SYRELLE KEYZA ALTAIR POV Kinabukasan, halos sabay kaming nagmulat ng mata ni Carla—at doon namin sabay napagtanto na sobrang liwanag na sa labas. “Carla!” halos mapasigaw ako habang tinuturo ang orasan sa dingding. “Alas-siyete na! Wala pa tayong almusal!” Napabalikwas siya ng bangon, halos matanggal ang kumot na nakabalot sa kanya. “Sy! 8:30 ang pasok ko sa OJT, tapos traffic pa sa ruta ko! Patay!” “Ako nga rin eh! 8:45 ako sa Lee Global!” mabilis kong sagot habang nagmamadaling pumunta sa banyo para maghilamos. Para kaming mga contestant sa reality show na may time limit—si Carla, nagsusuklay ng buhok habang nagbubukas ng bag, ako naman naglalagay ng mascara habang inaabot sa paa ang sapatos. Halos mabangga pa namin ang isa’t isa sa makipot na daanan papuntang kusina. “Wala nang a

