng maulinigan ko kung sino.
"Tyler? Anong ginagawa mo rito?'' nagtatakang naitanong ko sa kaniya bagay na ikinaharap niya sakin at masama ang mukhang tumitig sa akin.
“Paano mo nagawa sa ’kin ito, Elaine. Naniwala akong wala na ang anak natin. Niloko mo lang pala ako!'' Nangangali ang bagang niyang sigaw sa ’kin sabay hablot nito ng braso ko at pinisil iyon nang mahigpit.
Nasaktan ako mula sa ginawa niya kaya pinilit kong pumiglas mula rito.
“Bitawan mo ako! Ano ba!'' Pagpupumiglas ko.
Isang matalim na titig ang ipinukol niya sa akin at mas lalo nitong idiniin ang pagkahawak sa braso ko at animo mo ay babaliin niya ang mga ito.
“Magbabayad ka. Pagbabayarin mo ang panloloko mo sa akin!'' Galit na galit niyang asik bagay na ikinailing ko at nagsimula ng umiyak.
“Ilalayo ko sayo si,Tyson. Ilalayo ko siya sayo!'' Muli niyang sigaw at pagalit niya akong binitiwan sabay kuha at karga kay Tyson na umiiyak.
“Huwag! H'wag mong gawin iyan, Tyler!'' Pagsumamo kong pigil sa kaniya pero tanging pagngisi lang ginawad niya at hindi ako pinakinggan.
Lumabas siya ng kwarto at karga si Tyson habang patuloy ito sa pag-iyak at tinatawag ang ngalan ko. Hinabol ko sila pero bigla silang naglaho.
“Huwag! Ibalik mo siya sa akin!'' Naisigaw ko mula sa kalagitnaan ng pagtulog ko.
Pawis na pawis ang mukha ko nang magising ako at naramdaman ko na lang ang mga brasong yumakap sa akin at pilit akong pinapakalma. Nagsiunahan sa pagpatak ang mga luha ko at takot na takot ako habang nanginginig ang buo kong katawan.
“Sssh...you're just dreaming, El. Hush now!” naulinigan niyang boses ni Caleb bagay na ikinaiyak ko at humagulhol na ako nang tuluyan.
“Caleb, natatakot ako... natatakot ako,'' umiiyak kong sambit at yumakap sa kaniya nang mahigpit.
“It's okay, nanaginip ka lang.'' Pag aalo niyang bulong.
Naramdaman ko ang init ng palad ni Caleb at kahit papano ay naibsan naman ang takot at kaba na bumalot mula sa dibdib ko. Isang panaginip at bangungot para sa akin.