SYRELLE KEYZA ALTAIR POV Pagbalik ko sa desk ko, ramdam ko pa rin ang bigat ng sinabi ni Mr. Lee. Para bang dumadagundong pa rin sa tenga ko ang malamig niyang boses: “If you can’t deliver, then I’ll know exactly what to do with you.” Napaupo ako nang deretso, pinakawalan ang isang malalim na buntong-hininga. Ngayon ko naintindihan kung bakit halos lahat ng empleyado rito ay takot at kinakabahan kapag nasa paligid ang CEO. Isa siyang taong hindi tumatanggap ng pagkukulang—lahat kailangan mabilis, pulido, at eksakto. “Focus, Syrelle. Kung gusto mong manatili rito, huwag kang madadala sa kaba,” bulong ko sa sarili ko habang hinila papalapit ang laptop at folder. Binuksan ko ulit ang mga papeles at sinimulan ang pagtatrabaho nang mas seryoso. Hindi ko na inalintana ang gutom o uhaw; ang

