Prologue
Napakalakas ng ulan.... Parang sumasabay sa sakit ng nararamdaman ko ngayon.
Nagpatuloy ako sa pag iyak habang naglalakad. Itinapon ko ang regalong ibibigay ko sana sa taong mahal ko pero ako pala ang masosorpresa sa makikita ko.
Hindi ko alintana ang lamig na nararamdaman ko. Umupo ako sa isang bench at hinayaang mabasa ng ulan ang sarili ko, Pero.....
Isang lalaki ang nagpatong ng kulay pulang payong sa balikat ko. Nag angat ako ng ulo para tingnan kung sino iyon pero ni hindi ko manlang nakita ang mukah niya... Naka hood sya na jacket at tumatakbo sa ilalim ng malakas na ulan.
Tiningnan ko ang payong. May nakasabit na keychain na gitara sa handle ng payong. Tumayo ako para habulin sana ang lalaki pero hindi ko na siya matanaw.
Tinitigan ko ang keychain.
Makikita ko kaya siya ulit?