SYRELLE KEYZA ALTAIR POV Pagkabukas ng pinto ng sasakyan, agad akong bumungad sa malamig na hangin ng gabi. Hindi ko pa rin halos maisip na si Mr. Ryker Damien Lee mismo ang naghatid sa akin pauwi. Kanina pa siya tahimik sa buong biyahe, maliban sa mga paalala niyang iwasan ko raw ang pagpupuyat at alagaan ang katawan ko kung ayaw kong bumagsak ulit. Ang hirap paniwalaan na mula sa boss kong kilalang walang pake, siya mismo ang nagpumilit na siguraduhin na ligtas akong makakauwi. Bumaba ako nang dahan-dahan at niyuko ang ulo bilang pasasalamat. “Salamat po, Sir… sa lahat.” Nanatili siyang nakaupo sa driver’s seat, pero nang lingunin ko, nanunuot ang titig niya sa akin. “Pahinga muna. Wala kang ibang gagawin hanggang bukas. Kung may naiisip kang report o trabaho, kalimutan mo muna. Hind

