SYRELLE KEYZA ALTAIR POV Pagbalik ko sa desk ko, halos mabitawan ko ang mga papeles na hawak ko. Mabuti na lang at walang ibang nakakita maliban kay Niko na mula pa sa kabilang lamesa ay nakatitig na para bang naghihintay ng blooper. Sinubukan kong ibalik ang atensyon ko sa trabaho. Binuksan ko ang makapal na folder ng report, tinignan ang mga figures, at kinuha ang ballpen ko para mag-mark ng mali. Pero imbes na makita ang mga numero, iba ang bumabalik-balik sa isip ko. Yung bigat ng mga kamay ni Mr. Lee sa balikat ko. Yung init ng labi niya nang dumampi sa akin. Yung malamig pero nangingibabaw na boses niya na nagbabanta. Bakit niya ginawa ‘yon? Ano ba talaga ang tingin niya sa akin secretary o… “Hoy.” Biglang may tumapik sa mesa ko. Napapitlag ako at muntik nang mahulog ang ball

