RYKER DAMIEN LEE POV Napakabigat ng hangin sa opisina matapos akong sagutin ni Syrelle. Hindi ako sanay na may umaangil sa akin, lalo na’t secretary ko lang siya. Secretary lang. Paulit-ulit kong idinidiin sa sarili ko ‘yon, pero sa likod ng isip ko, kumakabog ang dibdib ko sa paraan ng pagsagot niya. Hindi siya tulad ng ibang natatakot at agad sumusuko. May apoy sa mga mata niya—at nakakapikon iyon at the same time… nakakagulat. Pinagmamasdan ko siyang naglakad papunta sa pinto, hawak ang folder na kanina pa niya pinagtutuunan ng oras. At doon ko napansin ang mabigat niyang hakbang. Mabagal. Parang bawat galaw niya ay may hinahabol na hininga. Napakunot ang noo ko nang marinig kong halos mahulog ang hawak niyang folder. “Syrelle—” tatawagin ko sana siya pero hindi ko na natuloy. Kasu

