Tristan's POV
I was on my way home ng biglang mag ring ang phone ko. Galing ako sa sa bahay ng parents ko at nakatanggap ako ng matinding sermon regarding sa ginawa kong magpapahiya kay sonya. Sinabi kong meron na akong gusto at hintayin lang nilang ipakilala ko sa kanila. Wala nang nagawa si Dad dahil kahit anong gawim niya ako padin ang masusunod. Lalo na't wala naman akong hininging tulong sa kanya para lumago ang negosyo ko.
"Hel-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita ang nasa kabilang linya.
"Hoy!!!! hanong karapatan mong iwan ako? Shino ka sha akala mo hik!" isang boses ng lasing na babae ang nasa linya. Tiningnan ko ang pangalan ng tumawag sa screen at pangalan ni Ally ang nakalagay dun.
Ano nanamang kalokohan ang ginawa ng babaeng to?
"Tukmol ka..." nagsimula ng umiyak ang nasa kabilang linya "binigay ko naman shayo lahat hik...hik...!!"
Natawa ako sa iniasta nito. Binuksan ko ang gps tracker ko at hinanap ang lokasyon nito. Iniliko ko ang sasakyan para puntahan ito.
Naabutan ko itong nakaupo at hawak ang mic habang nakayuko na. Hinawakan ko ang balikat nito, nag angat naman ito ng ulo at tumingin sakin.
"Oh? Bosshh!! One shot!!" itinaas nito ang beer na hawak naman nito sa kabilang kamay. Tumawa ito at pasuray suray na umikot sa videoke room. Nagsalang pa ito ng isang kanta at sumayaw sayaw ito na para bang napopossess.
Naaliw akong pagmasdan ito kaya pinanood ko lang siya sa ginagawa niya. Napakagulo na ng buhok nito. Iyak tawa din ang ginagawa nito habang kumakanta. Itinago ko ang mga beer na natira pa para hindi na ito makainom
Ng mapagod ito sa ginagawa ay naupo ito sa tabi ko. Nagulat pa ako ng humarap ito sa akin.
"Boshh!!!!!" bigla itong ngumiti halatang halata na ang kalasingan nito. Namumula narin ang pisngi nito.
Bigla nitong hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Nagulat ako ng unti unti nitong ilapit ang mukah nito sakin. "H-hey! What do you think your-" isang mabilis na halik ang ginawa nito. Natulala ako.. Ngumiti ito at ilalapit nanaman sana ang labi ng aakma itong susuka.
"Hey! Stop it!!!" wala na akong nagawa ng sukahan nito ang suot kong polo shirt. Halos masuka ako sa ginawa nito. "Aiiiissssh!!!!"
Pumunta agad akong CR para linisin ang suka sa damit ko. Imbes na magalit ay mas na aamuse pa ako dito. Biruin mo, pagkatapos akong halikan susukahan naman. Natawa ako sa biglang naisip.
Pagkabalik ko nakita ko siyang nakahiga at mukang nakatulog na. Nilapitan ko siya at ginising pero hilik lang ang isinagot nito.
Binuhat ko ito at ipinasan sa likod ko. Bago ako makalabas hinarang ako ng bantay sa videoke bar na yun.
"Sir may kulang pa po sa bayad ni Maam." tiningnan ko si Ally at napailing.
'Iinom iinom wala namang pambayad' biglang pumasok sa isip ko. Kinuha ko ang wallet ko at binayaran na ang kulang. Inayos ko ang pagkakabuhat ko sa kanya at dinala ko siya sa kotse.
Dahil hindi ko alam kung san ito nakatira, dun ako dumiretso sa hotel na pinaiistayan ko. Nasa tapat na kami ng pinto ng suite ko. Binaba ko muna to para maenter ko ang code ko, pero nagulat ako sa ginawa nito. Bigla itong tumayo sa harap ng pinto at pumosing.
"AbraCadabra!!!!" kung ano anong posing ang ginagaw nito habang sinasabi ang mga katagang yun, natatawa nanaman ako.
Inenter ko ang code ko at bumukas ang pinto.
"Oh? Hik... Hehe bumukash na bossshhhh.. Hik!" inalalayan ko itong makapasok at iniupo sa sofa ko.
Pumunta ako sa kusina at uminom ng tubig. Pinagod ako ng babaeng to ah.
Bumalik ako sa sala at naabutan ko siyang natutulog. Nakapatong pa ang isang paa nito sa sandalan ng sofa. Kakaiba talagang babae to.
Binuhat ko siya at dinala sa kwarto para mas makatulog ito ng maayos. Pagkatapos ko itong kumutan ay tumayo ako sa may pintuan. Dumukot ako sa bulsa ko at kinuha doon ang key chain. Tinitigan ko iyon at napangiti. Ilang minuto ko pa siyang pinagmasdan bago ko pinatay ang ilaw. "Goodnight Ally".
Paglabas ko ng kwarto, dumiretso ako sa mini studio ko na matatagpuan sa isa pang kwarto. Naisipan kong gumawa ng bagong kanta dahil mukang hindi ako makakatulog ngayong gabi.
Sinimulan kong iistrum ang gitara.
"That day when I first met your eyes...." panimula ko. Isinusulat ko lahat ng lyrics na kusang pumapasok sa isip ko.
Mukang alam ko na kung para kanino ang kanta na to. Napangiti ako.