Tristan's POV
Kasalukuyan akong nasa shop at chincheck ang mga bagong dating na coffee beans ng bigla akong mapalingon sa entrance. Nanlaki ang mata ko ng makita ang babaeng yun na nakaaway ko. Nilapitan ni Manager Reyes ang babae . May kasama pa itong isang maliit na babae na sa tingin ko ay kaibigan niya. Nang marealize ko kung anong ginagawa dun ng babae ay agad akong tumakbo sa elevator at nagmamadaling pumasok sa opisina ko . Hinanap ko ang tuxedo ko at madaliang sinuot iyon. Umupo ako sa swivel chair na hingal na hingal saka naman bumukas ang pinto.
"Sir eto po yung gusto kong irecommend sa inyo na pwedeng magtrabaho sa shop"
Hindi ko mapigilan ang ngiting nasa labi ko . Sa wakas makakaganti na din ako . Bwahahahahah!
Unti unti akong humarap para mas lalo pang magulat ang babaeng yun.
Hindi matatawaran ang reaksyon ng babaeng yun sa harap ko. Gustong gusto ko ng tumawa ng malakas pero magmumukah naman akong tanga nun.
"Long time no see" kaswal kong sabi sa kanya.
"Sir magkakilala po kayo ni Miss Ally?" nagtatakang tanong ni Manager Reyes. Ngumiti ako ng matamis at tumango.
"Pwede mo na kaming iwan Manager Reyes para sa final interview niya" ngumiti ulit ako at tinanguan ang manager ng shop ko.
Lumabas na ito ng pinto pero nanatili pading nakatayo ang babae.
"Please sit down." doon lang ito natauhan at dahan dahang lumapit sa upuan at umupo.
"Uhm......... Ano..... Kasi..... Uhmmm.." hindi alam ng babae kung san magsisimulang magpaliwanag. Natatawa nanaman ako. Hindi ko alam kung bakit natatawa ako samantalang dapat eh galit ako sa babaeng to .
"So Ms. Ally? Kailan mo balak magsimula" nakangiti paring tanong ko sa kanya.
"huh?" nakakunot ang noong tanong niya.
"Im asking you. Kelan ka mag uumpisa ?"
"Uhmmmmm...." nagulat ako ng bigla itong ngumiti ng napakatamis. "Sir..." malambing na tawag niya sakin.
"regarding dun sa insidente.... Baka pwede nating aregluhin yun magtatrabaho po ako ng mabuti pramis!!!! Babayaran ko yung polo na yun... Baka naman sir.... Pwede nyo na pong palampasin yun hmmmm?"
' Hindi ako makapaniwala sa inaasal ng babaeng to. Pagkatapos akong takbuhan sasabihin aregluhin nalang? Hah!! Ano siya sinuswerte?' Ngumiti din ako ng matamis sa kanya.
"No problem . Past is past. Basta ang gusto ko lang eh, maaasahan ka pag dating sa trabaho. Hindi to basta coffee shop lang. What I need is an employee who will do their job whatever it takes. What do you think?"
"Naku sir! Pagdating sa ganyan wala kang masasabi sakin. Masipag ako, mapagkakatiwalaan, at higit sa lahat maaasahan!" masiglang sabi pa nito.
"Okay then... tomorrow is your starting day. " tumayo ako at ibinigay ang kamay ko sa kanya. Inabot niya ito at nakipag kamay. "See you tomorrow Ms. Allyson."
Ngumiti ito at tumango. "Maraming salamat Sir."
----- KINABUKASAN ------
Ally's POV
kriiiiiiiiiiiiiiinggggggg!!!!!!!!!
Iminulat ko ang isang mata ko at inabot ang alarm clock saka ito pinatay. 5:00 am palang pero kailangan ko ng maghanda sa pagpasok sa shop. Kailangan ko kasi agahan para naman ma goodshot ako sa boss ko.
Hindi parin ako makapaniwalang napakabait niya pala. Biruin mo pinalampas niya lang yung atraso ko?
Halos magtatalon talaga ako sa tuwa!
Dumiretso na ako sa banyo para maligo. Inabot ko na din ang uniform na ibinigay nila sakin kahapon. Isang paldang itim na above the knee, isang puting blouse na long sleeve at isang itim na ribbon para sa colar.
"Hindi ko muna siguro susuotin ang uniform ko, lalo na magbabike lang ako"
Matapos kong magbihis nag breakfast na ako at dumiretso na sa bisekleta ko . Pagdating ko sa shop bandang 6:30 nakita kong may tao na sa loob. 8 pa naman ang pag open ng shop kaya maaga pa ako. Pumasok ako sa loob at bumati sa baristang nandoon.
"Hello! Ako nga pala ang bagong Waitress nyo dito. Sana makasundo ko kayo dito" nakangiting bungad ko sa kanya.
"Hi! I'm Henry, Full time barista dito" nakangiting sabi niya at kinamayan ako . "So ngayon ka lang pala nagstart? I saw you yesterday. Yun pala ang sadya mo dito. Masaya ako dahil magkakaroon na ng babaeng employee dito"
"Huh? What do you mean? Babaeng employee? Ako? You mean mag isa lang akong babae?!" gulat na gulat na sabi ko.
Napatingin siya sakin at ngumiti. "Don't worry di ka namin pababayaan. As far as I know sa cashier ka pupwesto. Mas mabuti kung magpapalit ka na ng uniform mo" pagkasabi nun ay hinarap niya na ang pagtitimpla ng ibat ibang uru ng kape.
Pumunta ako sa locker room at nag nagsimula ng magbihis. Napapaisip tuloy ako kung tama ba tong pinapasok ko.
Naglagay ako ng kaunting make up bago lumabas at pumunta sa counter. Huminga ako ng malalim at nagsimula ng pag aralan ang pag gamit ng machine kung san inilalagay ang pera. Nalilito padin ako pero kailangam kung matuto nito .
"Want some help?" lumapit sakin ang barista.
Itinuro niya sakin kung pano ito gamitin. Madali lang pala. Napangiti ako at nagpasalamat sa kanya.
"No problem. Btw. You look cute in your uniform." sabay kindat sakin at bumalik na sa pwesto niya.
Nakatulala lang ako sa kanya sa sobrang gulat ko sa sinabi niya. Nagulat pa ako ng biglang may magsalita sa likuran ko.
"Anong tinitingin tingin mo at nakatulala ka diyan? Daig mo pa nakakita ng multo ah!"
"Huh? Boss! Nandiyan pala kayo! May iuutos po ba kayo?" tanong ko sa kanya pero mukang hindi niya ako narinig. Nakatingin lang ito sakin at tinititigan akong mabuti.
"Sir?" Untag ko sa kanya, saka lang ito natauhan.
Tumikhim ito bago nagsalita "Hindi lang cashier ang trabaho mo. Kukuha kadin ng orders at ikaw ang magbibigay sa barista natin. Ayusin mo yung trabaho mo at ayoko ng nagkakamali sa trabaho." masungit na sabi nito sabay alis at dumiretso na sa elevator.
Nagtatakang sinundan ko nalang siya ng tingin. "Anong problema nun?"
Dumating pa ang ibang empleyado at bumati sa akin. Bale apat kaming nagtatrabaho sa shop na yun. Yung isa taga gawa ng waffle at yung isa naman taga kuha din ng order
Bandang 7:50 pumwesto na ako sa entrance at nag abang na sa costumer
Nakangiti kong binati ang bawat costumer na dumadating. Hindi ko akalaing madami palang costumer ang shop na to. Nananakit na ang paa ko sa pagpapabalik balik sa counter at sa costumer.
Lumapit sakin si Rey at sinabihan akong mag pahinga. Hindi ako nakinig sa kanya lalo nat nagpapalakas pa ako sa boss namin.
Nung bandang lunch time na hindi na gaanong dagsaan ang mga tao. Nagbreak na din ako para lagyan ng band aid ang paa kong puro paltos. Pumunta ako sa locker room at kumuha ng tatlong band aid. Umupo ako at dahan dahang tinanggal ang sapatos ko.
Napatingin ako sa pinto ng biglang bumukas yun. Iniluwa nun si Richard na sa tingin ko ay nagbreak time din. Lumapit ito sa akin at ngumiti. "Kamusta ng paa mo? Mukang masakit yan ah.! Let me see." kinuha nito ang paa ko at sinipat ang paltos.
"Akin na yung band aid ako na ang maglalagay" inilahad nito ang kamay niya.
Binigay ko ang band aid at hinayaan siyang ilagay ito. Nang matapos niyang ilagay ang band aid, tumayo na ito at dumiretso sa locker niya.
"Salamat" ngumiti ako sa kanya. Kinuha ko ang sapatos ko at aakma na sanang lalabas ng mapansin kong may tao sa pinto.
"Oh boss! Anong ginagawa mo diyan?" gulat na tanong ko .
"Kumain kana ba?" tanong niya habang nakatingin sakin
Lumingon ako kay Richard bago sumagot. "Hindi pa po . Palabas palang po ako para kumain diyan sa tapat."
" I see. Bilisan mong kumain dahil may mga darating akong bisita mamaya" pagkatapos sabihin iyon ay timalikod na ito at bumalik sa opisina niya.
Napailing ako. 'Anong problema nun??'
Naglakad na ako palabas at pumunta sa karinderya sa harap. "Manang! Isang order nga po ng sisig tsaka dalawang kanin po!" sigaw ko at pumwesto na ako sa isang bakanteng upuan.
"Sige hija sandali lang!"
Pag dating ng order ko ay mabilisan ko itong kinain gaya ng utos ng boss ko .
Bumalik ako sa shop after 15 minutes. Pagbalik ko nagseset up na sila para sa bisita ng Boss namin. Tumulong nadin ako at inihanda ang mga kakailanganin sa pag seserve. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit nila tinakpan ng kurtina ang lahat ng dingding ng shop na para bang may itinatago
Bandang alas kwatro apat na magkakasunod na sasakyan ang dumating sa shop.Nagulat ako ng makita ko ang sikat na bandang Toby Hangman na bumababa ng kanya kanya nilang sasakyan. At isang babaeng napakaganda, muka itong modelo sa sobrang tangkad at puti. Nanliit tuloy ako...
Sabay sabay silang pumasok sa shop at binati naman namin silang lahat. Lumabas ang boss ko at sinalubong sila. Nagulat pa ako ng bigla nalang tumakbo ang babae at yumakap sa kanya. Inalis niya naman ito sa pagkakayakap sa kanya.
"Darling. Is there something wrong?" tanong nung babae sa malambing na boses.
'Ah ... Girlfriend niya yata' biglang pumasok sa isip ko. Pabalik na sana ako sa pwesto ko ng bigla siyang lumapit sakin at inakbayan ako.
"Sonya I want you to meet Allyson, my girlfriend."
Parang nag slow motion ang lahat sa paligid ko. Napasinghap ako at nanlalaki ang mga matang biglang tumingin sa kanya 'Anong sinasabi ng lalaking to????'
****