Tristan's POV
Hawak hawak ko parin ang polo habang papunta sa kotse ko .
"Damn!" mapapamura nalang talaga ako sa sobrang inis sa babaeng yun. Hindi ko lubos maisip ang pinagdaanan ko sa department store ng dahil sa kanya....
Flashback
"Hey!!!!!" halos hindi ko na marinig ang sarili ko kakasigaw pero ni hindi manlang lumingon ang babaeng yun. Ihahagis ko na sana ang polo sa sobrang inis pero..
"Excuse me sir may problema po ba ?" napatingin ako sa sales lady na lumapit sakin. Tumingin siya sa hawak kong polo at tumingin ulit sakin. "Uhm sir mukang may malaking problema po kayo... Pwede po ba kayong sumama sakin sa office?" mahinahong sabi neto. Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya.
Pag dating sa office paulit ulit kong ipinaliwanag na hindi ko kasalanan kung bakit napunit iyon pero ini insist parin nilang bayaran ko ang polo. Hindi ako naiinis dahil wala akong pambayad kundi dahil ni hindi ko manlang napakinabangan ang polo na yun!.
" Fine!!! Let's settle this. I'll pay for it." nawawalan na ng pasensyang sagot ko .
"Thank you sir" binayaran ko na lahat ng danyos sa nangyari. Palabas na ako ng pinto ng biglang magsalita ang store manager.
"Sir Im Sorry . Pero Ban muna po kayo for 1 month. Base po yan sa rules and regulation ng mall . "
Huminto ako sa paglabas ng marinig ko ang sinabi niya. Lumingon ako sa kanila na parang nawawalan na ng pasensya "Damn it! Fine !" pabalibag kong isinara ang pinto ng office.
-----
Kanina ko pa iniisip kung pano ko ba makikita ang babae na yun. She seems familiar pero hindi ko alam kung san ko ba siya nakita.
~Tentententenenentententententenenen~
Tiningnan ko ang cellphone ko kung sino ang tumatawag. Manager Reyes ang nakalagay dun . Sinagot ko agad ang tawag.
"Hello Mr. Reyes. Is there any problem?"
"Wala naman po CEO. Itatanong ko lang po sana kung maghahire tayo ngayon ng mga bagong employee para sa shop? " tanong nito .
"Ilan pa ba ang kailangan para mabuo ang line up?"
"We need 5 more persons sir. For Different branches"
"Alright. Ikaw na bahalang mag asikaso niyan. Ako nalang ang mag fafinal interview sa kanila . "
"Yes Sir." pinatay ko na ang tawag at nag focus na sa pagmamaneho. Nag mamay ari ako ng isa sa pinakasikat na Coffe shop sa buong pilipinas. Nakapagpundar narin ako ng 50 branches sa iba't ibang lugar maging sa ibang bansa.
I am Tristan Acer Ramirez. 26 years old. Bukod sa pag mamanage ng Avalanche Coffee Shop kasali din ako sa isang sikat na banda sa bansa. Ako ang vocalist at lead guitarist ng banda . Papunta ako sa studio ngayon para sa rehearsal namin pero puro kamalasan nalang ang nangyayari sakin ngayong araw na to . Bago pa man ako pumunta sa mall nanggaling muna ako sa isa sa branch ng coffee shop ko. Dahil hindi ako yung tipo ng tao na prenteng nakaupo lang kapag bumibisita sa shop, nagseserve din ako ng coffee sa mga costumer ko . May isang lalaki na umorder sakin ng espresso pero nung ibinigay ko na ay hindi daw iyon ang order niya. Ipinaliwanag ko ng maayos sa kanya pero nabigla ako ng suntukin ako neto . Hindi na ako nakapagpigil kaya nasapak ko din ito . Pinigilan lang ako ng mga employees ko kaya hindi ko napuruhan. Inis akong umalis sa shop at dumiretso sa mall at yung insidente naman sa babaeng yun ang nangyari.
Napabuntong hininga ako. Hindi na ako magtataka kung nasa news na ako pagkatapos kong sapakin ang lalaking yun .
Dumating ako sa H Global Studio saktong ala singko . Dumiretso ako ng Recording studio at naabutan ko dun ang mga kabanda ko .
"Oh pre. Mukang bad mood ah! Kamusta na yung nasuntok mo? Nasa ospital pa ba? " tanong ni Liam. Sabay pang nagtawanan ang nga loko.
"I dont want to talk about it" inis kong kinuha ang gitara ko at itinono iyon.
"Alam mo pre sana pinuruhan mo na ng madala! Kung ako yun bibigyan ko pa ng flying kick yun!!! Wataaaaah!!! " umakto pa utong sumisipa sa hangin.
"Binalak ko na pare pinigilan lang ako" natawa na rin ako sa pinag gagawa ng tropa ko . Napailing ako. "Pero hindi yung ang pinakamamalalang nangyari sakin ngayong araw"
"Aba may pahabol pa sa kamalasan mo? Ano nangyari? Nabusted ka?" tanong naman ni Neil.
"Mas malala pa dun. Naban ako sa mall at nagbayad ng polong napunit na hindi naman ako ang may gawa". Nagulat ako ng biglang maglapitan lahat ng kabanda ko sakin. Pinalibutan nila ako at nag aabang ng kwento .
"Tuloy mo pre mukang interesting ah!" atat na atat na sabi ni Ison.
"Para kayong nga babae pre. Daig nyo pa babae kung makiusisa" natatawang sabi ko . Sinimulan kong ikwento sa kanila ang nangyari at halos mamatay na sila kakatawa.
"Seryoso pre? Tinakbuhan ka nung babae? Mukang natakot yata sa mukah mo eh hahahaha!!!" pang aasar pa ni Liam.
"Mga siraulo kayo ako na nga biktima ako pa tinawanan nyo tsk"
"Eh pre di ako makahinga sa kwento mo eh! Hahahaha. Tara punta tayong mall!!!" gatong pa ni neil .
"Mga siraulo! Tara punta tayo sa shop bukas ng makatulong naman kayo . " yaya ko sa kanila .
"Eh gagawin mo lang kaming display sa shop mo eh ng makabenta ka ng marami. Hahaha." agad na sabat ni Ison.
"Ililibre ko kayo ng tig iisang kape." pakikipag negosasyon ko.
"Gusto namin yung pinakamahal" nakangising sagot ni Neil.
"Simulan nalang natin mag record" pagbabago ko ng usapan at kinuha ang gitara ko para magsimula ng tumugtog.
Nagtawanan naman ang mga lokoloko.
Pumwesto na sila sa kanya kanya nilang pwesto at nag simula na kaming mag practice para sa tour namin sa susunod na buwan .
----
Mga bandang ala siyete natapos ang practice namin. Napagdesisyunan kong bumisita muna sa shop para ayusin ang problema kaninang umaga. Habang nagmamaneho napansin kong may nagpeperform sa may park na nadaanan ko. Hawak ng babae ang gitara niya habang kumakanta. May mangilan ngilang tao ang nanonood dito. Huminto ako at bumaba para pakinggan ang babae. Ng papalapit na ako napatingin sakin ang babae. Nanlaki ang mata neto at bigla nalang kumaripas ng takbo. Nabigla ako pero inisip ko kung san ko nakita ang babae.
Naalala ko bigla ang babae sa mall. Hinabol ko eto pero hindi ko na ito naabutan. Nagtingin tingin pa ako sa paligid at nagbabakasakaling makita ko eto . Pero hindi ko na ito makita.
Naglakad ako pabalik sa park . Nang madaanan ko ang pwesto ng babae may nakita akong isang pamilyar na keychain na gitara sa lapag ng inuupuan nito kanina. Kinuha ko iyon at itinago.
Nararamdaman kong magiging susi yun para makita ko ulit ang babaeng yun.
***