NIKO POINT OF VIEW Kanina pa ako hindi mapakali mula nang makita kong lumapit si Rion kay Syrelle. Sa una, akala ko simpleng bati lang yung tipong kamustahan ng magkaopisina pero nang makita ko na tumagal na ang usapan nila, ramdam ko na may mali. Ang masama pa, kitang-kita kong nagiging komportable na si Syrelle sa kanya. May halong tawa, may seryosong palitan ng tingin, tipong parang hindi lang basta trabaho ang pinag-uusapan. Napahawak ako sa sentido ko. Naku po, patay tayo dito. Alam ko ang reputasyon ni Rion hindi siya basta empleyado lang. Mayabang din minsan, pero mahusay. At isa pa, hindi lingid sa akin na may kakayahan siyang makuha ang loob ng mga tao. Isa siyang tipong madaling pagkatiwalaan, at kapag nakapagbukas na ng personal na bagay ang isang tao sa kanya, mabilis itong

