CHAPTER 15—RULES

1053 Words

SYRELLE KEYZA ALTAIR POV Pagkapasok ko sa opisina, marahan kong isinara ang pinto sa likuran ko. Napalunok ako nang marinig ang click ng doorknob—parang iyon ang naging hudyat na wala na akong takas. Ang opisina ay maluwang, punong-puno ng kahoy na mamahalin at salaming tumatama sa sinag ng araw. Malinis, perpekto, at masyadong tahimik. Halos marinig ko ang kabog ng puso ko. Si Mr. Lee ay nakatayo malapit sa lamesa, nakatalikod habang inaayos ang cuff ng kanyang manggas. Ang tindig niya ay matikas, parang bawat galaw ay kalkulado. Nang humarap siya sa akin, diretso ang titig niya—malamig, matalim, at walang bakas ng kahit anong emosyon. “Miss Altair,” panimula niya, mababa at mariin ang boses, “bago ka magsimula dito, may ilang bagay kang dapat tandaan.” Tumango ako nang bahagya, halo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD