SYRELLE KEYZA ALTAIR POV Sa cafeteria ako kumakain ngayon, simple lang isang tray ng adobo, kanin, at juice. Habang iniikot ko ang tinidor, iniisip ko pa rin yung dami ng ipinagawa sa akin kanina. Para bang hindi ako OJT student, kundi full-time na empleyado. Grades lang kapalit nito, Syrelle, kaya tiisin mo. Tahimik akong kumakain nang bigla kong marinig ang pamilyar na tawa mula sa entrance ng cafeteria. Pag-angat ng tingin ko, si Niko. Pero teka lang hindi normal na tawa. Para siyang… ewan, parang baliw na natatawa mag-isa. Napakunot ang noo ko. Ano na naman kaya ang kalokohan ng taong ‘to? Hawak-hawak niya yung tray ng pagkain niya pero hindi matigil ang ngisi, parang may iniisip na sobrang nakakatawa. Dumaan siya malapit sa table ko at nang mapansin ko, agad kong sinipat ang mukh

