"Wooooooh! Ang sarap talagang lumibot kapag maaga. " mas binilisan ko pa ang pag pepedal sa bike. Damang dama ko ang hangin sa muka ko at sobrang nakakarelax talaga.
Napadaan ako sa isang coffee shop kaya napagdesisyunan kong magkape muna bago pumasok sa school. 1st Year College na ako at nag aaral sa Dream Rose Academy.
Nakangiti akong pumasok sa shop.
"Goodmorning Miss . May I take your order?" Isang gwapong lalaki na may magandang ngiti ang bumungad sakin.
"Uhm.. Isang Cappuccino please. " Nakangiting sabi ko.
"Okay! Right away Miss Ganda" Masiglang sabi ng lalaki . Pumunta ito sa counter at ito mismo ang nag nagtimpla ng order ko . Mukang ito yata ang barista ng naturang shop. Tumingin ako sa paligid. Napakarelaxing ng lugar na to... Ipinikit ko ang mata ko at sinabayan ang musikang tumutugtog sa coffee shop. First time kong makapasok sa ganito kaya naman ganito ang reaksyon ko.
"Here's your order Miss, You still need anything?" napadilat ako at napatingin sa kanya bago sumagot
"Uhm wala na , thanks." iniwasan kong tingnan ang mata niya dahil iba ito kung makatingin parang tumatagos hanggang buto .
"Okay. Please enjoy your coffee." bumalik siya sa pwesto niya kanina. Sa may entrance. Binabati niya lahat ng costumer na dumadating at nginingitian ang mga eto gaya ng pag ngiti niya sakin.
Hindi ko alam kung maiinis ako dahil ngumingiti siya ng ganon sa iba samantalang hindi ko naman siya kilala. 'Siguro chicboy tong lalaking to' biglang pumasok sa isip ko.
Pinagtuunan ko nalang ng pansin ang cappucino ko at madali ko itong inubos dahil malelate na ako. Nang maubos ko na ang kape ay tumayo na ako at lumabas. Muli akong sumulyap sa lalaking yun. Napatingin siya sakin at biglang ngumiti. Mabilis kong inalis ang tingin sa kanya at sumakay na sa bisekleta ko.
-----------------
"The first generation of computer is found by ..... Bla bla bla bla "
Habang dumadaldal ang professor ko sa harap, ako naman nakatulala sa bintana. Napabuntong hininga ako. Iniisip ko parin kung san ba ako pwedeng humanap ng trabaho dahil kailangan ko ng suportahan ang sarili ko ngayon. Naghiwalay ang mga magulang ko at may kanya kanya ng pamilya. Nakikitira ako ngayon sa pinsan kong nagtatrabaho sa call center. Hindi naman pwedeng sa kanya nalang ako umasa ng umasa kaya kailangan kong humanap ng trabaho.
Nag ring na ang bell, ibig sabihin tapos na ang klase. Nag inat ako at nag ayos na ng gamit.
"Yow Ally !! Sama ka sakin punta tayong mall daliiii !!" niyayaya nanaman ako ni cassandra sa kalokohan niya.
"Cassy wag mo na akong lokohin, pupuntahan mo lang naman yung pag ibig mo dung hindi ka naman pinapansin" pang aasar ko sa kanya. Bigla itong nagmaktol. Natawa ako sa reaksyon nito. Para kasi itong bata kung kumilos.
Kaibigan ko na si cassy mula pa noong mga bata pa kami. Pinagtanggol ko kasi to sa mga nambubully dito. Simula nun hindi na ito humiwalay sakin.
"Sige naaaaa Ally Please !!!!!!" nagpapacute pa ito habang nakatingin sakin.
"Hmmm...... Parang gusto ko ng shawarma" Pagpaparinig ko sa kanya na mukang epektibo naman . Wahahahaha!
"Libre kita sa Turks! Please? Samahan mo na ako hmm?" pamimilit niya pa
"Hehe. Sige na nga" kunwari pa ako pero gusto ko naman talaga malibre wahahahaha.
"Yehey!!!!!!!" Ngiting aso si loko hahaha.
Mabilis pa sa alas kwatro niya akong hinila papunta sa mall. Dumiretso kami sa
Department Store para makita niya na ang iniirog niya. Pumwesto kami sa may men section para mas matanaw niya ang hinahanap niya. Natatawa nalang ako na napapa iling sa babaeng to.
Nagtingin tingin ako sa mga polong nandun. Naisip kong pumili para ibigay kay papa. Malapit na nga pala ang birthday neto.
Dadamputin ko na sana ang polong itim nang biglang may dumampot dito. Napatingin ako sa may ari ng kamay na yun. Handa na sana akong manermon pero natigilan ako dahil ang lalaki sa coffee shop ang nasa harap ko. Saglit lang akong natigilan pero nakahuma din ako agad. Tinapik ko ang kamay niya para mapabitaw ito sa polo.
"Excuse me lang ho ah! Pero ako kasi ang unang nakadampot nito ! " inirapan ko siya at biglang dinampot ang polo. Aalis na sana ako ng bigla akong hatakin ng mokong na to.
"Excuse me miss. As far as I know, I am the one who first touch it. " sabay hila sa polo.
Hinatak ko naman ito pabalik.
" HAH !!! Abat Mister ako ang unang lumapit kaya akin to !!!"
Nakikipag tug of war na ako sa kanya at sobrang gigil na gigil na. Sa kakahila namin bilang napunit ito. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Bigla kong inihagis sa kanya ang polo sabay karipas ng takbo.
"Hey !!!!! "
Naririnig kong tinatawag ako ni mokong pero hindi ko siya nilingon.
'Waaaaaahhhhh anong gagawin kooooo ! '
Mukang malaking gulo ang mapapasok ko neto.
****