SYRELLE KEYZA ALTAIR POV Nang makauwi ako sa bahay, halos sabay ng pagbukas ko ng gate ay agad na akong sinalubong ni Carla. Nakaupo siya sa may pinatuan, at nang makita akong paparating, parang batang tumakbo papunta sa akin. Halos mabitawan ko ang bag ko dahil sa sobrang pagka-excited niya. “Bakit ganyan ang mga tingin mo?” tanong ko, nakakunot ang noo habang pinagmamasdan ang nakangisi niyang mukha. “Wala lang,” mabilis niyang sagot, pero halata namang gigil na gigil siya. “Excited lang akong malaman kung anong nangyari. Nagkita ba kayo ulit?” Napataas ang kilay ko. “Sino?” tanong ko, kunwari ay wala akong ideya. Umikot ang mata niya na parang hindi makapaniwala sa pa-inosente kong sagot. “Sino pa ba? Edi ’yung poging masungit na CEO ng Lee Global Enterprises!” Napairap ako at pi

