Ally's POV
Nakapangalumbaba ako sa mesa sa cafeteria habang nakatulala. Puro kamalasan nalang yata ang nangyayari sa buhay ko. Ilang araw na din akong nagtatago at umiiwas sa lalaking yun sa coffee shop. Naguguilty ako dahil iniwan ko siya nung napunit yung damit pero naisip ko kasalanan din naman niya. Napailing ako, Alam ko kasing kahit baliktarin ang mundo may kasalanan padin ako.
"Haaaaaaaayyyyy" nag inat ako at lumapit kay cassy ilang araw din akong hindi pinansin ng babaeng to dahil iniwan ko daw siya sa department Store nung nakaraang araw.
"Wui Cassy! Galit ka padin ba? Sorry na kasi! Pinaliwanag ko naman sayo yung nangyari diba? Hmmm?" nagpacute pa ako sa kanya para lang pansinin na ako nito.
"Bakit ba kasi ayaw mong ikuwento yung nangyari? Bakit ba bigla kang umalis?" nakangusong tanong nito.
"eh....." nagdadalawang isip akong sabihin sa kanya dahil malamang pagtatawanan ako nito .
"Dali na! Hindi ako tatawa!" minsan tuloy iniisip ko nababasa neto nasa utak ko eh .
"Naalala mo ba yung kinuwento ko sayong lalaki na nakita ko sa coffee shop?"
"hmmm... Ah! Yung Pogi???" napatango ako . " Oh ano meron dun?"
"Nakaagawan ko kasi sya ng polo... Hindi namin sinasadyang mapunit yung polo... Tapos tinakbuhan ko siya..." nakayukong pag kukwento ko .
Hindi sumasagot si cassy kaya iniangat ko ang ulo ko . Gusto ko sana siyang batukan kung wala lang kami sa school. Pano ba naman tong bruha na to pulang pula na sa kakapigil ng tawa niya .
" So sinasabi mo tinakbuhan mo siya dahil napunit mo yung polo? Nako besh mukang hahuntingin ka ng lalaking yan hahahaha" pananakot niya pa sabay hawak sa tiyan at tatawa ng tatawa.
"Yun na nga besh eh..... Ilang beses ko siyang nakita nung araw lang din na yun... Biruin mo nasa gig ako sa may park nun, tapos nagulat nalang ako nandun na siya . Nung nakita kong lalapit na siya sakin kumaripas na ako ng takbo. Nawala ko pa tuloy yung keychain ko" inis na inis na sabi ko. Naiiyak talaga ako kapag naaalala kong nahulog ko yung keychain na yun. Napakahalaga pa naman sakin nun ....
"You mean yung keychain na gitara!?? Hala ka ! Eh panong nawala?"
"Pagtakbo ko yata eh" nanlulumong sagot ko ... Napabuntong hininga nanaman ako .
"Tsk tsk tsk.... Malas ka nga" umayos ito sa pagkakaupo bago ulit ito nagsalita "By the way Ally, yung uncle ko kasi naghahanap ng pwedeng magtrabaho sa shop nila. Eh naisip kita. Alam kong kailangan mo ng trabaho ngayon diba?"
"Oh my! Talaga!?" halos kumikinang ang mata ko pagkarinig ko ng word na trabaho. May maganda naman palang mangyayari sakin ngayon. Wagas nanaman ako makangiti neto . Wahahahaha.
"Yep! At sinabi ko ng dadaan tayo mamayang hapon. Don't worry. Malakas backer mo hehehe"
Nayakap ko sa sobrang tuwa si Cassy. Sobrang thankful talaga ako sa binalita niya. Hindi na ako makapag hintay na mag alas kwatro na ng hapon. Wooohoooo!!!!
4:00 pm ~~
Hindi ko alam kung pano ko isasara ang bibig ko ng makarating kami ni Cassy sa shop na tinutukoy niya. Nasa tapat kami ngayon ng Avalanche Coffee Shop. Sa pag kakaalam ko kasi dito nagtatrabaho yung lalaking yun. Hindi ko tuloy alam kung tutuloy pa ba ako. Huhuhu.
"Hui Ally! Tara na pasok na tayo kanina pa naghihintay si uncle. " nauna na sakin ni Cassy sa pinto kaya wala na akong nagawa kundi pumasok.
Lumingon agad ako sa paligid dahil baka makita ko nanaman ang lalaki. Pero pagtingin ko sa counter ibang barista ang nandun. "Baka nag resign na?" Yun ang biglang pumasok sa isip ko. Nakahinga ako ng maluwag.
"Good afternoon Ms. Allyson. Please follow me to the office." Isang may edad ng lalaki ang lumapit sakin.
"Ally siya yung uncle ko. Sunod kana sa kanya." tinulak pa ako ni Cassy para makasunod na sa Uncle niya.
Napakalaki pala ng coffee shop na yun dahil nasa underground ang pinaka office. Nagtitingin tingin pa ako sa paligid at sobrang nakakamangha talaga. Pakiramdam ko tuloy nasa ibang mundo ako. Nang makarating kami sa baba ay naglakad pa kami hanggang dulo ng hallway. May mga nakasabit na ibat ibang painting doon na talaga namang napakaganda.
Pumasok kami sa isang kwarto. Mukang opisina ata yun. May isang desk at swivel chair kung saan may isang lalaking nakaupo dun at nakatalikod.
Kumatok sa pinto ang uncle ni Cassy upang ipagbigay alam sa lalaki na nasa loob na kami.
"Sir eto po yung gusto kong irecommend sa inyo na pwedeng magtrabaho sa shop"
Unti-unting humarap ang lalaki at ngumiti sakin.
"Long time no see" yun agad ang bungad sakin ng lalaki.
Hindi ko alam ang sasabihin ko sa sobrang gulat. Gusto kong tumakbo pero di ko alam kung san ako pupunta.
Ang lalaking yun ay walang iba kundi ang lalaki sa Mall..
Mukang mahihirapan ako ng husto sa trabaho ko....
****