"Prinsesa Ayazairah." May narinig akong nagsasalita pero hindi ko naiintindihan ang sinasabi nito. Hindi ko na lang iyon pinansin at muling binalot ang sarili ng kumot. Umayos pa ako sa pagkakahiga para ipagpatuloy ang tulog. "Mahal na prinsesa?" Napabalikwas ako ng bangon kaya naman nakakunot ang noo ng serbida sa akin ngayon. Naalala ko na magkasama kaming natulog ng aking mga magulang ngunit ngayon ay wala na sila sa tabi ko. Sa ngayon ay kami ng serbida na lang ang magkasama sa silid. Napagtanto ko na s'ya siguro ang aking naririnig kanina at tila nandito s'ya para gisingin ako. Napahiya tuloy ako sa isipin na baka kanina pa ako nito ginigising. Si tita Frydah lamang ang nanggigising sa akin kaya matigas ang mukha ko kahit madalas akong late. Ngunit iba na ang sitwasyon ngayon dah

