PART 2

1215 Words
HAPON na pero hindi pa rin maka-get over si Lisandra sa nangyari kaninang tanghali. Kung pwede lang na hindi siya tumao sa tindahan ay gagawin niya kaso tiyak ang malakas at tumataginting namang boses ng ina niya ang kaniyang haharapin. “Iyon pala ang engineer na magtutuloy noong building,” simula ni Ging-ging na abala sa pagpupunas ng mga pinggan. “In fairness ang gwapo niya,” kinikilig namang saad ni Jean na nagpapatas naman ng mga baso. “Bumalik kaya siya mamayang meryenda?” usisa naman ni Rosa na hindi maiikailang excited sa pagbabalik ng binata. “Sana naman,” irit ni Jean. “Nakakatuwang tingnan ang mga mata niya. Kita ninyo ba?” “Parang kumikislap habang nakangiti siya,” segunda naman ni Ging-ging. “Tapos ang lalim pa ng biloy niya sa kabilang pisngi,” sabat ni Rosa. “Ay, oo! Bet na bet!” Nanatili siyang tahimik habang nagbibilang sa kaha. Palihim niyang inikutan ng mata si Jean na halatang crush na kaagad ang bagong engineer. Aminado naman siyang tama ang sinabi ng mga ito. Gwapo nga ang bagong engineer. Maganda ang mga mata nito, pati na ang ngiti na sinamahan pa ng biloy nito sa kanang pisngi. Sa hinuha niya ay kung mas matanda man ito sa kanila ay hindi ganoon kalaki ang pagitan nila. Madalas kasi sa engineer na nakakadaupang palad nila doon ay may edad na o may asawa na. Napakadalang na makakilala sila ng batang-bata pa o kaya ay iyong sasabay sa mga trabahador na kumain doon. “Uyy, Lisandra, ano’t tahimik ka diyan?” pamumuna ni Rosa. “Busy ako,” malamig niyang saad. “Busy daw,” panunudyo ni Jean. Sinamaan niya ito ng tingin. “Huwag ninyo akong idamay sa usapan ninyo diyan.” “Pero aminin mong gwapo din si Sir Leo.” May umaasang ngiti sa labi ni Ging-ging. “Normal lang,” balewalang aniya. “Sus, kunwari ka pa,” tudyo muli ni Jean. “Halos mautal ka nga kanina.” “Ayy, bahala kayo diyan.” Tumayo na siya at dinala sa ina ang nakuha sa kaha. Aakyat muna siya habang wala pang kostumer. “Iwas-pusoy!” dinig niyang saad ng tatlo. Nagkunwari na lang siyang walang narinig. Mali nang inakala sina Jean, Rosa, at Ging-ging. Hindi dumating ang bagong inhinyero nang meryendahan. Hindi naman alam ni Lisandra kung ipagpapasalamat ba niya o ano. Sa kabilang banda, hindi niya mapigilan ang ma-disappoint nang hindi nga bumalik ang lalaki. ‘Bukas kaya?’ hindi niya maiwasang ibulong sa sarili habang nagsasara ng tindahan. NANG dumating ang kinabukasan, maagang naghanda si Lisandra. Hindi niya na hinintay pa ang tumataginting na tinig ng ina. Dala ang kape ay tumungo siya sa karinderya. Naabutan niyang wala pang customer. Abala pa ang ina niya sa pagmamando habang kumakain ang tatlong serbidora na kasama niya. “Aba at himalang kaaga mong bumaba,” puna kaagad ng kaniyang ina pagkakita sa kaniya. “Nagugutom ho ako,” katwiran niya bago kunwaring nagtingin-tingin ng pagkain. “May pagkain sa taas,” dudang turan ng kaniyang ina. “Talaga po? Hindi ko po napansin.” Napansin niya talaga pero siyempre mawawalan siya nang pwedeng ikatwiran sa ina. “Umayos ka, Lisandra. Nga pala, nabanggit sa akin na sisimulan na din ang construction doon sa natenggang building sa kabilang kanto, gilas-gilasi ang pages-serve at baka dumami ang kumain.” Sabay-sabay na sumang-ayon sina Rosa, Ging-ging, at Jena. Nanatili naman siyang tahimik na humihigop ng kape. “Naiintindihan mo ba ako, Lisandra?” “Opo,” ungol niya. “Akala ko ba ay nagugutom ka? Kumain ka na at ng may lakas ka mamaya kapag dumami na ang tao.” “Magkakape na lang muna ho ako,” aniya at tumabi kay Rosa. “Umakyat na ho kayo at magpahinga na po kayo.” “Hindi kaya nilalagnat kang bata ka?” namimilog na tanong ng kaniyang ina. “Inay!” naghuhurumentadong bulalas niya. “Aba’y kaaga mong bumaba tapos ngayon pinagpapahinga mo na kaagad ako.” “Ano ba, Inay? Tanghali na akong bumaba may sinasabi kayo, agahan ko, may sinasabi pa rin kayo. Aba’y hindi ko na alam kung saan ako lulugar.” Sinamaan siya ng tingin ng ina. “Itigil mo kadramahan mo at ayusin mo na lang ang pagtitinda mo diyan. Bigyan ninyo na sila ng makakain nila.” Tumalikod na ito at lumabas na pagkatapos sumenyas sa harapan ng tindahan. Nakatalikod sila sa harapan kaya ganoon na lang ang gulat nilang apat nang makitang may tatlong trabahador na sa harap kasama ang inhinyero. “Good morning,” bati ni Leo. Wala sa loob na napahigop siya ng kape nang mapagmasdan ang lalaki. Basa-basa pa ang buhok nitong sinuklay lang palikod. Gaya kahapon ay may suot itong jacket na ngayon ay kulay itim, puting undershirt, denim pants, at rubber shoes. May shades na nakasabit sa damit nito sa bandang dibdib. May hawak din itong asul na helmet. “Magandang umaga,” bati ni Rosa dito na sinundan naman nina Ging-ging at Jena na hindi nagpaawat ang ngiti. Sa kanilang apat, siya lang ang hindi umimik. “Good morning, Lisandra,” nakangiting bati nito sa kaniya. “G-good morning din,” ganting bati niya bago pumwesto sa harapan. “Anong inyo?” “Ano bang masarap diyan?” Tumingin-tingin ito ng pagkain. “Lahat iyan ay masarap,” mabilis niyang tugon. Tumingin ito sa kaniya, hindi nawawala ang ngiti nito. “Wala ka bang irerekomenda?” “Malakas namin kapag umaga dito ay Bangsilog, Tapsilog, Tosilog, at Noksilog. Bagong luto lahat.” Tumango-tango ito habang nakatingin sa mga ulam na nakahain. “Alin sa mga iyan ang paborito mo?” Napakurap siya. “Ha?” Lumawak ang ngiti nito. “Alin ang paborito mo sa lahat ng binanggit mo?” “Ano namang kinalaman ng paborito ko sa oorderin mong pagkain?” Humalukipkip siya habang diretsang nakatingin sa lalaki. Nagkibit-balikat ito. “Naniniwala akong mas pinasasarap ng cook ang luto niya kung paborito niya ang niluluto. Gusto kong matikman ang mas pinasarap mong luto.” Naibaba niya ang kamay dahil sa sinabi nito. “Saan mo nakuha ang ganiyang isipin?” “Naisip kolang. So, anong paborito mo?” “Paano kung sabihin kong lahat ay paborito ko?” mataray niyang tanong. Lalong lumawak ang ngiti ng lalaki. “Well, wala akong choice kundi orderin lahat.” “Kaya mong kainin lahat?” mulagat niya sa binata. “Ang sabi ko lang ay oorderin ko, wala akong sinabi na kakainin ko lahat. Marami kaming kakain,” tugon ng binata sabay turo sa mga trabahador na nasa likuran nito. Muli ay gumapang ang init sa mukha niya nang mapansing lahat ng trabahador na kasama nito pati na rin ang tatlong babaing kasama niya ay ngiting-ngiti habang nakatingin sa kanila at nakikinig sa usapan nila. ‘Hay, Lisandar! Konting self-conciousne naman!’ “Noksilog ang paborito ko. Ano nang oorderin ninyo?” taas-noong tanong niya upang pagtakpan ang sarili. “Noksilog ang akin. Then ask them kung anong gusto nila.” “Ano? Niloloko mo ba ako?” “Of course not. Tinanong mo ako ng order ko at sinabi ko naman. Sila na bahala sa gusto nila.” Naiinis man, sinenyasan niya ang tatlong kasama na ibigay ang mga order nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD