SYRELLE KEYZA ALTAIR POV Huminga ako nang malalim bago kumatok sa pinto ng opisina ni Mr. Lee. “Sir, excuse me po… may pahabol lang na report para sa inyo.” Maingat kong inilapag ang folder sa ibabaw ng mesa niya. Hindi siya agad sumagot, nakaupo lang siya sa swivel chair, hawak ang ballpen na parang hindi gumagalaw. Tahimik. Nakakabingi ang katahimikan. “Kung wala na po, lalabas na—” halos bulong kong sabi, sabay lakad patalikod. Pero bago ko pa mahawakan ang doorknob, may malamig pero mabigat na boses na pumigil sa akin. “Stay, Miss Altair.” Natigilan ako. Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko siyang nakasandal sa upuan, pero ang mga mata niya ay nakatutok lang sa akin. Matatalim. Para bang sinusuri ang bawat galaw ko. Tahimik siyang tumayo, mabagal ang bawat hakbang papalapit. P

