SYRELLE KEYZA ALTAIR POV na ako, nakasakay sa taxi at nakatingin lang sa bintana habang dumaraan ang mga ilaw ng siyudad. Pero sa totoo lang, wala naman akong nakikita. Tulala ako, blanko ang isip pero paulit-ulit na bumabalik ang parehong eksena kanina. “Because I don’t want anyone else looking at you the way Rion did!” “You’re my secretary, Syrelle. And damn it you’re under my watch.” Parang echo na paulit-ulit kong naririnig. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin iyon. Totoo ba ‘yon? Seryoso ba siya? O dahil lang ba sa pride niya bilang boss kaya niya nasabi iyon? Humigpit ang hawak ko sa sling bag ko. Hindi ako mapakali. Ang dami kong gustong itanong pero natatakot akong malaman ang sagot. At higit sa lahat, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Pagdating ko sa bah

