RYKER DAMIEN LEE POV Pagdating ni Niko kasama ang dalawang nurse at isang doctor, agad akong tumayo at iniwan si Syrelle sa kanila. Hindi ko alam kung bakit, pero sa halip na manatili at bantayan siya, pinili kong lumabas ng silid. Baka kasi mahalata nila ang kaba ko. Baka makita nila ang bahid ng pagkabalisa sa malamig kong maskara. Huminga ako nang malalim, pilit na pinapakalma ang sarili. “Compose yourself, Ryker. Don’t let them see your weakness,” bulong ko sa isip ko. Paglabas ko, agad kong nadatnan si Niko sa hallway, nakatayo, nakahalukipkip at may pilyong ngisi sa labi. Nakatingin siya diretso sa akin na parang nakabasa na naman ng isang sikreto na hindi dapat malaman ng kahit sino. Kinunutan ko siya ng noo, nagtataka kung bakit ganoon ang tingin niya, bago ako naupo sa swivel

