KABANATA LABING TATLO

3430 Words
“Kane?” Nasa sangkapat na bahagi pa lamang ang nalalakad nilang dalawa, at hindi na nakayanan pa ni Keith na manahimik. Bukod sa natatakot siya sa mga presong nakakulong sa gilid ng dinadaanan ng mga paa nila, nabibingi na din siya sa normal na katahimikan ni Kane. Nang marinig niyang humuni si Kane bilang responde, napagpasyahan niyang magtanong. “M-may kapatid ka din ba?” Aniya habang maingat na sinusundan ang mga yapak ni Kane. Kanina pa siya nasa likod nito, animoy nagtatago mula sa kung ano. Walang pasabing tumigil si Kane sa paglalakad, dahilan para mauntog ang mukha ni Keith sa kanyang matigas na likod. Kaagad namang dumistansya si Keith, at inayos ang sarili. Hinimas-himas niya ang namula niyang ilong mula sa pagkakauntog. Mabilis siyang napayuko nang makitang nilingon siya ni Kane. Iritado na naman ito, malamang. “Aso ka ba?” Buryong tanong ni Kane. Nakakuyom pa ang noo nito habang nakatitig sa kanya. Umiling na lamang siya bilang sagot. “Hindi naman pala, eh. 'Wag kang lumakad riyan sa likod ko na parang tuta.” Agad na tumango si Keith, at mabilis na umalis sa likuran nito. Bahagya siyang lumakad papunta sa gilid ni Kane nang may tamang distansya. Napasimangot siya dahil sa init ng ulo nito. Gusto lang naman niyang magtanong, pero parang nakagawa na siya ng kasalanan dahil dito. Hindi na siya pa tumingala, at nagsimula nang maglakad. Nilaro-laro na lamang niya ang laylayan ng kanyang kahel na baro. “Meron.” Bahagya siyang napahinto sa paglalaro sa kanyang baro nang marinig ang malalim na boses ni Kane. Napalingon siya pataas, at nakitang buyrong-buryo pa din ang ekspresyon ni Kane. Hindi napigilan ni Keith na ngumiti nang matipid dahil sa sagot nito. “Ilan?” Lakas loob niyang tanong, nananalangin na hindi ito maiirita sa kanya. Kaswal na lumingon si Kane sa kanya, bago umiling. “Tatlo.” Tumango naman si Keith, at muling yumuko. Sa isip-isip niya, sigurado niyang masaya sila dahil sa bilang nilang magkakapatid. Maya-maya pa ay muling nagsalita si Kane. “'Yong Pulis na kayakap mo noong nakaraang linggo...” Lalo pang lumalim ang boses ni Kane nang maalala, nasaktuhan pang tumango si Keith na para bang walang. “Hmm. Adrian daw pangalan niya, Kane.” Sagot pa ni Keith, na ikina-igting ng mga panga ni Kane. Tiyak na napakatibay ng mga ngipin ni Kane, at hindi nabasag dahil sa gigil niya. Wala namang kaalam-alam si Keith na nagmimistulang galit na toro na ito. “'Yung tukmol na 'yon, kapatid ko.” Usal ni Kane na ikinalingon ni Keith dahil sa gulat. “Woah, ang astig... Si K-kuya din, gusto niya magpulis...” Mahinang ani ni Keith habang tinitingala si Kane. Nanlalaki ang tsokolateng mga mata niya dahil sa paghanga, kahit na kumikirot ang kanyang puso dahil sa alaala ng Kuya Brandon niya. Muling umiling si Kane dahil sa narinig. “Hindi naman tunay na Pulis 'yong mokong na 'yon. Kasa-kasama lang namin 'yon dito.” Kaswal niyang ani, na ikinakunot ng noo ni Keith. “Hindi ba masama 'yong ginagawa niya?” Nalilitong tanong niya, taas-taas ang dalawang kilay, at prenteng nakatabinge ang mukha. Bahagyang tumango si Kane, at nilingon si Keith nang walang emosyon. “Tama ka diyan.” Aniya, habang kaswal na tumatango. Kung titignan nga naman mula sa perspektibo ni Keith, masama nga ang ganitong mga gawain. Magkahalong pagkagulo at pagkagulat ang naka imprenta sa mukha ni Keith. Mulat ang mga mata na hindi malaman kung saan titingin, habang nakakuyom ang noo. Kaagad namang nakuha ni Kane ang reaksyon nito, kaya naman ngumisi siya nang matipid. Mismong katawan na niya ang lumapit, at mabilis na tinanggal ang distansyang naglalayo sa kanilang dalawa. Otomatikong yumuko si Keith dahil sa presensya ni Kane. Para bang may kung anong aura ito na nagpapayuko sa kanya, kada oras na magpapaka dominante ito. Mas lalo namang ngumisi si Kane sa lengguwaheng ipinakita ng katawan ni Keith pagdating sa kanya. Sa di malamang dahilan, inilapit pa ni Kane ang kanyang mukha pababa sa gilid ng kanang tainga ni Keith. Marahan siyang umihip dito, dahilan upang mapabaling si Keith palapit sa kanya. Muli ngumisi Kane, sabay umiling. “Alam mo kung ano 'yung masama?” Marahang bulong ni Kane, at mas inilapit pa ang mukha niya sa tainga ni Keith. Iisang pulgada na lamang ang distansyang namamagitan sa labi niya mula sa tainga ni Keith. Alam niyang damang-dama ni Keith ang kalamigan ng hininga niya. “Kapag hindi ka sumama, iyong mga muntikan nang mangyari sa'yo dito, mas malaki na 'yung tsansang mangyari 'yon nang tuluyan. Sigurado din akong hindi ka magtatagal rito nang wala kami. Gayon pa man, nasa sa'yo pa din ang desisyon.” Nang sandaling matapos magsalita si Kane, kaswal siyang tumuwid nang tayo, at nagsimula muling maglakad. Iniwan niyang estatwa si Keith, animoy nawalan ng lakas para maglakad at sundan siya. Gulat, takot, at pagkalito ang iniwan sa kanya ng mga pananakot na sinambit ni Kane. Para siyang tinakasan ng hininga, nahihirapan irehistro nang maayos ang mga narinig niya. Gaano man kainit sa loob nang pasilyo, malamig pa rin ang mga pawis na namuo sa noo ni Keith dahil sa labis takot. Halos sumigaw siya nang may sumitsit sa bandang likod niya. May isang presong tumatawag sa kanya, habang tumatawa. Sumabay naman ang mga kasamahan nito sa piitan, kaya mas lumakas pa ang pagsitsit sa direksyon niya. Tuluyan nang nawala ang kulay ng balat ni Keith, kasabay ng pagputla ng mga labi niya. Dahan-dahan siyang lumingon papunta kung saan naroon si Kane, naglalakad papalayo sa kinatatayuan niya. Pilit na huminga si Keith nang malalim, at lakas loob na inaya ang mga paa na maglakad. Kung gaano kalakas ang sitsit ng mga preso, ganon rin kalakas ang pagtambol sa kanyang dibdib. Pinilit niyang sinimulan maglakad, unti-unting iniyapak ang mga paa niya. “K-kane...” Kapos hininga niyang usal. Gusto niyang isigaw rito na hintayin siya. Natatakot, at nahihirapan huminga. Unti-unti niyang binilisan ang pagyapak, hanggang sa ilang talampakan na lamang ang namamagitan sa kanila. Maya-maya pa, ay nilingon na siya nito. Kaagad na nagulat si Kane nang makita ang kalagayan ng binata. Takot. Muling napakwestiyon si Kane sa sarili kung ilang taon na nga ba si Keith, at ganoon na lamang tanggapin ang mga sinasabi niya. Napailing siya sa dismaya, at huminto sa paglalakad. Hinintay niyang makalapit ito sa kanya. “Tsk...” Nang makaabot ito sa kanya, otomatiko niyang ipinatong ang kanang braso niya, palibot sa balikat ng binata. Lumingon pa ito sa kanya nang may takot sa mga mata, bago yumuko, at tumingin sa mga paa. “Masyado kang nerbyoso.” Buryong ani ni Kane, at nagsimulang maglakad. Bahagya niyang hinihila si Keith, gamit ang braso niyang nakapatong sa balikat nito. “Kung sasama ka sa'min, huling kain mo na 'to sa loob ng bilangguan. Pero kung hindi naman, baka ikaw na ang susunod na magiging pagkain ng mga preso dito. Hindi ako nagbibiro.” Pagpapaliwanag niya, na mas ikinangatog ni Keith sa takot. Kagat-kagat na ng takot na binata ang pang-ibabang labi niya, pinipigilan gumawa ng ano mang ingay. “Ano, sasama ka ba? Hindi ba gusto mo makapagtapos ng pag-aaral?” Dagdag na tanong pa ni Kane, at bahagyang hinihila si Keith palapit sa kanya. Mas lalo lamang lumakas ang pagkabog ng dibdib ni Keith dahil sa lapit ng katawan nila sa isat-isa. Ramdam niya ang init na ngayon ay pumapalibot na sa kanyang balikat, pababa sa kanyang gilid. Nanliit siya nang tuluyan dahil sa laki ng katawan ni Kane. Hanggang dibdib lang talaga ang inabot ng taas niya. Hindi niya maiwasang malanghap ang maskuladong amoy ni Kane. Tunay na ngang nalimutan ni Keith ang katanungan ni Kane. Blangko na ang utak ni Keith sa kakaisip. Tumango-tango na lamang siya sa kung anong sinasabi ni Kane. Nang makalabas na sila sa pasilyo ng piitan, sinalubong sila ng dalawang pulis. Bawat isa ay may hawak-hawak na batuta, at may pangkuryente pa sa gilid ng sinturon nila. Tinignan lang sila ng dalawang pulis, sabay tumango, at tuluyan silang pinadaan. Nakapagtataka para sa kagaya nilang mga preso. Bahagyang yumuko si Kane, at kaswal na binulungan si Keith. “Huwag kang aalis sa tabi ko. Baka kung san ka na naman mapunta.” Nang makatapak sila sa kapiterya ng bilangguan, natural na magulo't maalinsangan ang nasaksihan nila. Hindi mabilang ang mga presong naglalagi sa loob. Nagtatawanan habang kumakain. Hindi na lumingon pa si Keith sa takot, at nagpadala na lamang sa pangunguna ni Kane. “Nasan na ba 'yong dalawang mokong...” Iritadong tanong ni Kane. Nakapagtataka't wala ang magnobyo sa karaniwang inuupuan nila. “Maupo ka na lang muna dito.” Saad ni Kane, na ikinalingon ni Keith. “K-kane, san ka pupunta?” Kaagad na tanong ni Keith nang bitawan siya ni Kane. Dahan-dahan siyang umupo, nang hindi inaalis ang paningin kay Kane, na parang bang mawawala ito bigla. “Hahanapin ko lang 'yong dalawa.” Tugon ni Kane nang may paniniguro. Kitang-kita niya ang biglaang takot na namuo sa mga mata ni Keith. Tumango na lamang si Keith, at yumuko. Alam niyang nariyan pa din si Kane, nakatingin at naiirita sa kanya. Nang maramdaman niyang umalis na ito, agad na kumabog ang dibdib niya. Mas lalo pa siyang yumuko, at nilaro-laro ang laylayan ng kanyang kahel na baro. “Psst! Bata!” Sitsit ng isang preso mula sa isang pangkat ng mga upuan, ilang talampakan lang ang distansya sa kanya. Nagsimulang mangatog ang kamay ni Keith sa takot. Hindi na niya sinubukan pang lumingon paitaas, at nanatiling nakayuko. Kaagad na napansin ng preso, kaya naman mas lumakas pa ang pagsitsit nito. “Hoy! Bata! Psst!” Lalong nanliit si Keith sa kanyang kinauupuan. Tahimik siyang nagmakaawa na tumigil na ang preso, ngunit mas lalo lamang itong lumakas. Todo ngisi ang preso nang makita ang kalagayan ng binata, kaya naman naglakas loob itong tumayo. Papalakad pa lamang ito nang may humampas na isang bakal na trey sa kanyang ulo. Gumawa iyon ng ingay na nagpaalarma sa mga preso. Sa lakas ng pwersa ng pagkakatama, ay nayupi ang trey na tumama sa ulo nito. “Aray! Puta! Sinong bumato non?!” Untag ng lalaki, habang hawak-hawak ang parte ng kanyang ulo kung saan tumama ang bakal na trey. Nanlilisik pa ang mga mata nito nang bahagyang tumama ang kanyang paningin sa lalaking bumato ng trey sa kanya. Walang binatbat ang nanlilisik nitong mga mata sa napakalamig na titig ng lalaki sa kanya. Mabilis itong napaatras nang makitang may dalawa pang lalaki sa likod nito, ganon rin kasama ang titig sa kanya. Tila nagliwanag ang mga mata ni Keith nang makita ang tatlo. “Isang sitsit mo pa diyan, tatanggalan kita ng dilang putangina ka.” Angil ni Kane sa preso, blangko ngunit nakakakilabot ang boses nito. “Bumalik ka na sa upuan mo, o baka naman gusto mong gumapang pabalik. Tutulungan kita.” Dagdag pa ni Kane, na ikinagalit ng preso. Lumingon muna ang pikon na preso kay Keith, bago tuluyang bumalik sa upuan niya. “Loko 'yon, ah. Sampolan ko na ba? Pasalamat siya hawak-hawak ko yung tanghalian na'tin.” Hindi makapaniwalang wika ni Shane, na ikinatawa naman ni Jake. “'Wag na, Babe. Gutom na 'ko.” Hagikhik ni Jake, at bahagyang hinila ang nobyo papunta sa upuan nila. Silang dalawa na ang nagbitbit ng tanghalian nilang apat dahil sira na ang trey na gamit nila. Nginitian lamang sila ni Keith na parang walang nangyari. Tunay ngang nasasanay na siya sa sistema ng bilangguan na ito. “Kainan na!” Masiglang ani ni Jake, at isa-isang binigay ang tanghalian nila. Tahimik namang naupo si Kane sa tabi ni Keith. Hindi maiwasan ni Kane na lumingon sa binata. Agad siyang napapikit sa inis, at huminga nang malalim. Hindi na nila pa pinagusapan ang nangyari, at kaswal na kumain. Tag iisang binti ng inihaw na manok, at tag iisang mangkok ng kanin, kasama ng tag iisang bote ng tubig. Ganon na lamang kainggit ang mga preso sa pagkain nila. Kung sa kanila, ay pangkarinderya, ang sa mga preso nama'y tag iisang mangkok ng lugaw. Nakapagtataka't walang gustong gumalaw sa kanila. Ngunit kada maiiwan si Keith mag isa, nagsisilabasan ang mga preso. Mga presong takam sa init ng laman. —__— Natapos na silang mananghalian nang puno ang mga sikmura. Hindi na sila nakapag pahinga dahil sa karaniwang anunsyo ng pulis, tungkol sa lilinisin nila. Ngayon araw ay naatasan silang maglinis sa kulungan ng mga baboy at kambing. Halong inis at gigil ang namumutawi sa mukha ni Kane nang marinig ang anunsyo, ngunit nanatiling siyang tahimik. “Konti na lang, makakalabas na din tayo sa mabahong piitan na 'to.” Tahimik, ngunit masiglang wika ni Jake, may kasama pang pangingiliti sa Kanyang nobyo. Sinamaan naman siya ng tingin ni Shane. “Malinaw ang kasunduan na'tin, Jake, ah. Kapag nalaman ko lang na nadungisan 'yang kamay mo, hindi mo na talaga 'ko makikita.” Anito sa kanyang nobyo. Mabilis na tumango si Jake, at sumaludo pa kay Shane. “Yes, boss! Ayoko kayang matulog nang wala ka sa tabi 'ko.” Nakangising tugon niya, ngunit naninigurado ang kanyang tono. Napailing si Shane dahil sa inaasal ng nobyo, bago liningon si Keith. Nakita niya itong nakangiti sa kanya. “Mukhang maganda ang gising na'tin, Keith, ah.” Kaagad na naginit ang mga pisngi ni Keith nang maalalang nakatulog nga siya. “Mm, salamat sa pagkain.” Aniya. Kanina lamang, ay nalaman niyang sina Shane ang may dahilan kung bakit masarap ang kinakain nila araw-araw. “Tama na ang pagdadaldal. May lilinisin pa tayo.” Buryong angal ni Kane. Tumayo na siya upang maglakad, at hindi na hinintay pa ang tatlo. Nagulat naman ang magnobyo sa inakto ni Kane. Sabay nilang nilingon si Keith, at nakitang nakayuko ito. “Anyare don?” Pagkunot noo ni Shane, at tumayo na din. “Tara na, Keith?” Mahinahong anyaya ni Shane, na ikinatango ni Keith. “Mm.” Di kalaunan, ay narating na nila ang parte ng kulungan kung saan sila naatasang maglinis. Kasakasama ang isang pulis. Hindi maiwasan ni Keith na mapatingin sa pulis. Ngayon niya lamang napagtanto na may hawig ito kay Kane, ngunit mas maputi lang ito at matangkad nang kaunti. Matipuno, at maganda ang pangangatawan nito. Kitang-kita ito nang kahit na sino dahil sa suot nitong unipormeng pampulis. Mula sa maskuladong mga braso nito, pababa sa mamasel-masel na mga binti, ay perpekto. Kung gaano kaumbok ang mga masel nito sa katawan, ganoon rin ang tinatagong batuta nito. Gayon pa man, nanatiling malinis ang utak ni Keith, at sa gwapong mukha lamang nito siya nakatingin. Halos maputol ang hininga niya nang mahuli siya nitong nakatingin. Napayuko pa siya nang kindatan siya nito. Bumuntot na lamang siya sa likod ni Shane, at nakinig sa mga sinasabi nito. Sa kalagitnaan ng sinasabi nito, naisipan ni Keith na sabihin ang desisyon niya. “S-shane?” Bahagyang ngumiti si Shane sa kanya, habang sinosuot ang pares ng guwantes sa mga kamay niya. “Hmm?” Muling naginit ang mga pisngi ni Keith. Hindi siya mapakali, sapagkat hindi niya din alam kung paano isasaboses ang desisyon niya. Napasinghay muna siya bago humugot ng lakas na magsalita. Napagdiskitahan pa ng kanang paa niyang sipa-sipain ang maliliit na bato sa harap niya. Mas lalo lamang siyang nagmukhang bata sa inaakto niya. “S-shane, sama 'ko... Sama 'ko sa i-inyo...” Nagulat, at halos umatras si Keith nang bigla na lang tumili si Shane nag pagkalakas-lakas. Mabilis siya nitong niyakap, habang patalon-talon pa. Hindi na lamang siya gumalaw, at hinayaang yakapin siya. Muli itong tumili nang bitawan siya nito. “OMG! Jaaake! Kaaane! Sasama daw si Keith sa'tin!” Mahina, ngunit masiglang anunsyo ni Shane. Pumapalakpak pa ito sa sa tuwa. Umiling naman si Kane sa inakto nito. “Alam ko.” Bulong niya sa sarili. Bahagya siyang napatingin kay Keith, at nakitang nagsusuot na ito ng guwantes. Nakalabas pa nang kaunti ang dila nito dahil sa sobrang pokus. Mabilis na umiwas si Kane ng tingin dito nang maramdaman niyang ngumingiti na siya nang pasikreto. “Tara dito, Keith! Dahil na kukyutan ako sa'yo, tulungan na kitang maglinis.” Kaylaki ng ngiting namumutawi sa mukha ni Shane. Tuwang-tuwang siya sa desisyon nito. Tumango naman si Keith, at agad na binitbit ang galon ng sanitizer, kasama ng mga basahang gagamitin nila. Kinurot-kurot pa ni Shane ang pisngi niya, bago sila tuluyang nagsimula sa paglilinis. Hindi na iniinda ni Keith ang masangsang na amoy ng mga dumi. Bagkus, ay napangiti pa siya dahil naalala niya ang dati nilang mga alagang hayop. Habang naglilinis ng mga damo at dumi ang si Keith at Shane, abala naman si Jake at Kane sa pagkukumpuni ng mga kulungan, at pagbubuhat ng mabibigat na mga piraso ng troso. Nanatili namang nagmamasid ang pulis, Adrian kung tatawagin. Hindi para bantayan sila, kundi ay bigyan sila ng signal para sa susunod nilang hakbang. ——__—— Halos kalahating oras na silang naglilinis nang may dumating na tatlo pang pulis. Tulong-tulong sa pagbitbit ng isang bagay na nakasako. Sumaludo muna ang mga ito kay Adrian, bago nila inilapag ang sakong naglalaman ng kung ano sa sahig. “Heto ang tip niyo, oh. Nababad ba ito nang maayos?” Mahinang tanong ni Adrian sa tatlong pulis, habang isa isang inabot ang tatlong puting sobre. Ngumisi naman ang tatlo sa kapal ng sobreng natanggap nila. “Oo naman, Boss. Tanggal na din ang dalawang kamay at paa. Wala nang mga ngipin, buhok, mata, pati na rin dila. Sakto lang ang height, lulong rin sa droga. Susunugin na lang...” Kaswal na pinaliwanag ng pinaka matangkad sa tatlo. Nakangiti pa ang mga ito. “Job well done pala. Nasaan ang mga uniporme at ID?” Dagdag pa ni Adrian. Iniabot naman ng isang pulis ang isang itim na bag sa kanya. “Pang kolehiyo 'yang mga uniporme at ID. Walang mga pictures, hindi naman mahalaga. Nakahanda na din yung van na gagamitin niyo. May ID at lisensya ka na din riyan sa loob. Ikaw na ang mag da-drive sa kanila, Boss.” Prenteng tumango si Adrian, at tinignan ang laman ng bad. Nang makitang kumpleto ito, muli niyang tinignan ang tatlong pulis. “Kapag nalaman kong sumingaw ito sa kahit na sino, o may makaalam nito, kayong tatlo lang ang hahanapin 'ko. Hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko sa inyo. Maliwanag ba? Atsaka, dalhin niyo na 'yang bangkay sa kuwarto nila. Alam niyo naman yung number, 'di ba?” Halos lumamig ang paligid dahil sa lalim at kamandang ng boses ni Adrian. Blanko ang mga mata niya, ngunit hindi nila ito magawang tignan. “Yes, Boss!” Sabay-sabay na tugon ng tatlong pulis. Yumuko pa ang mga ito, bago umalis. Nagmasidmasid muna si Adrian sa paligid. Nang makita niyang wala namang nakatingin, sinitsitan niya ang nakababata niyang kapatid. “Psst! Kulugo!” Nakuha naman ito agad ni Kane, kaya naman sinamaan niya ito ng tingin. Hindi niya na sana ito papansinin, ngunit nahagip ng mga mata niya ang nakahandusay na nakasako sa sahig. Agad niyang iniwanan ang ginagawa, at lumapit kay Adrian. “Kumpleto na ba?” Mabilis na tanong niya, na ikinatawa nito. “Yung mga gamit, oo, pero kailangan pa rin na'tin ng planong masusundan.” Pagpapaliwanag nito, pailing-iling pa na ikinainis naman niya. “Anong plano naman 'yang naiisip mo? Tigilan mo 'ko sa ngiti mong 'yan.” Pag aalburuto niya. Mas lalo lamang itong natawa. Hindi naman na nagsayang ng oras si Adrian, at ibinahagi na niya ang planong naiisip niya. Nang matapos niyang ipaliwanag ang plano, sinamaan siya ng tingin ni Kane, at napapikit pa sa gigil. “Wala ka na bang naiisip na ibang plano? Buwiset.” Pag angal niya, at umiling lamang ito sa kanya. Tinapik muna siya nito sa kanang balikat niya, bago tinawag ang tatlo. “Kayong apat, maligo na kayo, at suotin niyo itong mga uniporme.” Kaagad na tumigil ang tatlo sa paglilinis, at lumapit sa kanilang dalawa. “Sumunod kayo sa'kin.” Hindi pa din makapaniwala si Kane sa planong naisip ng magaling niyang Kuya. Pupwede namang si Jake at Shane na lang ang gagawa dahil mag nobyo naman sila. Pwedeng-pwede nila iyong gawin sa isat-isa. Umiling na lamang si Kane, at sumunod na sa kanila. At isa pa, alam niyang may asawa siyang naghihintay sa kanyang pagbabalik. Paano kapag nalaman itong gagawin niya? WARNING: THE FOLLOWING CHAPTER WILL HAVE A SEMI EXPLICIT SCENES, SO BE READY. YOU'VE BEEN WARNED. YES, MAY ASAWA NA PO SI KANE AMOROSO. FIRST TWIST OF THE BOOK. SHARE YOUR THOUGHTS, PLEASE. VOTE|COMMENT|SHARE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD