bc

LOVE: Food for the Heart

book_age12+
14
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
inspirational
comedy
bxg
humorous
lighthearted
witty
realistic earth
first love
engineer
like
intro-logo
Blurb

Masaya at puno ng pangarap ang buhay ng may pagkapilosopong si Lisandra hanggang makilala niya ang gwapong inhinyero, si Leo. Dahil sa mga simpleng biruan, unti-unting nagkakulay ang kanilang samahan hanggang sa napadalas na ang punta nito sa karinderya nila. Pumupunta pa ba ang binata sa karinderya nila para kumain o para na sa kaniya?

(This is a one-shot story and completed already. :) )

chap-preview
Free preview
PART 1
Libre ang mangarap. Para kay Lisandra, libre lang ang mangarap kaya mangarap ka lang nang mangarap habang may pagkakataon ka. Huwag mong papansinin ang sasabihin at iisipin ng ibang tao. Mga Marites lang sila at hindi marunong mangarap kaya pinakikialaman ang buhay ng ibang tao. Wala silang ibang kayang gawin kundi ang magma— “Lisandra!” Napakislot si Lisandra mula sa pagkakahalumbaba niya sa mesa nang marinig ang tumataginting na boses ng ina mula sa baba. Hindi pa siya nakakabawi mula sa pagkabigla dahil sa boses nitong mala-wangwang ng firetruck ay nasundan pa iyon ng mas malakas na wangwang este litanya ng ina. “Ikaw na bata ka!” simula nito, “kanina pa ako tawag nang tawag sa iyo, ah. Hindi ka na naman naiingli diyan! Nakatulala ka na naman ba?” Napangiwi siya dahil sa narinig. Hindi niya narinig na tumatawag pala ang ina. Akmang sasagot pa siya ay nagdire-diretso na naman ito. “Aba’y kahihilamos molang, gagawa ka na naman ng muta diyan. Hindi ba’t sinabi ko sa iyong magbantay ka ng karinderya? Hindi iyang nangangarap ka na naman ng gising diyan!” Lalong tumabingi ang ngiti sa labi ni Lisandra dahil sa sinabi ng ina. Idagdag pang palapit na ang boses nito kaya tiyak na paakyat na ito. “Lagot ka, Lisandra. Humanda ka na naman sa mahabang maagang pamisa,” bulong niya bago dali-daling tumayo dala ang tasang pinag-inuman ng kape. “Opo, inay, paparyan na!” sigaw niya habang mabilis na hinuhugasan ang tasa. “Paparyan na? Ikaw na bata ka.” Namilog ang mata niya nang makita ang ina sa may pinto ng kusina. Pawisan ito at namumula ang mukha sa inis. Nakahanda na ang puting towel nito na alam niyang kapag hindi pa siya kumilos ay tiyak na may kalalagyan. “Hi, inay,” may tabinging bati niya sa ina. “Anong hi hi ka diyan?” “Inay, ke aga-aga ay high blood kayo.” “Paanong hindi ay kaaga-aga ay lipad na naman iyang utak mo!” malakas nitong saad. Hahakbang pa sana ito palapit sa kaniya pero mabilis siyang lumigid patungo sa kabilang gilid ng mesa sabay sabing, “Sige, Inay, bababa na ako at tiyak madami ng customer.” Hindi niya na hinintay pang makapagsalita ito at nagmamadaling pumulas palabas ng kusina. “Hoy, Lisandra Mendoza, kinakausap pa kita!” “I love you, inay!” natatawang aniya habang halos talunin ang bawat baitang ng hagdan para lang makalayo sa ina. “Ikaw na bata ka talaga!” Dinig pa niya ang tila naiiling at malakas ng boses ng ina pero idinaan niya na lang iyon sa halakhak. Sanay na siya sa ina at sa routine nila tuwing umaga. Kagaya ng sinabi niya kanina, libre ang mangarap at habang may pagkakataon ka, gawin mo na. Pero tila nasobrahan siya kaya madalas daig pa nilang mag-ina ang may action show sa umaga. Eh, ano ba? Gusto niyang simulan ang araw na masaya sa sariling paraan. Nang makababa ay nagmamadali siyang tumungo sa karinderya nila na nasa harap lang ng bahay nila. Pasado alas-singko y media pa lang ng umaga pero may ilan nang kumakain. Dali-dali niyang inabot ang apron at isinuot iyon. Sunod niyang ipinusod ang buhok at naglagay ng hair net. Hindi kalakihan ang kainan nila pero sinisikap nilang masasarap at malilinis ang mga pagkain nila. Gayundin na dapat maayos at presentable ang paligid at tumatao doon. “Kaaga ng aksyon ninyo sa taas,” komento kaagad ni Rosa sa kaniya. Isa ito sa magtitinda at serbidora ng kaniyang ina. Kaparehas niyang bente-uno anyos na ito at halos kapalagayan na ng loob. “Kulang ang araw kapag walang aksyon,” nakangising saad niya at sinimulang tingnan kung ano-ano pang kulang o kailangang gawin. “Sabagay, maninibago ako kapag hindi ko narinig ang tumataginting na boses ni Aling Maring sa umaga,” natatawa ring wika ni Rosa. Nginitian niya na lang ito bago doon pumwesto sa likod ng mga nakahilerang ulam. May ilan pang trabahador na nagsisidatingan kaya humanda na siyang estimahin ang mga ito. “Magandang umaga, Lisandra,” bati ng isa sa magtatrabaho. “Kaya naman ako’y siyang-siyang pumasok ay ganeri kaganda ang makikita ko sa umaga. Kahit ata hindi ako mag-almusal ay busog na ako,” pagbibiro naman ng isa pa. “Hay, naku! Kay aga-aga ay pambobola na ang ginagawa ninyo. Kung nabili na lang kayo ay mas gaganda ang umaga.” “Ikaw naman, Lisandra ay napaka-excited. Heto na nga at bibili na. Ano bang masarap diyan?” “Aba’y lahat iyan ay masarap,” proud niyang wika. “Ay hindi naman pwedeng lahat iyan ay orderin namin. Wala kaming maiibayad sa iyo,” natatawang naiiling na turan ng isang trabahador. “Kung anong ibig ninyo na lang,” pag-aalok niya sabay binuksan ang mga lalagyan na may pritong ulam. “Paano kung ikaw ang ibig?” pagbibiro ng isang trabahador na sinundan ng tawanan ng iba pa. Tinaliman niya ng tingin ito sabay sabing, “Kung ibuhos ko kaya sa inyo ang masarap at mainit naming sabaw.” Napakamot sa batok ang trabahador. “Binibiro ka lang naman.” “Nagbibiro lang din naman ako,” nakangising turan niya. “Pero kung hindi kayo bibili ay tototohanin ko na.” “Heto na nga at bibili na. Bigyan mo nga ako nitong pritong manok tsaka isang kanin.” “Ayun naman ang sinasabi ko!” masiglang aniya. Nagkaniya-kaniya na silang pili ng bibilihin. Ang totoo’y sanay na siya na makipagbiruan sa mga ito. Sa ilang taon nilang may karinderya ay iba’t ibang tao ang nakakasalamuha niya. Bagama’t minsan ay napupuna siya ng ina na kung makipagbiruan sa mga trabahador ay parang walang knotrol, palagay naman ang loob niyang hawak niya ang sitwasyon. “Nga pala, Lisandra!” tawag ng isang trabahador sa kaniya mula sa kanilang mesa. “Oh?” tugon niya habang naglalagay ng kanin sa plato. “Tutal ay napag-usapan ang ibig, kami ay may ibabalita sa’yong maiibigan mo,” simula ni Juan. Isa ito sa matagal ng construction worker doon sa kanila. “Kayo talaga, ang aga-aga ay pagmamaretes ang ginagawa ninyo,” kunwa’y angil niya pero ang totoo ay bigla siyang na-curious. “Ayaw mo ata ay ‘wag na lang.” “Ito naman, sisimulan-simulan, hindi naman itutuloy,” patampo niyang biro. Bahagyang nagtawanan ang mga lalaking nasa mesa. “Sasabihin ninyo ba o wala kayong libreng sabaw mamayang tanghali?” dugtong niya nang hindi sila nagsalita. “Ito talagang si Lisandra. Siya, alam mo ba ‘yung nakatenggang ginagawang building diyan sa kabilang kanto?” Tumaas ang isang kilay niya. “Oo. So, anong meron sa building na iyon?” “Itutuloy na daw ang construction doon,” tugon ng batang trabahador. Ikiniling niya ang leeg. “Talaga?” “Ayaw mong maniwala?” duda niyang tanong. Ikinibot niya ang labi. Hindi naman sa hindi siya naniniwala pero ilang taon ng tengga ang pagagawa doon. Bago pa lang siya magkokolehiyo ay itinigil na iyon. Halos nagawan na nga ng kung ano-anong nakakatakot na kwento ang lugar. Kesehodang kaya daw natigil ang gawa doon ay may mga kung ano-anong nagpapakita. Napangiwi siya sa naisip. Doon pa naman iyon sa kabilang kanto lang. Hindi kalayuan sa kanila. “Nagninilay-nilay ka na naman diyan ng kung ano-ano,” tapik sa kaniya ni Rosa. Binalingan niya ito. “Wala naman akong sinabi, ah.” “Wala nga, pero iyang mukha mo ay daig pa ang nakakita ng multo.” “Huwag kayong maniwala doon sa kung ano-anong kwento. Nagloko ang engineer diyan, nadispalko ang pera kaya natigil,” pagkukwento ng isa sa mga trabahador. “Ipinatigil na muna ng may-ari dahil baka mawalang silbi na naman daw.” Bumalik ang tingin niya sa mga trabahador. Nakaarko ang isang kilay. “Kaso may pumalit na gusto daw ituloy iyan. Nagandahan sa pwesto,” dugtong pa ng isang trabahador. “Oo nga daw. Aba’y kung matutuloy na may gagawin diya ay tiba-tiba itong kainan ninyo, Lisandra.” “Saan ninyo naman nakuha ang balitang iyan?” Bagama’t may excitement na nararamdaman, gusto niyang magpakasigurista. “Nahihinaan ka ga naman sa amin ay sa foreman namin narinig iyan. Sabi pa ay kung matutuloy na commercial building ay mas maganda.” Nawala ang kaninang kilabot na naisip niya tungkol sa inabandonang gawaan. Napalitan iyon ng pag-asang mas lalaki ang kita nila. Kailangan niyang makaipon habang bakasyon. Fourth year college na siya at kasalukuyang kumukuha ng kursong Culinary Arts. Gusto niya talagang kumuha ng engineer pero ayaw ng ina niya. Bago kasi namatay ang ama niya ay naghabilin ito sa kaniya na tulungan ang kaniyang ina sa pag-aasikaso ng kanilang kainan. Bilang nag-iisang anak, tungkulin niyang tuparin iyon. ‘Bakit kasi hindi pa sila gumawa ng isa pang gaya ko? Ang tipid naman nila,’ madalas ay himutok niya kapag naiisip ang dahilan kung bakit Culinary Arts ang kursong kailangan niyang kuhanin. Dahil sa pagiging isang anak. “Kung matutuloy iyon ay magandang bagay,” putol ni Rosa sa pag-iisip niya. “Oo nga,” pagsang-ayon niya. “Hindi rin malayong may magtayo ng kainan diyan sa tabi-tabi. Dadami ang magtatrabaho, tiyak mas marami makakainan ang kailangan.” Totoo rin ang sinabi ni Rosa. Ilang araw niya nang nadidinig na may nagbabalak na umupa sa ilang bakanteng lote malapit sa kanila para magtayo ng kainan. Pero mas matagal na silang nagtitinda kaya tiwala siyang mas marami na silang suki. “Sasarapan na lang natin ang luto lalo,” wala sa sariling saad niya. Nagsisimula na siyang mag-isip ng mga bagong iluluto para mas mapalakas ang kainan nila. Para sa ina at para sa pangarap. ILANG LINGGO ang mabilis lumipas. Na-perfect na din ni Lisandra ang Kaldorobo na pinag-aaralan niyang lutuin. Pinaghalong Kaldereta at Adobo lang iyon pero mas pinasarap niya. Ang nakakapanlumo lang ay walang kahit isang anino man lang ng manggagawa sa inabandonang building. “Lalong tumitindi ang init ng sikat ng araw kapag ganiyang busangot ang mukha mo,” puna ni Jena sa kaniya. Isa pa nilang serbidora sa kainan. Mag-aalas onse na at mamaya lang ay mapupuno na naman ang kanilang kainan ng mga trabahador pero habang wala pa ay abala siya sa pagtanaw doon sa hindi natapos na building. “Kailan ba nila sisimulan iyon?” nakangusong tanong niya habang nakatanaw sa hindi natapos na building. “Lagi mo nang inintay kaya hindi sinisimulan.” Lalong humaba ang pagkakanguso niya dahil sa sinabi nito. “Nandiyan na sila,” ani Jena na tumayo na pagkaraang matanaw ang paparating na magtatrabaho sa construction site. Hindi naman siya naingli sa pagkakaupo sa harap ng mga pagkain. Tatlo ang serbidora nila at may dalawang tagaluto. Nasa taas ang dalawang tagaluto tsaka ang inay niya kaya siya ang kasama nina Rosa, Jena, at Ging-ging sa baba. “Hi, Lisandra,” bati ng isang medyo may edad ng trabahador. “Hello, Ka Manuel,” walang ganang bati niya. “Ano’t malumbay ang dalaga?” puna naman ng isa pang trabahador habang nagtitingin-tingin ng ulam. “May sakit ka ba?” “Malakas pa po ako sa kalabaw, Ka Celso. Ako’y may konting dinaramdam lamang.” “At ano naman kaya iyon? Tungkol ba sa boyfriend iyan?” tanong ni Ka Manuel. Nagusot lalo ang kaniyang mukha. “Wala po akong boyfriend.” Nagsimula nang mas dumagsa ang mga magtatrabaho na gumagawa sa construction site. Naging abala na rin ang ibang kasamahan niya kaya tumayo na din siya. “Walang sakit. Walang boyfriend. Mahirap iyan,” umiiling-iling na saad ni Ka Celso. “Bigyan mo na nga lang ako nitong adobong pusit at dalawang kanin.” Sinimulan niyang sandukan ang iba pang nagsabi na ng order nila. “Wala pa po bang galaw iyang natigil na ginagawang building diyan sa kabilang kanto?” “At iyon ba ang hinihintay mo?” usisa ni Ka Manuel. “Ay hindi po, iyong engineer po. Baka po masisimulan na,” pamimilosopo niya. Ang kaninang lalaking maiingay sa harap niya ay bahagyang tumahimik. Hindi niya naman gaanong pinansin iyon at nagpatuloy sa pagsasandok ng mga order na pagkain. Tumikhim si Ka Manuel at may ngiting nagtanong. “At bakit mo naman hinihintay ang engineer na magagawa diyan?” “Ay katagal pong simulan. Baka naman bibilis-bilisan niya na.” Nakarinig siya ng ilang tila sinupil na tawa pero hindi niya rin pinansin iyon. Nagpatuloy siya sa pagsandok ng order. “Kayo po, manong. Ano pong inyo?” tanong niya sa isang lalaki. “Itong tinola ang akin tsaka dalawang kanin,” tugon ng lalaki. Dali-dali naman siyang umabot ng mangkok at nilagyan iyon. “Ano namang sasabihin mo doon sa engineer kapag dumating?” may himig napagbibiro na tanong ni Ka Celso na kahit nakuha na ang order ay hindi umaalis sa harapan niya. Sa pag-aakalang nagbibiro lang ito ay pabiro din siyang sumagot nang, “Katagal-tagal ko nang naghihintay dine. Heto nga at talagang pinasarap ko ang aking Kaldorobo para sa’yo.” Nasundan ang sagot niya nang malakas na halakhakan. “Charrr lang naman,“ biro niya. “Siya, Lisandra. Hindi sayang ang pagkakaluto mo niyang Kaldorobo mo.” “Po?” Nagugulumihanang tanong niya. Hindi siya sinagot ni Ka Celso. Lumingos ito. “Boss, para sa inyo pala itong Kaldorobo dito.” Natigil sa ere ang kamay niya sa pagsasandok ng biglang umalis si Ka Celso sa pwesto nito at pinadaan ang isang matangkad at matipunong lalaki. Napakurap siya habang nakatitig sa lalaki. Nakasuot ito ng dark green na jacket. May pang-ilalim itong kulay white na undershirt, black denim pants at white rubber shoes. May shades itong nasa ulo, tinutulak ang malago at itim na itim na buhok. Nang mapunta ang mga mata niya sa mukha nito ay kagyat na nag-init ang pisngi niya nang makita ang mapaglarong ngiti sa mga labi nito. ‘Oh geez! What’s happening here?’ “Masarap ba talaga iyang Kaldorobo ninyo? Bago sa pandinig ko iyan, ah,” hindi nawawala ang ngiting tanong ng estrangherong lalaki. Casual lang ang pagkakatanong nito pero hindi niya mapigilang hangaan ang swabe nitong boses. Bagay na bagay sa swabeng mukha nito. “Uyy, Lisandra, tinatanong ka. Kung masarap ba daw iyang Kaldorobo?” biro ng isa sa construction worker. Napalunok siya bago tumikhim. “O-oo naman.” Naku nga. Nag-stutter na siya. Kalma ka, Lisandra, kalmahan mo lang. ‘Wag kang papahalata. “Masarap daw, boss. Pero kung ako sa inyo, dahil para daw po talaga iyan sa inyo, tiyak maniniwala talaga ako. Iyan pang si Lisandra, masarap talagang magluto iyan.” Lalong nagtawanan ang ilang magtatrabaho dahil sa sinabi ni Ka Manuel. Hindi pa sigurado si Lisandra kung sino ang lalaking nasa harapan niya pero dahil sa daloy ng usapan, hindi siya maaring magkamali kung sino iyon. “A-ano na? Oorder ba?” mataray niyang tanong kahit na ang totoo ay hindi niya mapigilan ang sarili na mag-stutter. May ilang natatawa pa sa kaniya pero sinikap niyang hindi pansinin iyon. “Dalawang takal ang akin, Miss Lisandra tsaka dalawang kanin din,” saad ng estrangherong lalaki. Tumango na lang siya at sinikap na hindi man lang tapunan kahit isang sulyap ang lalaki. Pakiramdam nga niya ay magkaka-stiff neck siya dahil sa pagpipilit na huwag itong tingnan. “Heto,” mataray pa ring aniya sabay aro ng tray ng pagkain dito. “Salamat, Miss Lisa—“ “Lisandra na lang,” putol niya sa sasabihin pa sana ng lalaki. “Oh sunod, sino pang oorder?” pagtatawag niya upang pagtakpan ang pagkapahiyang nararamdaman. “Sige, Lisandra na lang,” ani ng lalaki na binigyan siya nang makahulugang ngiti bago tumalikod na. “Siya pala si Engineer Leo, Lisandra,” pakilala ni Ka Celso habang nakaupo sa mesa nito at kumakain. “Siya ang magtutuloy noong building doon sa kabilang kanto.” Lihim niyang pinandilatan ang kaibigang trabahador na binigyan lang siya ng isang malakas na halakhak. Ipinagpatuloy niya ang pages-serve ng pagkain at nagkunwaring walang nangyari kahit na ang totoo ay kanina pa niya hinihiling na sana bumuka na ang lupa at lamunin siya. ‘Iyang bibig mo kasi Lisandra!’

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.2K
bc

His Obsession

read
104.9K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook