CHAPTER 31—INIS

1265 Words

Kinabukasan maaga akong nagising. Mas magaan ang pakiramdam ko kumpara kahapon, at tila ba handa na ulit ako para harapin ang panibagong mga utos ng dragon kong boss na sa kabila ng malamig niyang aura, hindi ko maiwasang mapansin na unti-unti siyang nagiging maamo sa akin. Hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko ang bawat pag-aalala niya kagabi ang bigla niyang pag-text kung kumain na ba ako, at ang mismong siya pa ang naghatid sa akin pauwi. Sa isip-isip ko, parang imposible, pero totoo nga. “Hoy, nakainom ka ba ng gamot mo?” biglang tanong ni Carla na sumilid sa pandinig ko. Napakunot ang noo ko. “Anong gamot?” balik-tanong ko, halatang naguguluhan. Napailing siya. “Gamot sa pagiging baliw, girl. Kanina pa kita nakikitang nakangiti mag-isa tapos tulala pa. Para kang nabaliw.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD