Ally's POV
Kasalukuyan kaming namimili ng pwedeng bilhin ni Henry sa isang Women's Botique.
"Para kanino ba tong regalo mo? Saka ilang taon? Para alam natin kung anong dapat bilhin." tanong ko sa kanya habang nagtitingin tingin.
"For my mom. Birthday niya kasi sa susunod na araw" sagot niya.
"Hmmm... Eto kaya?" kumuha ako ng isang purple dress na above knee ang haba. "What do you think?" tanong ko.
" Tama yata talagang sinama kita. Alam na alam mo ang taste ng mama ko." kinuha nito ang dress at ibinigay sa sales lady. "I'll take this miss" ngumiti ito sa sales lady na halatang nagpapacute sa kanya.
Natawa ako, tinapik ko ang balikat niya bago nagsalita "Ano bang sikreto mo ha? Lakas mo makahatak ng babae ah! Hahaha!"
Tumawa ito, first time kong nakita na tumawa ito ng ganon. Hindi ko alam kung bakit pero magaan ang loob ko kay Henry. Siguro dahil napakabait nito sa akin.
Nang iabot na ng sales lady ang binili namin ay nagbalak na muna kaming kumain. Aakbayan niya na sana ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Ally!!!" napalingon kami sa tumawag sa pangalan ko at ganon nalang ang gulat ko ng makita ko si Tristan na nakatayo malapit sa pinto.
"Boss? Anong....." nagulat ako ng bigla nitong hilain ang kanang kamay ko, inagapan naman ni Henry ang isa ko pang kamay.
"Ally kailangan nating mag usap." pagkasabi nito ay hinila nito ang kamay ko.
"I'm sorry pero kasama ko pa siya. I don't think that's a good manner sir." sagot naman ni Henry at hinila naman ang isang kamay ko.
"Importante ang sasabihin ko sa kanya" hinila nanaman nito ang kamay ko.
"Bakit hindi mo nalang ipagpabukas" sagot naman ng isa at hinila ulit ang kamay ko.
Parang nagtatug of war na ang dalawa gamit ang kamay ko. Sa sobrang inis ko ay hinila ko ang kamay ko sa kanilang dalawa
"Kung may problema kayo sa isat isa. Wag nyo kong idamay! Nakakasakit na kayo. Tsk. Mag usap nga kayo. Bahala kayo diyan!" sabay binirahan ko sila ng alis.
Naglakad ako ng mabilis at hindi na lumingon pa.
"Ano bang problema ng dalawang yun?" nagtatakang tanong ko habang nag aabang na ng bus na sasakyan ko pauwi.
Umupo ako sa isang waiting shed dun at inayos ang sintas ng sapatos ko. Biglang nagbeep ng dalawang beses ang cellphone ko. Ng tingnan ko ang cp ko may dalawang text akong natanggap.
------
1st Message:
From: Boss Tukmol
Nasan ka? Bakit bigla kang umalis?
------
"HAH! At nagtanong pa kung bakit. " naiinis kong sambit.
Tiningnan ko naman kung sino ang isa pang nagtext.
------
2nd Message
From: Henry
Hey Ally, sorry kanina. Hindi man lang kita na treat ng dinner. Btw, thanks. See you tomorrow.
------
Ibinaba ko ang cellphone ko at napaisip. 'Ano ba talagang problema ni Boss kanina?'.
Tumingin ako sa oras, 10 pm na pala. Kanina pa ako nag aabang ng bus pero wala pang dumarating.
Maglalakad na sana ako ng biglang mag ring ang cellphone ko.
Calling Boss Tukmol.......
Sinagot ko ang tawag dahil kahit anong gawin ko ay boss ko padin siya.
"Hello!"
"Saan ka pupunta?"
"Huh?" tumingin ako sa paligid at nakita ko ang kotse niya hindi kalayuan. Tumalikod agad ako "Uuwi na ako."
Ibinaba nito ang tawag at nagulat pa ako ng may humintong kotse sa gilid ko. Binaba nito ang wind shield at tinawag ako.
"Ally! Hatid na kita."
Hindi ko siya pinapansin at nagpatuloy lang sa ako sa paglalakad.
"Hey!" sinasabayan din ng kotse niya ang mabagal kong paglalakad.
Dahil hindi ko parin siya pinapansin, bumaba na ito ng kotse at pumunta sa harap ko.
"Ally...." tumingin ako sa kanya.
"Oh?" walang ganang sagot ko.
"Kaya ka ba nagagalit dahil sinira ko ang date mo?"
"Oo sinira mo ang da-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil sobrang seryoso ng mukah niya. "Uy boss.. May problema ba? Bakit ganyan mukah mo?"
Tumikhim ito bago nagsalita "Ano kasi.... Yung...... Diba.... Ah! Inaalala ko lang naman yung ginagawa nating pagpapanggap! Pano kung may makakita sayo? Pano kung pinapasundan ka pala ni dad? Edi nabuko na tayo!"
Iniiwas ko ang paningin ko. "Yun lang pala! Edi sana sinabi mo nalang una palang. Triple ang ibabayad mo sakin dahil kahit pala sa labas kailangan nating umakting" nilagpasan ko siya.
"Uuwi na ko. Magkita nalang tayo sa shop bukas."
Hinawakan nito ang braso ko. "Please Ally ihahatid na kita."
"Okay! Wala naman akong choice wala na ding bus. Tsaka baka may nakatingin satin at mabuko tayo! Tama ba?!" padabog akong sumakay sa kotse niya at ikinabit ang seatbelt.
Sumakay na ito at nagsimula ng magdrive. Itinuro ko sa kanya ang direksyon ng bahay ko, pagkatapos kong sabihin sa kanya yun ay hindi na ako ulit nagsalita.
Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na kami sa apartment na tinitirhan ko. Bumaba na ako ng sasakyan at hindi na nilingon pa ito. Hindi ko alam kung bakit pero naiinis talaga ako sa kanya.
Nakapasok na ako sa gate bago ako sumilip kung nasa labas pa siya. Nakita ko siyang lumabas ng kotse pero pumasok din agad. Ilang minuto din ang lumipas bago niya pinaandar ang kotse niya. Doon lang ako nakahinga ng maayos.
Umakyat na ako sa apartment namin, nakakapagod talaga tong araw na to.
Nahiga ako sa kama ko at patuloy na nag isip. Pinakaramdaman ko ang sarili ko. Bakit ako naiinis nung sinabi niya yun?
"Ahhhhh!!!! Ayoko ng mag isip gusto ko ng matulog!" tinakpan ko ng unan ang ulo ko.
Beeeep~
Inabot ko ang cellphone ko at tiningnan ang message.
------
From: Boss Tukmol
Goodnight Ally .... Sorry sa kanina. I'll see you tomorrow dahil may gusto akong sabihin sayo.
-----
Mas lalo yatang hindi ako makakatulog neto!