“WHAT’S next Pareng Aldo? Mahaba pa ang gabi. Matagal pa bago sumikat ang araw.", tanong ni Josh. "Mag inuman na lang muna tayo para smooth ang tama natin.", suhestyon ni Butsoy. Mabilis na sumang ayon si Milen. Kanina pa niya gustong uminom ng alak. Gusto niyang pamanhidin ang pakiramdam. "Yun nga ang problema pare. Hindi ko alam kung saan napunta ang alak natin. Ang natatandaan ko isiniksik ko yon sa bag ko bago tayo magtakbuhan para sundan yung matanda. Matapos kong magpalit ng damit kanina ay sa shot sana ako. Pero hindi ko na nakita. Wala na sa loob ng bag ko ang baon natin. Palagay ko nalaglag habang tumatakbo tayo.", paliwanag ni Josh. "Problema ba yan? Sigurado ako na may alak sa mini bar ng bahay na ito. Arbor muna tayo kay Granny.", suhestyon ni Butsoy. "May dala ako, teka

