RYKER DAMIEN LEE POV Tahimik ang opisina nang lumabas si Syrelle, bitbit ang makapal na folder. Narinig ko pa ang mahina niyang buntong-hininga bago tuluyang isinara ang pinto. Tiningnan ko ang laptop screen sa harap ko, pero sa totoo lang, hindi iyon ang laman ng isip ko. Magpupuyat siya ngayong gabi, bulong ng isip ko. Hindi ko iyon ipinakita, pero alam kong mabigat ang pinapagawa ko sa kaniya. Gusto kong makita kung hanggang saan ang pasensya at disiplina niya. Dahil para sa akin, iyon ang sukatan ng pagiging karapat-dapat bilang secretary ko. Hindi sapat ang matalino ka lang; kailangan, matatag ka rin. Ngunit ilang minuto pa lang mula nang makaalis siya, biglang bumukas ang pinto ng opisina ko. Hindi na kumatok. Si Niko. Dire-diretso siyang pumasok, halatang hindi nag-iisip kung t

