KABANATA LABING APAT

3430 Words
WARNING: THE FOLLOWING SCENES MAY CONTAIN ILLEGALITIES. REMEMBER THAT THIS IS ONLY A WORK OF FICTION. Kanina pa nagtataka si Keith sa kinikilos ni Kane. Pansin niyang kanina pa ito tingin ang tingin sa kanya, at kung lilingunin naman niya ito, ay biglang iiwas. Napasimangot na lamang si Keith sa inaakto nito. Kanina lamang, ay tinatakot siya nito. Ngunit ngayon, ay hindi man lang nito magawang tumingin sa kanya nang diretso. Maging ang magnobyo din, ay ganon ang inaakto. Titingin sa kanya na para bang may gusto silang sabihin, ngunit umiiwas naman ng tingin kapag nililingon niya. Huling-huli pa nga niya ang nag-aalalang tingin ni Shane sa kanya, kaya naman hindi niya maiwasang mapasimangot. Ang pulis naman na si Adrian, ay kanina pa siya nginingitian. Humagikhik pa nga kapag tumitingin kay Kane. Sinasamaan lamang siya ng tingin ni Kane. Nakakapagtaka. Napasinghay na lamang si Keith, at yumuko na lamang. Hindi kalaunan, ay narating na nila ang paliguan, ngunit nakakapanibago dahil wala ang ibang mga preso doon. Tahimik, nakakatakot, at tanging mahihinang pagpatak lamang ng tubig ang naririnig nila. Hindi maiwasan ni Keith na bumuntot sa likod ni Kane dahil sa katahimikan ng paliguan. “Mauna muna kayong maligo, Jake, Shane...” Kaswal na usal ni Adrian sa magnobyo, atsaka inabot ang dalawang pares ng unipormeng pang kolehiyo. “Pagtapos niyo, suotin niyo yung dalawang ID, nasa loob niyan. Bilisan niyo, at kakailanganin ko kayong dalawa.” Pag iinstruksyon niya, at tumango naman ang dalawa. Nakangising pumasok si Jake, habang inaalalayan si Shane patungo sa isang shower stall. Maya-mayang sumusulyap si Keith sa pulis, naghihintay ng sasabihin nito sa kanila, o sa kanya. “Umalis ka nga diyan sa likod ko.” Buryong utos ni Kane, na ikinagulat ni Keith. “Para kang tuta.” Dagdag pa nito kaya naman umalis siya kaagad sa likod nito, at pumwesto sa gilid nito. Nakatiklop ang mga braso nito, habang nakapikit nang lingonin niya ito. Kitang-kita niya ang nag-iigtingan nitong panga, at kung pano ito suminghap. Nanahimik na lamang siya, at bahagyang tumingin kay Adrian, na nasa kabilang gilid niya. “Hayaan mo na muna 'yang si Kane. Excited lang 'yan umuwi.” Paghagikhik ng pulis habang umiiling. Tumango na lamang si Keith, at nag isip. Sigurado siyang may dahilan si Kane para maging excited sa paguwi. Tiyak niya ding may pamilya itong uuwian. Kabaliktaran niya. Ganon na lamang siguro kaya wala siyang nararamdamang antisipasyong lumabas. Tanging takot lamang ang tumutulak sa kanya upang sumama sa kanila. Napabuntong hininga na lamang siya, at ngumiti nang matipid. Naisip niyang makakalabas nga siya sa loob ng piitan, wala pa din siyang pamilyang uuwian. Wala nang natira sa kanya, kundi ang mga alaalang tiyak na hindi niya makakalimutan. Mama, Papa, Kuya, sorry po. Bulong niya sa kanyang isip, at bahagyang suminghap. Ito na lamang ang magpapagaan sa bigat ng mga bagaheng nasa dibdib niya. Maya-maya pa ay lumabas na ang magnobyo, malinis at nakasuot na ng unipormeng pang kolehiyo. “Parang gusto ko tuloy ulit mag aral.” Nakangiting wika ni Shane, inaayos ang kurbata niya. Ngumiti naman ng kaylaki si Jake sa narinig. “Bakit hindi, Babe? Senior High pa lang naman ang natatapos mo, eh.” Tugon ni Jake, na kaadad na ikinatuwa ng nobyo niya. Pormal at dadalawa lamang ang kulay ng unipormeng suot-suot nila. Binubuo ng pares ng itim na pantalon at tuksedo. Puting long sleeved na polo, at itim na kurbata. Itim na sapatos at itim na pares ng medyas naman ang kumumpleto sa pormal na suot nila. “Sumunod kayo saking dalawa, at naghihintay na sa labas ang van.” Maikling utos ni Adrian. Lumingon muna siya kina Kane, at suminghay. “Kane, aasahan kong susunod ka sa plano. 'Wag kang mag alala, walang magsasabi kay Hanna.” Paninigurado niya sa kapatid. Dumilat naman ito, at sinamaan siya ng tingin. “Siguraduhin niyo lang. Pahina na nang pahina ang katawan niya. Ayoko nang dagdagan pa ang problema niya. Kailangan niyang manatiling malusog sa hanggang sa susunod na buwan.” Angil ni Kane, at kaagad namang tumango si Adrian. Alam niya ang tinutukoy nito. “Oh, siya, sige. Mayrong dalawang pulis na maghinintay sa inyo sa labas, kakilala ko 'yon. Sumunod ka lang sa plano, at wala ka nang poproblemahumin pa.” Pinal niyang saad, at tuluyan nang nilisan ang paliguan kasama ng magnobyo. Napasinghay si Kane nang sila na lang ni Keith ang naiwan sa paliguan. Bahagya niyang nilingon ito, at nakitang nakyuko na naman, at pinaglalaruan ang laylayan ng kahel na baro niya. “Keith.” Usal niya, at pilit na pinapakalma ang sarili. Kaagad na tumigil si Keith sa ginagawa, at tiningala si Kane. Mukhang nasasanay na siya sa buryong mukha nito dahil hindi na siya nagulat. Gayon pa man, hindi pa din niya kayang titigan ito nang matagal. “Heto ang unipormeng susuotin mo. Bilisan mong maligo kung ayaw mong iwanan kita mag isa dito.” Maingat niyang kinuha ang itim na plastik na naglalaman ng uniporme niya. Tumango muna siya bago pumasok sa stall na ginamit ng magnobyo. Huminga muna nang malalim si Kane, at pumasok na din sa kabilang stall upang maligo. Hindi pa din siya makapaniwala sa planong naisip ng magaling niyang kuya. Gusto niya itong sapakin sa mukha sa gigil. Ngunit wala na siyang magagawa kundi sumunod. Gaano man siya nag aalala para sa asawa niya, mas nangingibabaw pa din ang pag aalala niya para kay Keith. Lalo na't may trauma pa ito sa bagay na gagawin niya. Napapikit na lamang si Kane sa inis, at nagsimulang maghubad. Kaagad siyang nagsimulang maglinis ng katawan. Para sa kanya din naman tong gagawin niya, kaya bahala na. Naisip rin ni Kane na hindi naman ganon ka tindi ang gagawin niya. Maglalagay lamang siya ng ilang marka. Iyon lamang. Maya-maya pa, ay natapos na silang dalawa. Kaagad nagbihis si Kane, at mabilis na nilukot-lukot ang puting polo na nasa ilalim ng itim na tuksedo. Ginulo-gulo niya pa ang pagkakatali ng kurbata niya. At nang maisuot na niya ang pares ng itim na sapatos, lumabas kaagad siya ng stall. Napatiklop na lamang siya ng braso, at naghintay sa paglabas ni Keith sa stall. Kanina pa nawala ang tunog ng paglagaslas ng tubig mula sa shower kaya naman alam ni Kane na tapos na ito maligo. Tiyak niyang nagbibihis na ito. Ilang segundo pa, at lumabas na si Keith, gulo-gulo din ang polo nito. Halos hindi pa ito magkanda ugaga sa pagsuot ng kurbata. Gustong matawa ni Kane sa nakikita, ngunit hindi iyon ang tamang pagkakataon. Napagtanto niyang hindi ito marunong ng tamang pagtali ng kurbata, at nakita niya pang hindi naka pasok ang laylayan ng polo nito sa kanyang pantalon. “Itigil mo nga 'yan.” Mahinang usal ni Kane, ngunit sapat para marinig ni Keith. “Kane...” Nahihiyang ani ni Keith. Ang pagkakarinig niya kanina, ay uniporme ng mga kolehiyo ang susuotin nila, pero heto ang binigay sa kanya. Masyadong kumplekado. “Halika dito. Pati ba naman 'yan, hindi mo kayang gawin. Tsk.” Kaagad na lumapit si Keith, at nahihiyang tumingin kay Kane. “Ipasok mo yung laylayan sa pantalon mo.” Utos ni Kane, na kaagad naman niyang sinunod. “Tanggalin mo 'yang dalawang butones——Gawin mo na palang tatlo.” Dagdag ni Kane, at sinunod rin kaagad ni Keith. Prenteng nakasilip ang halos porselanang kutis ni Keith dahil sa ayos ng kanyang polo. “Luwagan mo 'yang pagkakatali ng kurbata...” Pareho na sila ng itsura nang matapos iyong gawin ni Keith. Gulo-gulo at gusot-gusot ang kanilang suot na uniporme. “Lumapit ka pa sa'kin. Bilisan mo. Tumatakbo ang oras.” Walang kaide-ideyang lumapit sa kanya si Keith, hanggang sa iilang pulgada na lamang ang pumapagitan sa kanilang dalawa. Hinintay ni Keith ang susunod nitong utos, ngunit wala siyang narinig mula dito. “Pumikit ka.” Bukod roon, wala na siyang narinig pa mula kay Kane, kaya naman pumikit na lamang siya. Ayaw niya itong mainis, at baka iwan pa siya nito mag isa. Ilang segundo nangibabaw ang katahimikan sa kanilang dalawa. Wala kumikibo hanggang sa bigla na lamang naramdaman ni Keith na pumulupot ang maskuladong braso ni Kane sa baiwang niya. Sa sobrang pagkabigla niya, isang sinok ang lumabas mula sa kanyang bibig, kaya naman mabilis siyang napadilat. Naging mekanismo na ng kanyang katawan iyon simula pagkabata. “K-kane...” Aniya, ngunit huli na nang maramdaman niya ang mainit na hininga nito sa kanyang kanang tainga. Dahil doon ay nangatog ang kanyang mga tuhod. Tuluyang nanghina ang katawan niya sa biglaan nitong inakto, kaya naman napakapit na lamang siya sa balikat nito upang hindi matumba. “H'wag kang gagalaw.” Mahinang tugon ni Kane, at tuluyang isinagawa ang plano nila. Unti-unting bumaba ang mukha niya hanggang sa mismong labi na niya ang dumapo sa ilalim ng panga ni Keith. Kanina niya pa nalalanghap ang mahalimuyak na aroma ni Keith. Amoy presa. Gabi-gabi niya itong nalalanghap, ngunit sinosurpresa pa din siya nito sa bango. Hinigpitan niya muna ang kapit sa baiwang nito upang hindi na magpumiglas, bago idiniin ang labi niya sa leeg nito. Narinig niya itong suminghap, ngunit hindi ito nagpumiglas. Unti-unti niyang pinaulanan ng halik ang parte ng balat na iyon. Ramdam na ramdam niya ang panginginig ni Keith sa kanyang bisig, kasabay ng paghigpit ng mga kamay nito sa kanyang balikat. Patuloy niyang pinamula ang parte na iyon, at banayad niyang kinagat-kagat. Gusto niyang dahan-dahanin ito, ngunit limitado ang oras na nalalabi. Mas mabilis niya itong gawin,mas mabilis silang makakaalis. “Ahh——K-kane.” Nagsimulang dumaing si Keith dahil sa pagsisip rito ni Kane, lalo na nang maramdaman niya ang pagkagat nito. Kaagad naman iyong tinigilan ni Kane. Naghahabol hininga si Keith nang sandaling tumigil si Kane sa pag asulto sa kanyang leeg. Ngunit hindi iyon nagtagal dahil muling lumapit si Kane, at tuluyang minarkahan ang balat niya. Sa pagkakataong iyon, kung ano-ano nang dumadaloy sa katawan ni Keith. Parang may kung anong boltahe ng kuryente ang walang tigil na dumadaloy sa balat niya, na kada magtatama ang labi ni Kane at balat niya, napapasinghap siya. Bigla na lamang siyang nakaramdam ng sobrang pag-iinit ng kanyang katawan. Hindi niya ito maintindihan dahil kakaligo lamang niya. Masyado nang blangko ang isip niya sa oras na iyon, at ang tanging nagawa na lamang niya, ay kumapit sa balikat nito, suminghap kada kakagatin siya nito, at pigilan ang impit na tunog na bigla-bigla na lamang lumalabas sa kanyang bibig. Kakaihi niya lamang ngunit nandyan na naman ang antisipasyon para umihi. Hindi na bago sa kanya ang ganitong tagpo, ngunit ngayon lamang niya naramdaman ang init at kiliting naibibigay non. Ngayon lamang niya naramdaman ang kuryenteng dinudulot ng kapusukan ng katawan. “Haaa...K-kane...” Kapos hininga niyang usal, at pilit na hinigpitan ang kapit sa braso nito. Nang sandaling tigilan siya ni Kane, nakaramdam siya ng takot dahil baka matumba siya sa sahig. Hingal na hingal itong yumakap sa kanya, na para bang naramdaman nito ang pagkatakot niya. “Kinailangan kong gawin iyon para makalabas tayo.” Hingal na ani ni Kane, at lalo pang hinigpitan ang pagkayap kay Keith. Wala siyang natanggap na tugon mula kay Keith, kundi ang pagburo nito ng mukha sa kanyang dibdib. Tiyak niyang nangalay ito sa tagal nilang nakatayo. Hinintay niya munang kumalma ang sistema nilang dalawa, at ipinagdasal na hindi ito mag gitla. Totoong kinailangan niya iyong gawin para magmukha silang maynobyong nahuli dahil sa illegal na pagpapakita ng kapusukan para sa isat-isa sa publikong lugar. Iyon ang naisip na plano ng siraulo niyang kuya. Nang sandaling pumantay na ang paghinga nila, unti-unting binitawan ni Kane ang baiwang ni Keith. Nakakapit pa din sa kanya si Keith nang sandaling iyon, kaya naman nakaramdam agad siya ng pagsisisi. Lalo na nang makita niya ang mga mapupulang markang iniwan niya sa leeg ni Keith. Gusto niyang humingi ng kapatawaran, ngunit hindi niya alam kung papaano. At higit sa lahat, limitado ang oras. Si Keith naman sa kabilang banda, ay hindi makapaniwala sa nararamdaman niya. Lahat iyon ay bago sa kanya. Ganon na lamang ang epekto sa kanya dahil buong buhay niya, hindi siya nakaramdam ng mga ganitong bagay. Tiyak na sa nailalabas lamang niya ang init ng katawan sa gitna ng kaniyang pagtulog (Wet Dreams) kaya ganon na lamang ka bago ang nararamdaman niya. Mabilis na nag init ang mga pisngi niya dahil sa kaba at hiya. Dahan-dahan siyang bumitaw sa pagkakakapit niya sa balikat ni Kane, at yumuko. Mas lalo pang namula ang nga pisngi niya nang makita ang munting umbok sa kanyang itim na pantalon. Dahil doon, ay napatalikod siya nang mabilis. Nagpasalamat na lang siya, at hindi iyon nakita ni Kane. “Ano pang ginagawa mo diyan? Tara na't baka maiwan tayo.” Nagtatakang wika ni Kane dahil sa biglaan niyang pagtalikod. “S-sandali lang, K-kane...” Mahinang tugon ni Keith, at pilit na tinakpan ang bukol sa kanyang pantalon. Narinig niyang inismiran siya nito, kaya naman mas lalo pa siyang kinabahan. Dali-dali niyang hinubad ang itim tuksedo niya, at mabilis na ipinulupot sa kanyang baiwang. Napasinghay siya nang matakpan niya iyon. Napayuko na lamang siya sa hiya, at maingat na hinarap si Kane. “Ayos ka na ba?” Kaswal na tanong nito sa kanya, kaya naman mas lalo pa siyang nahiya. “Mm.” Tipid na tugon niya, at tumango. Hindi niya alam kung paano pa niya ito lilingunin nang hindi namumula sa hiya. “Tara na.” Muli siyang tumango, at sumunod rito. Buti na lamang, at nagmamadali sila. Wala siyang kaide-ideya sa mapupulang mga marka sa leeg niya. Ang tanging alam niya, ay medyo makirot ito. ——__—— Nagsisimula nang mag alala si Shane dahil ilang minuto nang nakalipas simula nang iwan nila ang dalawa sa paliguan. Hindi na din siya nakapagtiis, kaya naman lumabas na siya mula sa itim na van, at kaswal na lumakad papunta sa entrance ng istasyon. Tulog ang nobyo niya kaya naman nakalabas siya nang walang kahirap-hirap. Nang marating niya ang pangunahing seksyon ng istasyon, sinalubong siya ni Adrian, taas-taas ang makapal na kilay nito. “Anong ginagawa mo dito?” Napatiklop na lamang si Shane ng braso, at nilingon-lingon ang paligid. “I checheck ko sana sina Keith. Ilang minuto na kase.” Mahinahon, ngunit nag aalala niyang tugon. Kagat-kagat na niya ang pang ibabang labi dahil sa kaba. “Nandyan na, kausap ng dalawang pulis. Nahuli kasing nag memake out sa labas.” Nakangising paliwanag nito, na kanya namang ikinalito. “Anong pinagsasabi mo? Make out? Atsaka, nasa loob pa sila, tapos nahuli sa labas?” Walang ideyang tanong ni Shane. Mas lalo lamang uminit ang ulo niya nang tawanan siya nito. “'Wag kang mag alala, scripted 'yon. Galing sa napaka talino kong utak. Pasalamat kayo, pumayag akong isama 'yang bata niyo.” Umiling-iling ito, at humagikhik. Sakto namang lumabas ang dalawa, kasama ng isang matabang pulis. Agad na nakaramdam si Shane ng ginhawa nang makita si Keith at Kane na maayos. Napangiti na lamang si Shane nang makitang nakayuko na naman si Keith, na para bang napakagandang tanawin ng sahig. Napansin din niyang suot-suot niya sa balikat ang tuksedo ni Kane.Dahil don, ay hindi niya nakita ang mapupulang marka na ginawa ni Kane. Si Kane naman ay naroon sa kanyang likod, nakatiklop ang braso, at buryong-buryo na naman sa mundo. “Keith, tara na?” Nilapitan niya agad si Keith, at masigla itong inakbayan. Bahagya itong tumingin sa kanya, at tumango. “Mm.” “Awwe.” Muling napangiti si Shane, at kinurot-kurot ang kanang pisngi nito. “Bakit ang tahimik mo, Keith? Pinagalitan ka na naman ba ni Kane?” Pabirong tanong niya, at sinamaan ng tingin si Kane. Inismiran lamang siya nito, at nauna nang lumakad papunta sa labas ng istasyon. Umiling-iling naman si Keith sa kanya, at palihim na ngumiti. Nag iinit na naman ang mga pisngi niya dahil sa nangyari kanina. “Buti naman. Kokotongan ko sana para sa'yo, eh. Sabihin mo lang sa'kin.” Bigla na lamang humagikhik si Keith dahil sa sinabi niya. Mas lalo pang lumapad ang ngiti ni Shane dahil sa hagikhik nito. “Tara na nga! Seryoso kaya ako. Kahit hindi ko abot yon, tatalunin ko!” Kunwaring inis na saad ni Shane, at tuluyang iginaya si Keith palabas ng istasyon. ——__—— “Mga isang oras rin ang tatagalin ng byahe. Matulog muna kayo kung gusto niyo.” Pag-aanunsyo ni Adrian na nasa harapan nakaupo. Kagaya nila, nakauniporme din ito, ngunit pang personal na guard. Sa tabing upuan niya, ay nakaupo naman si Kane, walang imik, at nakatiklop pa din ang braso. Panigurado ay galit pa din ito sa sarili niya dahil sa nagawa. Sa pangalawang sekyon naman ng upuan ay mag isang nakaupo si Keith, at tahimik na nilalaro ang laylayan ng itim niyang tuksedo. Tatabihan sana siya ni Shane, ngunit nakayakap kaagad sa kanya ang nobyo. Dahil sa tahimik, ay hindi maiwasan ni Keith na mag-isip. Hanggang sa naglakas loob siyang magtanong. “K-kane?” Panimula niya, ngunit nangangatog na siya. “Oh?” Maikling tugon nito, at hindi man lang lumingon. Sumingit naman si Adrian, at ngumiti. “Ano 'yon, Keith? Gusto mo ng tubig?” Pag aalok nito, kaya naman mabilis siyang umiling. “I-ilang oras pala p-papuntang Mt. Señor?” Hindi niya alam kung naiintindihan siya nito, ngunit gusto lamang niya makasiguro. “Hindi doon ang pupuntahan na'tin. Sasama ka sa'min, hindi ba?” Mahinang tugon ni Kane, ngunit tama lang para marinig niya. “Oh, baka naman gusto mong umuwi mag isa? Sigurado din akong wala ka nang uuwian.” Napayuko na lamang si Keith sa hiya. Bakit nga ba niya naisip na mayroon pa siyang uuwian? Timid na tango na lamang ang tugon niya, at muling bumalik sa tahimik niyang mundo. Wala nang nagsalita pa, at tanging tunog lamang ng air conditioner ang namumutawi sa loob ng mamahaling sasakyan. Mga ilang minuto pa ang lumipas nang walang umiimik sa kanila. Kalmado ang pagmamaneho ni Adrian, ngunit hindi pa din naiiwasang umalog. Unti-unting nakaramdam si Keith ng pagkahilo, kasabay ng pag ikot ng kanyang sikmura. Hindi siya sanay sa byahe dahil bisekleta lamang ang ginagamit niya pang araw-araw. Bigla na lamang siya nakaramdam ng pagsusuka, kaya naman kaagad niyang tinakpan ang bibig niya. Hindi pa din niya naiwasang gumawa ng tunog, kaya naman napalingon sa kanya si Adrian. “Sabi ko na, eh. Abutin mo 'to.” Natatawang saad nito sa kanya, habang kumukuha ng itim na plastic bag. Napapikit na lang siya sa hiya, at inabot ang hawak nito. Hindi na niya napigilan pang sumuka. Nagmamadali niyang itinapat ang b****a ng plastic bag sa bibig niya, at tuluyang sinuka ang kinain niya. Nagpapasalamat na lang siya at tulog ang tatlo, o ang magnobyo. “Itali mo, at itatapon ko.” Kaswal na saad ni Adrian, na kaagad naman niyang sinunod. Maluha-luha na siya nang matapos sumuka, at medyo namumutla mula sa pagkahilo. “Tsk. Pati ba naman ito.” Nagulat siya nang buryong nagsalita si Kane, at mariin siyang tinignan. Mabilis nitong tinanggal ang sinturong pangkaligtasan, at lumipat sa tabi niya. May dala na itong isang bote ng tubig, at gamot. “Inumin mo para hindi ka magsuka.” Nahihiya man siya, sinunod pa din niya ito para hindi na mainis pa. “Inaantok ka ba? Matulog ka muna. Malayo-layo pa ang babyahehin na'tin.” Pagkatapos niyang uminom, ay mahina siyang nagpasalamat dito. Ipinikit na lamang niya ang pagod niyang mga mata, at sumandal sa kalambutan ng upuan. “Humiga ka, at mahihilo ka sa ayos mong 'yan. Para kang bata.” Iritadong ani nito sa kanya, kaya naman napadilat siya. Lumingon-lingon muna siya kung saan matutulog, ngunit pumalya siya. “Saan?” Mahina niyang tanong, na ikinairita pa lalo ni Kane. “Halika dito. Gusto ko din matulog.” Napakunot noo na lamang si Keith sa sinabi nito. “'Wag na nga. Bahala ka riyan.” Asar na ani nito, sabay tiklop ng braso niya. Asar itong sumandal sa upuan, at pinikit ang mga mata. Napasimangot na lamang si Keith dahil dito, at nilingon ang bintana ng van nila. Kalahating oras na ang nakalipas, at natatawang umiling si Adrian nang lingunin ang dalawa. Parehong tulog, at magkadikit ang katawan. Mahimbing na natutulog si Keith, habang nakasandal ang ulo sa balikat ni Kane. “Magugustuhan 'to ni Hannah. Pfft.” Mahinang ani ni Adrian, at palihim na kinuha ang selpon niya. Mabilis niyang binuksan ito at ipinunta sa camera. “Say cheese.” AUTHOR'S NOTE ENJOY! LET ME KNOW YOUR THOUGHTS! VOTE | COMMENT | SHARE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD