Six: Forget me not

1769 Words
Six "Kumilos ka na dyan, Señorita! Kanina pa nag-aabang si Kuya Kiel mo sa baba. Ihahatid ka niya sa opisina. Siya na rin ang bahala sa'yong maghatid sa kwarto mo roon pati na ang mag-orient," tuloy-tuloy lang ang naging pagsasalita ni mommy. Hindi ito magkamayaw sa kakapabalik-balik at kakabilin. "Siya nga pala! Siguradong nasa opisina na kami bago maglunch kaya sa amin ka sasabay. May mga ipapakilala sa'yo ang daddy mong importante." Wala ako halos naintindihan pero isa lang ang sigurado ko. Hindi ito basta bastang panaginip. Nang maimulat ko ang mga mata kanina, umasa akong magulong bahay na ang sasalubong sa akin. Ang palahaw ni Jihan at ang nagmamadaling si Rod dahil late na sa trabaho ang akala ko ay bubulaga sa akin pero hindi. Paggising ko, andito akong muli sa amin. Kumportable akong nagising sa malambot na kama at malamig na kwarto. Minamaligno ba ako? O baka tama si mommy! Baka nakadrugs ako ng hindi ko alam! "Jewel naman..." "Yes po, mommy. Susunod na po 'ko. Ingat po kayo ni Daddy," sabi ko na lang kahit sobrang naguguluhan pa rin. Hindi ko rin siguro kailangan pang pilitin ang sarili. Ang mahalaga ngayon, kasama ko si mommy. Pupwede akong makabawi sakanya. "Mommy..." "Ano na naman, Jewel?" Hawak na niya ang doorknob sa kwarto ko pero bumaling pa rin ito sa akin. Mukhang naiinis na dahil kitang kita na ang mga guhit sa mukha nito. "I love you," dagdag ko. Natawa na lang noong tinaas lang ni mommy ang kilay niya at tiningnan ako na para bang sinasapian ako ng maligo saka tuluyang lumabas sa kwarto. Kung ano man ang nangyayari, sigurado naman akong pumapabor ito sa akin. I'll be grateful, tatanggapin ko ang pagdating ko rito maging ang pag-alis — kahit hindi ko pa wari kung kailan. "Nakuha mo ba lahat, Je?" Agad-agad kong tinanguan si Kuya Kiel pagkatapos ako nitong mahatid at masabihan sa lahat ng mga kailangan kong gawin. Pati na iyong mga kailangan kong i-accomplish ngayong araw. Gumawa ng sandamakmak na reports, magpunta sa deliberation meetings ng mga heads. Pagkatapos, kausapin ang kung sinong pupwedeng magtrabaho ng sirang aircon ko sa opisina. "Kalma ka lang, Kuya. Alam ko na po, salamat." Sa sinabi kong iyon, hindi na rin siya nqgtagal sa sarili kong opisina kaya madali ko na ring nagawa ang mga dapat kong gawin. Sinimulan ko ang araw sa harap ng laptop na naroon. Mabuti medyo na brief na ako ni Kuya Kiel kaya hindi ako aanga anga ngayon. Tuwing may hindi naman ako nakukuha ay mabilis kong sinesearch sa kung ano anong website o hindi kaya nanonood ako ng kung anong tutorial sa YouTube. May mga naalala pa akong iilan mula sa pinag-aralan namin ng college pero karamihan naglaho na talaga sa utak ko. Apat na taon ring wala akong ibang iniisip kundi ang panggastos sa bahay maging ang mga kailangan ni Jihan at ng asawa. Sa naisip ay halos maimukmok ko ang sarili sa mesang kaharap. Gulong gulo na ako sa nangyayari. Natulog na ako, eh. Natanggap ko nang hindi ko na makikita pang muli si mommy pero walang nangyari. Paggising ko, andito pa rin ako. Nananaginip pa rin ba ako? Pero imposible namang hindi pa ako nagagawang magising. Paniguradong hahanapin ako ni Jihan. Paniguradong iistorbohin ako nito sa pagtulog at kukulitin. Pinilit kong ituon ang atensyon ko sa ginagawa. Hangga't maaari hindi ko hinahayaan ang sarili kong mag-isip ng kung ano ano. Ipinangako ko na rin sa sarili kong babawi ako kay mommy — maging kay daddy. Babawi ako sa lahat ng naging pagkukulang ko sakanila noon. Alam kong pagkatapos ng lahat, magiging useful pa rin ang panaginip nito dahil nagawa kong makasama ang ina. Nang matapos sa ginagawa, sinigurado kong naipadala ang lahat ng ito sa iba't ibang e-mails. Nagprint na rin ako ng hard copies na siyang ipapasa ko naman kay daddy. Doon ko lang rin napansin ang sobrang pawis sa likod. Katunayan, sanay naman na ako sa ganon pero minabuti ko pa ring sundin ang bilin ni Kuya Kiel. Alas dies ay media ng tuluyan akong lumabas ng opisina. Ayon kay Kuya Kiel, nasa ground floor ang maintenance office kaya medyo malayo man ito sa opisina ay kailangan kong tunguhin. Pupwede ko naman silang papuntahin doon pero hindi na ako sumubok. Ako na ang pupunta dahil ako naman ang may kailangan. Lahat naman kami ay napapagod. Dala ang maliit na pitaka sa kaliwang kamay at cellphone ko naman sa kanan ay taas-noo kong binabagtas ang daan kahit sandamakmak na empleyado ang nakatingin sa akin. Kanina pa nga sila! Kung hindi ko lang kaya kontrolin ang sarili ko ay paniguradong kanina ko pa sila nasinghalan. "Ma'am Jewel?" Agad kong inihinto ang lakad at binalingan ang maliit na lalaking tumawag sa akin. Itinaas nitong agad ang salaming nasa mga mata at ngumiti sa akin. "Jojo?!" Sa galak, agad ko siyang nilapitan. Finally! Siguro naman may makakausap na ako rito. "Kumusta, Ma'am? Ano pong nakain ninyo?" nakangisi pa rin ito sa akin habang hawak ang isang mop. Gumilid pa ako sa daan na halatang nililinis niya at sumiksik sa maliit na espasyo sa gilid nito. "Ikaw ang kumusta?" masigla kong sabi. "Okay naman ako, marami lang ginagawa but I'm cool with it. Pero wala pa nga akong kinakain, eh." Bumunghalit ng tawa ang lalaki, pagkatapos ay hindi makapaniwalang tumingin sa akin na parang may ginawa akong nakakabigla. "Ma'am, ikaw po ba 'yan?" Awtomatiko akong napabusangot. Alam ko namang masama ang ugali ko noong kolehiyo pero nagbago na ako! Naging life changer ko ata ang mga nangyari sa apat na taon. "Pasensya na po. Hindi lang po ako sanay lalo na dalawang buwan na po kayong hindi pumapasok. Pagkatapos, kapag pumapasok naman kayo, palagi kayong masungit–" Ako naman ang bumunghalit ng tawa ngayon. Alam ko namang may saltik rin talaga ang utak ko pero hindi ko maimagine na nagsusungit pa rin ako. Malayong malayo na sa Jewel ngayon. "Dalawang buwan?!" Hindi ko napigilan ang biglaang pagtaas ng boses sa sinabi. Paano nangyari iyon at saan naman kumuha si Jojo ng impormasyon? Nakakapagtaka naman. Imbes na maisip ulit at i-stress ang sarili ay minabuti ko iyon iwala sa utak. "Jewel, this is just a dream and it will be over soon. Pagkatapos nito, babalik ka na naman sa sarili mong buhay at paghihirap." kumbinsi ko sa sarili. "Opo, Ma'am! Pero masaya po ako na pumasok na kayo ulit," usal pa nito pero imbes na magtanong pa ng kung ano-ano ay nginitian ko na lang siya. "Kumain ka na ba? Samahan mo naman ako, oh." Hindi ko rin alam kung bakit. Basta ba parang mas okay ako kung kasama si Jojo. Hindi man kami talaga iyong close noong college ay kahit papaano ay alam kong mapagkakatiwalaan pa rin ang lalaki. "Ho?! Eh, paano mo si daddy mo—" "Ako na bahala sa'yo. Tara na!" Nagtatawanan kami nang tuluyan kaming makarating sa cafeteria na nasa pinakaibaba rin ng opisina. Mabuti na iyon at malapit na rin sa maintenance office, pupwede pa akong magrequest kay Jojo na samahan ako roon. "Nako, Ma'am! Biglang bigla nga po sainyo 'yung mga tao roon sa floor niyo, eh. Hindi makapaniwala na ambait mo na raw! Baka nga araw nauntog kayo sa napakalaking bato..." natigil ito sa pagsasalita dahil sa matalim na titig ko. "Joke lang, Ma'am. Nagsusungit na naman po kayo, eh." Hindi ko mapigilan ang hindi matawa sa lahat ng kwento ni Jojo. Kinukwento nito madalas iyong mga pinaggagagawa ko sa opisina noon pati na ang pagsusungit ko. Hindi na tuloy namalayan ang pag-order pati na ang pag-upo ko sa mesa. Daldal lang ito nang daldal pero kahit papaano ay naeenjoy oo naman. "Pero, Ma'am? Kung okay lang po sainyong sagutin... wala pa raw ho kayong boyfriend?" Muntik pa akong mabilaukan ng pancake na nasa bibig. Paano ba naman kasing bigla bigla siyang nagtatanong ng ganon. "Wala pa ho, ano?" Napabuntong-hininga na lang ako at pinilit na baliwalain ang tanong niya. Sa totoo lang, hindi nga lang boyfriend ang mayroon ako pati na anak. Anak na sobrang cute at kulit... anak na mahal na mahal ko. "I... I miss Jihan," wala sa sarili kong sambit. Natauhan lang rin ako ng biglang bumulaslas si Jojo na parang kinikilig kilig pa sa sinabi ko. "Ayie! Si Madam!" Gusto ko sanang mag-explain, gusto kong sabihin ang totoo at kung ano man ang bumabagabag sa akin pero hindi na rin ako sumubok dahil paniguradong hindi niya rin maiintindihan. Kung oo man, siguradong hindi rin siya maniniwala dahil maski ako ay hindi makapaniwala sa nangyayari sa akin ngayon. "Sabagay, twenty-two ka naman na po!" Doon tuloy ay nagawa kong titigan ang kamay ko. Ibang-iba iyon sa itsura ng kamay kong dinaanan ng apat na taon na paglalaba, pamamalantsa, pagluluto at kung ano ano pa. Hindi pa kasama roon ang ilang sugat na natamo ko dahil sa kutsilyong gamit sa kusina. Nanatili na akong tahimik pagkatapos noon pero hindi pa rin natigil sa pagkukwento si Jojo hanggang sa matapos kami. Minsan, nakakairita dahil sa ingay nito pero mabuti na rin iyon atleast hindi ako magagawang guluhin ng mga naiisip. Nang sinabi ko sakanyang gusto kong magpasama sa maintenance office ay hindi rin siya nagdalawang isip. Sa katunayan ay mas lumawak pa ang ngisi nito dahil matagal tagal raw ang pahinga niya sa mop na kadalasan ay maghapong hawak. Nang makarating kami sa lugar, bumungad sa amin ang hindi magkandaugagang mga staffs. Busy ang mga ito kaya hindi na nila halos namalayan ang pagdating namin. Bigla tuloy akong nahiya lalo pa't naisip kong marami na ngang ginagawa ang mga ito ay dadagdag pa ako. See? Mabait na ako! Hindi na ako ang masungit na si Jewel na kinukwento ni Jojo. Nakahinga lang ako nang maluwag noong may humakbang na papalapit sa amin. Magulo ang ayos ng buhok niya at pawis na pawis. Kitang kita ang panghihina ng katawan pero mapapansin mo kung gaano kadesididong magtrabaho. Mabilis itong ngumiti sa amin ni Jojo nang makalapit. Ngumiti ito na siyang naging dahilan ng pag-inog ng buong sistema ko. Ibang iba ang itsura niya. Nagmistula itong pagod na pagod sa trabaho at may iilang guhit ng dumi sa mukha. Isama mo na rin ang mga mata nitong halatang halata ang pagod na nararamdaman kahit pa nakangiti. Sumunod sa pagtigil ng mundo ay ang siyang pagsikip ng dibdib ko... ilang segundong hindi ako makahinga. Hindi ko maaninag ang lugar at wala akong ibang magawa kundi pigilan ang mga luhang magbabadya. "Rod, papatulong sana si Ma'am Jewel sa Aircon sa opisina niya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD