CHAPTER 3—REKLAMO

1025 Words
SYRELLE KEYZA ALTAIR POV Pagkatapos ng orientation, nagsimula nang isa-isang tawagin ng HR ang mga pangalan para sa final department assignment. Habang hinihintay ko, kinakabahan ako at pinipigilan ang paa ko na mag-tap sa sahig. Pakiramdam ko, bawat pangalan na hindi ko naririnig ay nagpapahaba lang ng kaba sa dibdib ko. “Altair, Syrelle. Marketing Department,” sabi ng HR lady na nakangiti pero parang may alam sa hindi ko pa naiintindihan. Bago pa ako makapag-react, nadugtungan niya agad. “Pareho kayo ni Miss Reevana.” napako sa kinatatayuan ko talagang kasama ko sya seryoso na to. Mula sa gilid ng paningin ko, nakita ko si Reevana na mabagal na tumingin sa’kin, sabay ngiting peke at taas-kilay. Hindi niya kailangang magsalita — ramdam ko na agad ang sasabihin ng mga mata niya: Good luck surviving with me around. Naglakad kami papunta sa elevator kasama ang ilan pang trainees na mukhang masaya sa kanilang department, samantalang ako, pilit na pinapakalma ang sarili. Tahimik ang biyahe ng elevator, pero para sa’kin, parang may mabigat na alon ng tensyon na umiikot sa loob. Tuwing mapapatingin ako sa harapan, naririnig ko ang mahina pero malinaw na tawa ni Reevana sa likod ko. Pagbukas ng elevator sa 18th floor, agad kong naamoy ang halimuyak ng bagong bukas na kape na humahalo sa malamig na hangin mula sa centralized aircon. Ang sahig ay makintab na tila salamin, at sa paligid ay puro glass walls na nakikita ko ang mga empleyado sa kani-kanilang mesa, abala sa pagta-type at pakikipag-meeting. May mga halaman sa gilid, modernong ilaw sa kisame, at malalaking cabinet na puno ng neatly arranged files. Pero sa gitna ng lahat ng kagandahan ng opisina, ramdam ko na ang unang pagsubok ay hindi trabaho — kundi kung paano ko haharapin si Reevana sa iisang departamento. Tumikhim ako para makakuha nang atensyon at gumana ang ginawanko dahil may isang babaeng napatingin saamin ng kasama kong si Reevana — oo, kami lang dalawa ang na-assign dito sa buong batch ng OJT. Malas? Siguro. Lalo na’t siya pa ang huling taong hindi ko gugustuhin makasama buong araw. Lumapit sa amin ang isang babaeng nasa mid-30s, naka-blazer at may hawak na tablet. “Good morning, kayo ba yung bagong OJT for the Marketing Department?” tanong niya na may magaan pero pormal na tono. Ako ang unang tumango. “Opo, ma’am.” “I’m Ms. Carmina, ang magiging immediate supervisor ninyo habang nandito kayo. Since dalawa lang kayo assigned dito sa 18th floor, mas mababantayan namin ang progress niyo.” Napatingin siya sa amin pareho bago nagpatuloy. “Ngayon, ipapakilala ko kayo sa mga employees dito para mas maging comfortable kayo.” Habang naglalakad kami papunta sa main working area, ramdam ko ang tingin ni Reevana na parang sinasabi: Buti pa ako, sanay na sa ganitong environment. Ako naman, pinipilit na huwag magpahalata na kinakabahan sa dami ng mga taong busy sa harap namin. “Everyone,” tikhim ni Ms. Carmina, “these are our new OJT trainees — Syrelle Altair and Reevana Villanueva.” May ilang tumango bilang pagbati, may ilan ding ngumiti nang magaan. Pero karamihan, balik agad sa ginagawa nila, halatang sanay na sa may bagong trainees. “Okay, first task,” ani Ms. Carmina habang tinitingnan ang tablet niya. “Syrelle, ikaw muna sa data encoding. May file dito ng leads na kailangan i-input sa CRM system. Nasa desk 7 ang computer mo. Reevana, ikaw naman sa filing area. May stack ng documents doon na kailangang maayos alphabetically.” “Magkahiwalay muna kayo para makapag-focus,” dagdag niya. Nakita ko ang irap ni Reevana sa gilid ng mata ko. “Sure, ma’am,” sagot niya na may pilit na ngiti. Pag-upo ko sa desk 7, ramdam ko agad yung lamig ng aircon at yung tensyon na parang mabigat na ulap sa pagitan naming dalawa. At kahit wala pa siyang sinasabi, alam ko — hindi matatapos ang araw na ito nang walang banat o pang-aasar mula sa kanya. Habang nagta-type ako ng mga pangalan sa CRM system, ramdam ko na may papalapit mula sa likod. Hindi na ako nagkamali — si Reevana. “Ay,” mahina pero malinaw niyang sabi, “data encoding agad? Ang dali siguro niyan para sa’yo. Perfect for… beginner level.” Tiningnan ko siya mula sa gilid ng screen. “Trabaho pa rin ‘yan, Reevana. Hindi lahat nagsisimula sa top.” Ngumisi siya, yung tipong ngiti na alam mong may kasamang pangmamaliit. “Well, some of us are just naturally meant for the top. Alam mo na, standards.” Sabay ayos ng buhok niya na parang nasa fashion shoot. Pinili kong huwag na lang patulan at nagpatuloy sa pagta-type. Pero bago siya tuluyang lumayo, yumuko siya sa tabi ko at bumulong, “Hope you can keep up, Syrelle. Ayokong ma-embarrass ka sa first day pa lang.” Hindi ko na siya tinignan, pero ramdam ko ang init ng dugo ko kahit malamig ang aircon. Sa isip ko, isang bagay lang ang malinaw — hindi ako papayag na siya lang ang magmukhang magaling dito. Habang patuloy akong nagta-type ng mga pangalan at ina-update ang database, naririnig ko mula sa kabilang desk ang mahihinang daing ni Reevana. “Ay, ang dami naman… ugh… bakit parang walang katapusan ‘to…” bulong niya pero sapat para marinig ko. “Hindi ba p’wedeng ibang task na lang? Nakaka-bore…” Napakagat ako ng labi para pigilin ang tawa. Sa isip-isip ko, hala ka, Reevana… kung marinig ka lang ni Ma’am Carmina, siguradong tatlong beses kang mahihiyang magpakita dito bukas. Naririnig ko pa ang mahinang pag dadabog nya nang mga finafilling nyang documents kasabay ng hinga niyang parang pinipilit ang sarili na hindi magwala. Akala ko ba ‘meant for the top’? Eh ngayon pa lang parang gusto mo nang mag-resign. Muntik na akong mapangiti nang malaki, kaya mabilis kong yumuko para magkunwaring sobrang focus sa monitor. Hindi ko kasi mapigilang isipin kung anong itsura ng mukha niya kapag biglang lumapit si Ma’am Carmina at tinanong kung bakit siya nagrereklamo sa unang araw pa lang ng OJT namin. Pero syempre, tahimik lang ako. Mas masarap panoorin siya na nahihirapan sa ginagawa kaysa sumabat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD