CHAPTER 17

1651 Words

TUMAGAL kami sa ganoong posisyon nang may kumatok mula sa labas ng pintuan. Bahagya akong natigilan at agad kong pinahiran ang luha ko at nagpasyang bumaba mula sa kandungan niya. “Bubuksan ko lang, baka si mama ang kumakatok. Nakangiti kong sabi, bagay na ikinatango ko at hinayaan naman niya ako. Sandali kong inayos ang sarili bago ko binuksan ang pinto. Pagbukas ko sa pinto, si Caleb ang nabungaran ko na may dalang bulaklak at isang basket ng prutas. "Caleb," sabi ko. May pagkalakas iyon kaya alam kong narinig ni Tyler. Ngumiti si Caleb sa akin at inabot sa'kin ang mga dala nito. Pareho kaming napalingon nang magsalita si Tyler mula sa likuran ko. "What brings you here?" mapanuring tanong at tingin ni Tyler kay Caleb. Nakita kong ngumiti si Caleb at iniwasan ang tanong niya. Jeez!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD