bc

Desire

book_age18+
54
FOLLOW
1K
READ
sex
kidnap
family
fated
betrayal
lies
self discover
slow burn
steampunk
punishment
like
intro-logo
Blurb

Nang dahil sa isang hula ay tatlong buhay ang magbabago. Ikaw handa ka bang kaharapin ang pagsubok mula sa nakaraan?

chap-preview
Free preview
PANIMULA
PANIMULA "MAG-UUMPISA na tayo in five minutes!" rinig kong sabi no'ng isang lalaki doon sa mga staff na nandito. Sa tingin ko ay ito ang photographer dahil na rin sa hawak-hawak niyang camera na kasalukuyan rin niyang pinupunasan. Mula dito sa kinauupuan ko ay nakita ko naman ang mabilis na pagkilos ng mga staff. Kaagad na inayos ng mga ito ang kung anu-anong kable na naka-kalat, pati na rin ang mga gamit na nakaharang sa may daan. Bahagya akong pumikit at saka huminga nang malalim upang kalmahin ang sarili. Damn it! Hindi ko maiwasan ang hindi kabahan ngayon. Hindi dahil sa malagkit na tingin no'ng dalawang babae at isang bakla na nasa may gawing kanan ko. Kundi dahil sa suot ko ngayon. Well, I don't know kung suot pa bang maitatawag kung half naked at naka-brief lang ako! Mabuti na lamang at hindi pa tuluyang nakahantad ang katawan ko dahil sa nakatapi na tuwalya sa aking beywang. Shit! This is so awkward! naiiling na sabi ko. Sanay naman na ako na pagtinginan ng mga tao. What do you expect? Ako si Ken Adrian Lee. Ang nag-iisang taga pagmana ng Lee Merchandising Group—Ang isa sa pinaka malaki at pinaka sikat na kompanya ngayon sa buong Pilipinas. Ang Papa ko ay isa sa mga successful business man ng henerasyon ngayon. Legend na ngang maitatawag ito dahil sa galing humawak ng negosyo. Kahit anong negosyo ang pasukin nito ay nagtatagumpay, kaya ganoon na lamang ang kagustuhan ng ibang kompanya na makipag merge sa kanya. May mga business din ang pamilya namin sa ibang bansa kung kaya't wala ngayon dito sa Pilipinas si Papa, which is great! Dahil kung nandito siya ay paniguradong 'yari ako sa oras na malaman na naman niya ang mga kalokohang pinaggagawa ko! "Naks! Ready na Ken?" napalingon ako sa kanan at nakita ko ang nakakabadtrip na pagmumukha ni Raven habang may ngiting nakakaloko. Sinamaan ko siya nang tingin. "Kasalanan mo 'to!" sabay turo ko pa sa kanya. "Ako talaga? Sino ba sa ating dalawa ang nagpatalo sa casino?" natatawang sabi niya naman. "Dapat nga ay magpasalamat ka pa sa akin dahil binigyan kita nang trabaho." dagdag pa nito. "Ikaw lang ang kikita dito, eh!" asar na sabi ko pa. Alam kong alam niya na sa oras na lumabas ang magazine niya na ako ang cover at tanging underwear lamang ang suot ay paniguradong bebenta iyon! Mayroon kasing magazine business itong si Raven at matagal na niya akong pinipilit na mag cover. Makailang beses na rin akong tumanggi sa kanya, pero sa sitwasyon ko ngayon ay wala na kong ibang choice kung hindi ang pumayag. Noong nakaraang araw ay nagpunta kami ni Raven kasama ang isa pa naming kaibigan na si Miggy sa casino. Hindi naman ako nagsusugal pero ewan ko ba't masyado akong na-entertain sa mga laro doon. Sa umpisa ay nananalo ako, kaya lang, habang tumatagal ay unti-unti ding nababawi nang slot machine ang pera ko. Hanggang sa hindi nagtagal ay tuluyan na nga itong naubos! Nang dahil na rin sa kagustuhan kong mabawi ang perang natalo, ay ginamit ko ang pera na ibinilin sa akin ni Papa para sana ibigay sa secretary niya, upang gamiting pambile ng mga equipment sa bagong project. Two hundred fifty thousand! The heck! Naubos ko lang ng isang gabi ang two hundred f*****g fifty thousand! Hindi ko kayang palitan kaagad ang gano'ng kalaking pera. "Don't worry Pareng Ken, babayaran naman kita para hindi ka mabugbog ni Tito." pang-aasar niya pa sa akin. Huminga ako nang malalim at sasagutin na sana siya noong biglang sumigaw 'yong photographer. "Okay! Let's start! Dito na sa harapan 'yong model!" sabi nito. Nag-umpisa akong maglakad papunta sa may harapan. Kung kanina ay 'yong dalawang babae at isang bakla lamang ang nakatingin sa akin. Ngayon ay lahat na sila! Dahan-dahan kong kinalas 'yong tuwalya mula pagkaka lupot nito sa aking beywang. "Nice buldge." sigaw ni Raven. Nag dirty finger naman ako sa kanya at saka ngumisi. "Okay, ang gusto ko lang ay mag-post ka ng kahit na ano. Maliwanag ba?" sabi no'ng photographer sa akin. "Yeah!" walang gana na sabi ko naman. Ilang sandali pa ay nag-umpisa na ang photo shoot. Nag post lang ako nang kung anu-ano dito sa may harapan. Para akong tanga! Lahat nang sinasabi no'ng photographer ay sinunod ko lang. Kung paano ang tamang pagtayo at puwesto para sa tamang anggulo. "Now, lower your brief. I want to see your hair down there." muling sabi no'ng photographer. "What are you kidding me? Do you want me to see naked, huh?" hindi makapaniwalang sabi ko. I'm wearing thin clothes. Tanging brief na lamang ang tumatakip sa aking p*********i. Tapos gusto niya pang ibaba? The heck! I'm not used to it! Sana ay sinabi niya bago magsimula na nude photography pala ang gusto niya! "Hell yes! Lalaki ka naman at gusto ng mga buyers nang ganoong cover, kaya gawin mo na!" sagot naman nito. Tumingin ako kay Raven para sana humingi ng saklolo, pero ang hudas. Nasa isang gilid lang at tawa nang tawa! So, I guess i don't have a choice. Ibinaba ko na nang bahagya ang brief na suot ko until they see my f*****g hair down there!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
138.2K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
132.9K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
92.3K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
42.4K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.9K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
67.4K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
36.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook