"Arrrrrggghhhh!!!! Bakit ba kasi hindi mo ako ininform ha? Sobrang nakakahiya yung nagawa ko!!" halos hindi ko alam ang gagawin sa sobrang pagkapahiya.
Sa kasamaang palad tumawa lang ito ng tumawa na para bang wala ng katapusan. "Wala ka namang ginawang masama ah. Ano bang masama sa pag buga ng kanin sa mukah ng kuya ko?" halos namumula na ito kakatawa.
Tinanggal ko ang sapatos ko kahit nakasa dress pa at isinuot ang rubber shoes ko. "Ang problema sayo hindi ikaw ang napahiya! Pano pa ako haharap sa inyo neto! Nakakainis talaga!" kung gaano ang pagkainis ko ganom naman ang pagka aliw niya sakin.
Tinanggal ko ang lahat ng accessories sa katawan ko dahil hindi ako sanay magsuot ng mga yun. Kumuha din ako ng tissue para linisin ang make up ko.
"Hey! What do you think your doing?"
"Nangangti ako tsaka mukah akong clown!" ipinagpatuloy ko ang pagtatanggal ng make up ko.
Matagal bago ito sumagot "Maganda ka....." nagulat ako sa sinabi niya kaya natigil ako sa pagtatanggal ng make up.
Tumikhim ito bago nagsalita ulit "I mean.... Wag mong ikumpara ang sarili mo sa clown.... Dahil alam naman nating mas lamang ng ilang paligo ang clown kumpara sayo" banat nito sabay tawa na parang wala ng bukas.
Inihagis ko ang tissue dito "Bwisit ka!" ipinagpatuloy ko ang paglilinis sa mukah ko. Pagkatapos ay humalukipkip ako at tumalikod sa kanya. "Kausapin mo sarili mo! Wag ko akong gigisingin kung wala pa tayo sa shop!" inis na inis na sabi ko sa kanya. Naramdaman kong kinalabit niya ako.
"Huy! Sorry na... Huy ... Huy..." kalabit parin ito ng kalabit pero hindi ko siya pinapansin.
Ilang minuto po ay nakarating na kami sa shop, maraming tao ngayon kaya naman dumiretso na ako sa locker room para magpalit ng uniform.
Nadaanan ko si Henry sa counter kaya binati ko ito.
"Sorry late ako. May inasikaso lang ako" pagpapaliwanag ko dito.
Tumingin ito sakin bago ngumiti "May lakad ka ba mamaya?" tanong nito.
"Ha?? Ahmm. Wala naman, bakit mo natanong?" nagtatakang sagot ko naman sa kanya.
"Pwede mo ba akong samahan bumili ng regalo? Babae kasi kaya nahihirapan akong pilian ng regalo."
"Ahhh... Hahaha. Oo sige samahan kita! Ikaw pa malakas ka sakin eh. Sige na mamaya nalang" kumaway ako sa kanya bago tuluyang dumiretso sa pwesto ko.
Dahil madami dami ang mga Costumer ay mas naging busy na ako sa pagtatrabaho.
-------
Tristan's POV
Nasa opisina ako at nag aasikaso ng ilang mga dokumento ng may kumatok sa pinto.
"Come in" sagot ko sa kumakatok.
"Sir," may inabot ito saking mga envelope "these are the proposals made by the Trivage Corporation. Gusto nilang mag invest para sa bago nating branch na gagawin."
"I see... Okay. I'll read it later. You may go." sagot ko at itinuon na muli ang paningin ko sa mga pinipirmahang dokumento.
Narinig kong sumara ang pinto tanda na nakalabas na si Manager Reyes. Nasa kalagitnaan na ako ng pagpirma ng bigla kong maalala ang nangyari kanina.
Flashback~
Nasa bahay na kami para sa family lunch namin. Isinama ko si Ally para ipakilala kay Dad na girlfriend ko siya.
Kasalukuyan kaming kumakain at palihim ko siyang sinusulyapan, napailing ako ng makita kong sarap na sarap ito sa pagkain. Kung alam lang nito ang mangyayari.
"Dad. I have something to tell you." pang aagaw ko ng atensyon sa pamilya ko. Lahat sila ay nakatingin na sakin.
Hinawakan ko ang kamay niya na alam kong ikinagulat niya. Pero nagpatuloy parin ito sa pagnguya.
"This is Ally.... My girlfriend." nagulat ako ng biglang ibuga ni Ally ang nasa bibig nito sa mukah ng panganay kong kapatid.
"Honey are you okay?" tanong ko sa kanya at inabutan siya ng tubig. Ubo lang ito ng ubo habang nakatingin sa kuya kong nagpupunas ng mukah niya.
"Oh my gosh! Im sorry!" todo hingi ng paumanhin si Ally sa kapatid ko.
"It's okay." sagot ng kuya ko. Sa pagkakakilala ko sa kuya ko ay hindi naman ito madaling magalit.
Ipinagpatuloy lang ng iba ang pagkain nila na parang walang nangyari. Pero mukang nawalan na ng gana kumain si Ally sa nangyari. Hanggang matapos ang kainan ay wala ng nagsalita pa.
End of flashback~
Bigla akong napangiti sa naalala. Naisipan kong lumabas ng opisina para tingnan ang ganap doon
Oh baka naman dahil gusto mo lang makita si Ally!
Natigilan ako sa biglang pumasok sa isip ko. Ipinilig ko ang ulo ko. Ano bang nangyayari sakin?
Ipininagpatuloy ko ang paglalakad hanggang madaanan ko ang locker room.
May narinig akong nag uusap dun. At dahil hindi narinig ko ang boses ni Ally ay pinakinggan ko ang pag uusap nila.
"Ano palang balak na regalo ang bibilhin natin mamaya?" tanong ni Ally sa barista ko sa shop.
"Bahala na.. Kaya nga kita isasama eh. Gusto kong ikaw ang mamili" sagot naman ng kausap nito.
Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng inis. Bumalik ako sa opisina at padabog na isinara ang pinto.
"Hah! Ano naman kung makipagdate siya! Wala akong pakialam dun!" umupo ako sa swivel chair ko at nagbuklat buklat ng mga papel.
Ilang minuto lang amg lumipas pero hindi na ako mapakali.
"Saan naman kaya nila balak pumunta?.. Ahhhh! Nababaliw na yata ako!" inis na sigaw ko. Dahil hindi ako mapakali umakyat ako ulit sa taas pero naabutan kong wala ng tao sa locker room at sarado nadin ang shop.
"Nasan na yung mga yun...?" hindi mapakaling tanong ko. Kinuha ko ang jacket ko sa office bago ako lumabas ng shop.
Kung saan saan ako pumunta para hanapin si Ally at ang lalaki. Nakita ko silang nasa isang botique kung saan puro mga damit pambabae ang binibenta.
Nagtago ako sa isang sulok habang dahan dahang sinusundan sila.
Nang makita kong hahawak na sa balikat ni Ally ang lalaki ay hindi na ako nakapagpigil.
"Ally!!!!!" pareho silang nakatingin sakin at parehong gulat na gulat ang reaksyon
"Boss? Anong......" hindi niya na natapos ang sasabihin ng bigla kong hilain ang isang kamay niya.
Hawak na namin ngayong ang magkabilaang kamay niya. Akin ang isa at kay Henry ang isa.
Ano ba sa tingin ko ang ginagawa ko?