Five

1093 Words
"What are you talking about? Are you insane!? I can't believe your doing this to me Tristan. Alam mong ipininagkasundo na tayong ipakasal ng mga daddy natin. And yet you found yourself a what you called "Girlfriend"? I AM YOUR FIANCEE. At kahit anong gawin mo hindi ka makakatakas dun." galit na galit na sabi ng fiancee kuno ni tukmol. Ako naman nakatingin lang sa kanila. Inaabsorb ko pa ang lahat ng sinasabi nila. Panong nadamay ako sa gulong to? "Hey you b***h! Magsalita ka! Is it true? O ginagamit ka lang ni Tristan para makatakas sa kasal na to? Tell me the truth!!!" pasigaw sa sabi ng babae. Napatingin ako kay tukmol at nakita ko ang mata niyang nag mamakaawa at humihingi ng tulong. Napabuntong hininga ako. Magsasalita na sana ako ng biglang hilain ng babae ang buhok ko. Palapit na sana ang mga lalaki para umawat pero pinigilan ko sila. Hinawakan ko ang kamay ng babaeng nakahawak sa buhok ko "Ang ayaw ko sa lahat yung hinahawakan yung buhok ko" mariing sabi ko sabay pilipit sa kamay ng babae. Napabitaw ang babae sa buhok ko at mangiyak ngiyak na dahil hawak ko padin ang kamay niya. Binitawan ko ang kamay niya at bumwelo para magsalita. "HAH! Ano sayo kung girlfriend ako ni Tuk - este ni Tristan? I don't think may karapatan kang angkinin ang una palang eh hindi na sayo?" dahan dahan ko siyang nilapitan at dinuro. "Subukan mo lang na lumapit ulit sa kanya makikita mong hinahanap mo!!" inambaan ko siya na parang susuntukin kaya todo iwas naman ito. Tumawa ako at lumayo sa kanya. Lumapit ako kay tristan at kinindatan ito.Ngayon naman siguro bayad na ang utang ko sa kanya. Kitang kita ko ang pagkamangha sa mukah niya. Umabriseta ako sa braso niya para ipakita sa babae na boyfriend ko nga si Tristan. Tinitigan ako ng masama ang babae at umirap sabay talikod at nagdadabog na umalis. Bumitaw ako sa kanya at tinapik ang likod niya. Napatingin ako sa paligid at lahat sila nakatingin sakin. "Oh bakit?" nagtatakang tanong ko. Manghang mangha sila sa nakita nila kaya halos hindi na sila makapagsalita. "WOW!!!" ang unang nagsalita ay yung lalaking member ng Toby Hangman na may brown na buhok na cute. Bigla itong ngumiti at pumalakpak. Sunod sunod na silang nagpalakpakan na parang nakakita ng isang kamangha manghang bagay. Tumingin ako kay Tukmol. "Kailangan nating mag usap" hinila ko siya papunta sa counter. "So bayad na ako sir ha! Wala na akong utang sayo tama ba?" nakangiting bungad ko sa kanya. "Huh? Ah... Oo sige. Pero......" tinigigan niya ako at biglang hinawakan ang mag kabilang balikat. "Ang Astig mo!" sabay thumbs up. Natawa ako sa reaksyon niya sabay nag bow sa kanya. " Ay nga pala! Pano mo nakilala yung Toby Hangman? Waaaaaahhhh!!! Alam mo bang idol ko sila? Baka naman kilala mo yung vocalist nila? Bakit kasi hanggang ngayon hindi pa din nagpapakita ng mukah yun? Nakaka inlove pa naman ang boses niya. " parang nangangarap na pa na sabi ko. Tumikhim siya at nakangiting humarap sakin "Mga kaibigan ko sila. At yung sinasabi mong vocalist ang pinaka close ko. Kung gusto mong mapalapit sa kanya kailangan mapalapit ka muna sakin" nakangising sabi nito. "Talaga??? Wow!!!! Pakilala moko dun boss ha hehe" abot tenga ang ngiti ko pagkarinig ko sa sinabi niya at tinapik ko pa ang balikat niya. Bumalik kami sa mga kaibigan niya na nakaupo na at bumalik nadin sa trabaho ang mga kasama ko. Lumapit ako sa Toby Hangman at inilahad ang notebook ko sa kanila. "Pwedeng pa autograph?" binabalak kong ibenta ang mga pirma nila sa mga nababaliw ng classmate ko . 'Mukang mabebenta ko ng mahal to ah . Hmmmm pano kung samahan ko kaya ng picture? Bwahahahaha. Salamat Boss! Hulog ka ng langit sakin!!!' Nakangiti padin ako habang tinitingnan silang isa isang pumirma sa notebook ko . "Pwede pa picture?" hirit ko pa . Natawa sila at pumayag naman. ' Oh yeah!' daig ko pa nanalo sa lotto neto. Woooooh!!!! "Kami Ally? Pa autograph din hehehe ang astig mo kanina eh . " Nakangiting sabi ng magkakabanda. "HAH! Wala pa yatang nakatalo sakin sa tanang buhay ko. Hehe" mayabang na pagkakasabi ko at nakataas pa ang noo. "Oh siya balik na ako sa pwesto ko. Salamat dito ha" itinaas ko ang notebook kung san sila pumirma. Tiyak magkakandarapa mga kaklase ko dito. Ngumisi ako ng palihim at naglakad na papunta sa pwesto ko. Nang makarating ako sa pwesto ko ay abot hanggang tenga na ang ngiti ko. Matapos ang ilang oras nagpaalam na ang mga kaibigan ni tukmol at kumaway pa sakin bago lumabas ng pinto. Nag linis na din kami ng shop bago tuluyang umuwi. Nasa locker na ako ng lumapit sakin si Henry. "Ang haba ng araw na to. Napagod ka ba?" tanong niya sakin habang kinukuha ang bag nito sa locker "Ah hindi naman. Nakakita naman ako ng pera- este sikat na banda hehehe" alanganing ngiti ang sinukli ko sa kanya. Nakita kong tumaas ang sulok ng labi niya tanda na ngumiti ito. "Mauuna na akong umuwi. Mag iingat ka sa pag uwi" lumabas na ito sa locker room ako naman nakatingin lang sa kanya hanggang mawala siya sa paningin ko. Tinapos ko na ang pag liligpit sa gamit ko para makauwi na din ako. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng shop. Bago umuwi dumaan muna ako sa isang fastfood para bumili ng chicken at bumili rin ako ng beer sa 7/11 na katabi neto. Pag uwi ko naabutan ko ang pinsan kong papasok na dahil night shift ang pasok nito ngayon. "I lock mo yung pinto bago ka matulog ha." bilin nito sakin "Yes Maam!" sumaludo pa ako sa kanya ng pabiro. Tumawa ito at tumingin sakin. "Kamusta naman ba yang trabaho mo? Wag mo masiyadong pagurin ang sarili mo" tumango ako sa kaniya at sinabing okay lang ako. Pagka labas nito ay isinara ko na ang pinto at nagsimula ng lantakan ang chicken at beer. "Woooooh. Sarap talaga ng chicken at beer kapag pagod." kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang pictures ng toby hangman dun. "Hmmmm.. Magagalit kaya sila kung ibebenta ko to? Nakakakonsensya tuloy." humiga ako at patuloy na inisip kung ibebenta ko ba ito o hindi. Nang hindi ko mapagdesisyunan ang gagawin ay iniligpit ko na ang mga nainom kong lata ng beer para makapagpahinga na. Pagkatapos maghilamos dumiretso na ako sa kama at nahiga. "Bahala na bukas" yun lang ang nasambit ko bago ako tuluyan ng nakatulog. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD