Eight

1130 Words
Ally's POV "N-nasan ako?" yun agad ang tanong ko ng magising ako sa isang kwartong hindi pamilyar sakin. Chineck ko pa ang damit ko para masigurong walang masamang nangyari sakin. Kung ano ang suot ko kagabi yun parin naman ang suot ko ngayon. Nananakit ang ulo ko at pakiramdam ko masusuka ako. Nasan ba talaga ako? Bumaba ako sa kama at inililibot ang paningin ko sa silid ng may maamoy akong napakasarap at napakabango. Napalunok ako. Sinundan ko ang amoy nanggagaling yun sa labas ng kwarto. Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Nagulat pa ako ng may makita akong isang pares ng paa sa tapat mismo ng pinto ko. Napaangat ng wala sa oras ang ulo ko at napatingin sa kanya. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Tristan na nakatayo sa harap ko "Boss!" napayuko ulit ako at sinapok ang ulo ko. 'Ano bang ginawa ko kagabi?' yan ang paulit ulit na pumapasok sa isip ko. "Kakaiba ka talaga Ally. Kung alam mo lang ang ginawa mo sakin kagabi" sarkastikong sabi ni Tristan. Tumingin ako sa kanya na gulat na gulat. "Boss! Anong ginawa ko??? Minura ba kita? Napalo? Boss!" Hindi ko alam kung pano ako magsosorry sa kanya. Tumawa ito. "Sana nga ganon nalang ang ginawa mo. Kumain muna tayo bago ko sabihin sayo" nakangiti pading sabi nito. Nagtataka na talaga ako sa kinikilos nito. Ano ba talagang ginawa ko kagabi? Pagkaupo namin sa mesa natakam agad ako sa nakita ko. Sinigang, tuyo na ang sawsawan ay sukang maraming sili, itlog, ham at meron ding soup. Napalunok ako. Mukang marami akong makakain. "Unahin mong kainin yung soup para sa hang over mo" "Eh?" nagtatakang tanong ko. Binigyan ako nito ng kutsara pero tinitigan ko lang yun. "Susubuan pa ba kita?" tanong niya. Mabilis kong hinablot ang kutsara at pilit na ngumiti sa kanya. "Ah. Hehe. Salamat boss! Sa pagkain " tinikman ko ang soup at masarap yun. "Kayo po ba nagluto nito Sir?" "Bakit? Nainlove ka nanaman sakin ngayong alam mo nang marunong akong magluto?" nang aasar na sabi nito. Muntik ko ng maibuga ang iniinom ko sa sinabi nito. Umismid ako. "As if naman mainlove ako sayo. HAH! Mataas yata standards ko noh!" depensa ko sa kanya. "Okay. Wala akong sinabi." casual na sagot nito. Susubo na ako ng kanin ng bigla ulit itong magsalit. "Ah nga pala.... dahil sinukahan mo ko kagabi kailangan mo kong tulungan" Nabulunan ako bigla sa sinabi nito. "A-ano kamo yung ginawa ko?!" sinapok ko ang ulo ko dahil sa kalokohang ginawa ko kagabi. Habang pigil nito ang ngiti ako naman hindi makatingin sa kanya sa sobrang kahihiyan. "Samahan mo ako mamaya. May pupuntahan tayo" uminom ito ng tubig at tumingin sakin. "Huh? Saan po?" "Malalaman mo mamaya" yan nanaman yung ngiti niyang nakakaloko. San kaya ako dadalhin neto? Hindi niya naman siguro ibebenta ang laman loob ko dahil lang nasukahan ko ang napaka mahal niyang damit? Pagkatapos kumain sinabihan ako niya akong maligo dahil may pupuntahan daw kami. Nahihiya man pero sumunod na din ako dahil nanlalagkit na ako. Pag pasok ko sa banyo nagulat ako ng may makita akong damit dun . Isang pantalon at ianag T-shirt na itim, kompleto na din ang undies dun. "Wag mo sabihing siya ang bumili neto? Waaaahhhh!!!!! Sobrang nakakahiya na talaga! " napatakip ako sa mukah ko sa sobrang kahihiyan. Ilang minuto lang ang itinagal ko sa Cr at lumabas na din ako. Nakita ko siyang nakaupo sa sofa at nanonood ng balita. Paglingon niya sakin ay nginitian niya ako. "Tara na?" yaya niya sakin sabay tayo. "May dadaanan pa tayo bago tayo tumuloy sa pupuntahan natin" Sumunod lang ako sa kanya hanggang makasakay kami sa kotse niya. Habang nasa biyahe tinanong ko siya kung san ba talaga kami pupunta pero hindi niya ako sinasagot. 'Baka naman galit parin sakin to? Sira ka talaga Ally! Sa dami ng susukahan boss mo pa' sa isip isip ko. "Sir, sorry po.... Sa kagabi... Kung anoman po ang nagawa ko pasensya na po...." tumingin ito sakin. "Kaya nga pag babayarin kita" Bigla niyang iniliko ang kotse at huminto kami sa isang fassion botique. Sunod sunuran lang ako sa kanya hanggang makapasok kami. Kinausap niya ang mga staff dun at itinuro ako. Nagulat pa ako ng bigla akong hawakan ng mga ito at ipasok sa dressing room. Kung ano anong ginawa nila sa mukah ko at pinasuot ako ng kulay itim na dress at isang 3 inches na takong. Pagkatapos ng halos isang oras dahan dahan akong lumabas ng dressing room. Kitang kita ko ang pagkamangha sa mukah ni Tristan ng lumabas ako. "Wow!" dahan dahan itong pumalakpak. "Mukah ka palang tao kapag nabihisan" tumatawang sabi nito. Sumimangot ako. Panira talaga ng moment tong lalaki na to. "Tsk! Di ko naman sinabi sayong bihisan moko neto!" nakangusong sabi ko . "Nangangati tuloy ako!" reklamo ko pa. Tumawa muna ulit ito bago ako hinila. "Lets go!" Sumakay kami ulit sa kotse. Ilang minuto pa ang lumipas bago kami pumasok sa isang gate. "Wow!!!" Manghang mangha ako sa pagkakalandscape sa paligid ng napakalaking bahay na yun. Pinark niya na ang kotse at inalalayan niya pa akong bumaba. Pumasok kami sa malamansyong bahay na yun. Halos hindi ko maisara ang bibig ko sa nakikita ko. Napaka elegante ng bahay na yun, halos lahat ng gamit dun ay mamahalin. "Isara mo yang bibig mo at baka pasukan ng langaw" naaaliw na sambit ni Tristan. Mabilis ko naman isinara ang bibig ko at nasuntok ko pa ang braso neto pero tumawa lang ito. Dumiretso kami sa pinaka dining hall at may mga naabutan kaming mga tao dun. Lahat ng tao dun ay napatingin samin. Isang matandang lalaki at babae , may dalawang lalaki na hindi nalalayo ang edad sakin at isang batang babae na sa tingin ko ay 16 ang edad. "Dad" Tumango ang matandang lalaki. "Maupo na kayo" casual na sabi nito. Sumunod naman kami at naupo na. Napatingin ako sa mesa, natakam ako sa mga nakahain dun. Isa isa kong tinititigan bawat putahe ng biglang tumunog ang cellphone ko nakarecieve ako ng text mula kay Tristan Message : Isara mo yung bibig mo. Kanina ka pa nakanganga. Pagkabasang pagkabasa ko sa text ay nanlaki ang mata ko. Pasimple kong pinunasan ang bibig ko dahil baka naglaway na ako sa sobrang pagkatakam. "Ano pang hinihintay nyo? Let's eat!" pagkasabi nun ng Daddy ni Tristan ay nagsimula ma kaming kumain. "Wow...." mahinang bulong ko sa sarili ko. "Dad I have something to tell you." narinig kong nagsalita si Tristan. Ako naman sarap na sarap na sa pagkain ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Ngumunguya pa ako ng bigla siyang magsalita ulit. "Dad this is Ally... My girlfriend" Naibuga ko ng wala sa oras yung kinakain ko sa sinabi niya.. 'Oh my!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD