SA HAGDANAN pa lang ay naglilikot na ang mga mata ni Butsoy. Ang pagkilos niya ay para bang walang binabalak na masama. Kasama sa plano niya ang gan'ong galaw upang kung makita man siya ng matanda at nang kasama nito ay hindi siya mapag-isipan ng masama. Dapat ay hindi kahina-hinala ang mga kilos niya. Pagdating sa baba ng sala ay pasimple muna siyang luminga sa paligid. Tumanaw pa siya sa bintana at nagkunwaring tinatanaw ang labas ngunit pinakikiramdaman lamang niya kung may nakamasid sa kanya. Pinatalas niya ang pandinig at pandama. Ilang sandali siyang nanungaw at nang walang maramdamang kakaiba ay pasimple uling naglakad palapit sa pinagpapatungan ng mga naispatang antigong gamit. Pasimple niyang kinuha ang mga ito at pasimple ring isinilid sa bulsa ng jacket. Hawak na niya ang can

