RYKER DAMIEN LEE Isang malalim na gabi. Wala na halos tao sa daan, at ang mga ilaw ng lungsod ay parang bituin na kumikislap sa kalayuan. Nandito kami ngayon ni Niko sa isang bar na madalas naming puntahan kapag kailangan naming magpalamig ng ulo. Tahimik ang paligid, maliban sa mababang tunog ng jazz music na nagmumula sa sulok. Nakaupo si Niko sa harap ko, hawak ang baso ng beer at nakatingin sa akin na para bang may itinatago siyang tanong. Ako naman, abala sa pagikot ng whiskey glass sa kamay ko, pinagmamasdan ang pag-ikot ng yelo na unti-unting natutunaw. “Kanina,” basag ni Niko sa katahimikan, “narinig ko sa mga staff… pinagbabawal mo na raw si Syrelle na kumain sa cafeteria.” Napahinto ako. Napatingin ako sa kanya, malamig ang mata, pero ramdam kong hindi ko siya mabobola. “At

