"Goooooomorning !!!!!" Masiglang bati ko sa lahat ng madadaanan kong tao habang sakay ako ng bisekleta ko. Pagdating ko sa school, Nakangiti akong pumasok sa room at binati si Cassy na nakatulala.
"Hoy!!! Aga aga tulala ka diyan" panggugulat ko pa sa kanya.
Bumuntongg hininga ito. Napakunot ang noo ko, sa tingin ko may problema ito ngayon. Binaliktad ko ang upuan ko at umupo sa harap nito. Niyakap ko ang sandalan ng upuan ko bago ko siya tinanong.
"Huy!! Di ako sanay na ganyan ka... May nagawa ba akong mali? Hmmm??" nagpapacute na sabi ko sa kanya at ngumuso pa.
Muli itong bumuntong hininga bago ito nagsalita. "Galing akong mall kahapon.. May girlfriend na siya, nakita ko silang magkasama kahapon. Siguro nga Ally tama ka, ako lang nangangarap na mapapansin niya din ako." mangiyak ngiyak na sabi nito.
"Aiishht!!! Hindi iniiyakan yung ganyan, tara mamaya!!! Dahil summer vacation na starting bukas, magpapakasaya tayo mamayang gabi. Pag out ko sa work. Tingin mo? Call?"
Nagulat ako ng bigla itong pumalahaw ng iyak "Allyyyyyyy!!! Hindi ko kayaaaaaaaa!!!" napangiwi ako dahil todo ngawa ito.
Tinakpan ko ang bibig nito dahil biglang nagtinginan samin yung mga classmate namin. Pilit akong ngumiti sa kanila. Binulungan ko si Cassy.
"Kapag hindi ka tumigil, hindi kita ililibre ng barbeque mamaya. Sige!" pananakot ko pa sa kanya. Bigla itong nanahimik at tumingin sakin.
"Gusto ko maraming marami!" pag uungot pa nito. Tumawa ako bago tumango at sumagot.
"Hahaha! Oo na! Sige na tumigil kana sa kakangawa mo at andiyan na prof natin.
Umayos na ako ng upo at nakinig na sa klase. Isang subject lang ako ngayon kaya naman maaga akong makakapasok sa shop. Kasama rin sa contract namin sa after class ako papasok. Pero dahil vacation na magiging fulltime na ako sa shop.
Bigla kong naalala na short pala ako sa pera ngayon. Napahawak ako sa noo ko. Ako pa naman ang nagsabing ililibre ko siya, kailangan gawan ko to ng paraan. Nag isip ako ng solusyon sa problema kong ito. Bigla kong nakita yung notebook na pinirmahan ng Toby Hangman. Nakapikit kong kinuha iyon at dahan dahan kong binuksan. Nandun din ang mga pictures nila. Mukang wala na talaga akong choice, alang alang sa kaibigan kong sawi sa pag-ibig.
Pagkatapos na pagkatapos ng klase hindi ko muna pinalabas ang mga kaklase ko.
Tumayo ako sa harap at lahat sila nakatingin sakin. Tumikhim ako bago nagsalita.
"Okay!!! Meron akong product dito na alam kong magugustuhan nyo. Legit to mga classmate kung sino ang may pinaka mataas na offer sa kanya mapupunta!" paninimula ko.
"Eh ano ba yan ally?" tanong ng isang classmate ko, halatang curious na curious sila sa binibenta ko.
Itinaas ko ang notebook at pictures ng Toby Hangman. "Kahapon ko lang nakuha to, pumunta sa shop ang bandang Toby Hangman at meron akong autograph nila kung sin-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla akong dumugin ng mga kaklase kong babae.
"Ally!! Bibilhin ko ng 200!!!"
"Ako 400!!!" nagsisiksikan na sila para lang mabili ang picture at autograph.
Matapos ang mahaba habang diskusyon naibenta ko ito ng 600. Minsan iniisip ko amg tatanga mg classmates ko. Pwede naman silang kumuha sa internet ng pictures eh . Napapailing nalang ako.
Nagready na ako sa pagpunta sa shop. Nagpaalam muna ako kay Cassy at sinabihan kong umuwi muna ito bago ako hintayin sa pag out sa trabaho.
------
Pagkatapos ng shift ko sa trabaho hinanap agad ng mata ko si Cassy sa labas ng shop. Nakita ko itong nakaupo sa may bench kaya nilapitan ko ito.
"Tara na!" tumayo ito at umabrisete pa sa kamay ko . Patalon talon pa kami habang naglalakad papunta sa isang private videoke room na pwedeng uminom at kumain sa loob.
Pagdating sa videokeham ay bumanat agad ito ng mga kantang pang broken hearted. Ako naman taga luto ng baka
Na gagawin naming pulutan. Bumili din ako ng ilang can ng beer.
Nakita ko itong paiyak iyak na at mukang lasing na din. Ilang oras pa ang lumipas nakayukyok na ito sa lamesa. Pilit ko itong ginigising para makauwi na pero mukang nakatulog na yata ito.
Kinuha ko ang cellphone ko at idinial ang number na kahit kailan ay ayoko na sanang tawagan.
"Hello?" sagot ng isang pamilyar na boses sa kabilang linya.
"Ako to. Kasama ko sa Cassy ngayon at mukang lasing na siya. Pwede mo ba siyang sunduin?" casual lang ang boses ko ng sambitin ko yun pero ang totoo nanginginig ang mga kamay ko.
Sinabi ko sa kanya ang address at ilang minuto lang ang lumpias dumating na siya kasama ang bago niyang girlfriend.
"Pasensya kana sa kapatid ko. Mukang marami na siyang nainom. Mauuna na kami sayo Ally, mag ingat ka nalang sa pag uwi" paalam ni Rupert ang Ex-boyfriend kong pinagpalit ako sa isang hipon.
Nanatili lang akong tahimik hanggang sa makaalis sila. Nanginginig ang buong kalamnan ko sa galit. Buntis na pala ngayon ang babaeng yun. Inisang tungga ko ang beer at nagsalang ng isang kanta.
Sino nga ba siya by Sarah Geronimo NowPlaying
"Di ko inisip na mawawala kapaaaaa... Akala ko'y pang habang buhay na kapiling ka......." hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Sa loob ng tatlong taon na pagsasama namin lahat yun binalewala niya dahil lang hindi ako pumayag sa gusto niyang may mangyari samin. Lalo akong naiyak ng maalala ko kung san niya lang ako pinagpalit.
"Sino nga ba siya sa buhay moooooo.... Na kaya mong saktan ang tulad ko ohhhh gayong lahat lahat ng akin at pag ibig ay binigay sayooo!!!!!" inuuhog nadin ako sa kakaiyak.
Inom lang ako ng inom at hindi ko na namalayang lasing na lasing na pala ako.
Kinabukasan nagising nalang ako sa isang hindi pamilyar na lugar.
Anong nangyari kagabi??