Ellaine NANATILING nakatitig sa‘kin si Tyler nang tinalikuran ko na siya. Ewan kasi, inabutan ako ng pagkapraning kaya heto ang nangyayari. Gusto kong sapakin ang sarili ko sa mga sinasabi kong wala namang kabuluhan. I heard him sigh, at dinig ko ang yapak niyang papalapit mula sa kinaroroonan ko. At dahil sa nakatalikod ako sa kaniya, naramdaman ko na lang ang mga braso niyang nakayakap sa akin patalikod. Nauutal ako at hindi makaimik. “Please, don’t be mad. And I'm sorry, kung may nasabi akong masama. . . I really love you, wife." He apologized and kissed my hair. Naikagat ko ang ibabang labi ko at ngumisi. “Seryoso ka bang, mahal mo talaga ako?” Panigurado ko. Hindi ko makita ang reaksiyon niya dahil nakatalikod ako at isang yakap na mahigpit ang ibinigay niya sa akin. Bahagya niy

