PART 3

1856 Words
“IBIGAY MO lang itong listahan at sila na ang bahala,” utos ng ina ni Lisandra. “Opo,” saad niya habang binabasa ang mahabang listahan ng kaniyang ina. Kailangan niyang mamili ngayon ng mga pangrekado nila. Hindi siya masasamahan ng ina dahil kailangan na nitong mag-utay magluto. Nakausap daw nito ang foreman at may inorder na pagkain sa kanila. “Pwede mong ipabuhat sa kargador ang mga iyan hanggang doon sa sakayan para hindi ka na mahirapan,” pagbibilin pa ng ina na sinagot niya lang nang pagtango. Nang matapos ang paalala ng ina at masigurado lahat ng kailangan ay pumunta na siya sa palengke. Marami-rami siyang kailangang bilihin kaya naman binilisan niya. Gaya ng bilin ng ina ay una niyang tinungo ang gulayan, binigay ang listahan ng mga kailangang bilihin. Dahil suki na ay ang magtitinda na ang nag-asikaso. Babalikan na lang niya mamaya. Sunod siyang pumunta sa karnehan at ganoon din ang ginawa. Dala ang ilang kilong karne at bumalik siya sa gulayan. “Ate, okay na ba?” tanong niya sa magtitinda. “Oo, andiyan na lahat,” turo ng magtitinda sa sako ng gulay. Napangiwi siya. Paano ba niya bibitbitin an ang lahat ng iyon? “Ate, walang pwedeng magbuhat nito kahit hanggang sakayan lang?” “Naku, kaaalis lang nila at may inihahatid pa din.” Napakamot siya sa ulo. Dapat pala ay isinama man lang niya si Rosa para may katulong siyang magbitbit. “Ate, babalikan ko na lang po,” aniya sa magtitinda. Bitbit ang mabibigat na plastic ng karne ay pumunta siya ng sakayan. Sa kasamaang-palad, wala din siyang nakitang tricycle. Bakit ba pakiramdam niya ay ang malas niya ngayong araw? Nagpalingos-lingos siya pero wala siyang nakitang maaaring pag-iwanan ng dala. Nagpakawala siya nang malalim na buntonghininga sabay punas ng pawis sa likod ng palad. Dumadagdag pa sa inis niyang nararamdaman ang matinding init ng araw. “Lisandra?” Napakislot siya nang marinig ang pagtawag sa kaniyang pangalan. Lumingon siya at nakita ang pinakahuling lalaking nais makita ngayon. Mukhang doble-doble siya ngayong araw. “Ikaw pala, Engr. Leo,” casual na aniya. “Ang pormal mo naman. Parang hindi ka naman ganiyan kapag kumakain kami sa kainan ninyo,” natatawang saad ng lalaki. Nagkibit-balikat siya sa tinuran nito. “May problema ba?” usisa ni Leo. “Wala naman,” sagot niya habang iginagala ang tingin sa paligid, umaasa na may makikita ng tricycle at nang makaalis na rin siya sa harap ng lalaki. “Wala? Pero ganiyang kunot na kunot ang noo mo, tagaktak ang pawis mo, at namumula ka na sa sobrang init. Wala pa rin bang problema?” Nanunudyo ang tinig ng lalaki ngunit dama pa rin niya ang concern nito. Concern na hindi niya alam kung dala lang ba ng imagination niya. “Sa’yo na nagmulang mainit, sino bang hindi kukunot ng ganito?” “Sabagay.” Tumingin ito sa malalaking plastic na nasa paanan niya. “Mukhang marami kang pinamili. May kasama ka ba?” “May nakikita ka ba?” mataray niyang balik pero sa halip na mainis ang lalaki ay ngumiti lang ito. “Masama na bang magtanong ngayon?” balik nito sa kaniya sa malumanay na tinig. Bahagya siyang nakadama ng pagkapahiya dahil sa paraan nitong makipag-usap. “Wala akong kasama,” aniya sa mahinang tinig. “Mukhang mabigat iyang dala mo,” komento nito. “Uuwi ka na ba?” “Alangan namang dito ako tumira,” mabilis niyang bigkas sabay bawing, “charr lang naman.” Muli ay bumungisngis lang ang lalaki. “Pero uuwi ka na nga?” ulit ni Leo sa tanong bago namulsa. Kitang-kita niya ang pantay-pantay at mapuputing ngipin nito. Mas lalong pinatingkad noon ang maganda ng ngiti ng lalaki. “Oo. Wala lang tricyle kaya hindi ako makauwi pa.” Tumango-tango ang lalaki. “Baka gusto mong sumabay. Pabalik na ako ng construction site,” pag-aalok ng lalaki na labis ikinabigla ni Lisandra. “Sasabay sa’yo?” mulagat na tanong niya. Tumango ito. “Nakaparada doon ang sasakyan ko.” Itinuro nito ang parkingan ng mga sasakyang may four wheels. Mukhang yayamanin din itong si engineer. Gayunman hindi niya ito gaanong kilala kaya tanggi muna siya for now. Turo nga sa kaniya ng inay at itay niya. Huwag basta-basta magtitiwala. Kahit gaano pa iyan kgwapo at kamatipuno. “Hindi na,” pagtanggi niya. “Oh, bakit?” nagtatakang tanong nito. Sa halip na sabihin ang totoo, iba ang isinagot ng mahadera niyang dila. “Mapapagod ako.” Napakunot-noo ang lalaki. “Mapapagod?” “Mabilis ang sasakyan mo, hindi ko keribels sumabay sa takbo niyan.” “Anong…” Hindi na itinuloy ni Leo ang sasabihin pa. Kung sa ibang pagkakataon ay baka nainis na siya sa paraan nang pakikipag-usap at pagsagot ng dalaga. Ngunit sa halip ay natatawa na lang siya dito. “Okay. I get it.” Naiiling niyang ani. Nakaka-amuse kausap ang dalaga. Sa iilang beses niyang nakausap ang dalaga, iisa lang ang napatunayan niya. Patatagan sila ng isip. “Pero ang ibig kong sabihin ay aangkas ka, sasakay ka sa loob ng sasakyan. Ganoon,” paliwanag niya. Lumitaw naman ang pilyang ngiti ng dalaga. “Gets ko naman. Pero hindi na talaga kailangan. Kaya ko namang umuwi mag-isa.” “I’ll insist,” pamimilit niya sa dalaga. “Hindi na nga.” “Come on, Lisandra. Those bags look heavy. I think it will be better if you’ll let me carry those.” Tumitig sa kaniya ang dalaga. Kumurap-kurap bago nagsalita, “wow, Englishan na kapag may pilitan na.” “Lisandra…” may pagbabanta sa tinig niya. Sasakyan niya ang mga biro at mga witty na sagot nito pero seryoso siya nang inalok niyang isasabay at ihahatid ito sa bahay pagbalik niya sa construction site. Especially with those heavy bags, hindi siya makakapayag na mag-isang bitbitin nito ang mga pinamili. Kumibot ang labi ng dalaga. Tumingin sa mga dalang pinamili. Saglit na nag-isip bago tumingala sa kaniya. “Hindi lang ito ang dala ko,” anito sa tila nahihiyang tinig. Iniligid niya ang tingin sa paanan nito. Wala siyang ibang nakikita kundi ang plastic ng mga karne na nasa paanan nito. “Nasaan ang iba pa?” tanong niya. Hindi kaagad tumugon ito. Naging malikot pa ang mga mata nito. “Lisandra?” “Hmmm…” “Nasaan ang ibang pinamili mo?” ulit niya sa tanong kanina, ngayon mas firm ang tanong. “Ano kasi… iniwan ko pa sa gulayan. May isang sako pa doon. Balak ko sanang kumuha muna ng tricyle bago balikan.” “Ganoon ba? Sige, halika.” Hindi na nakapagsalita si Lisandra ng bigla na lang kinuha ni Leo ang plastic na pinamili niya. “Teka la—“ “Isasakay muna natin ito sa sasakyan ko bago natin kukunin ang mga pinamili mong gulay,” putol nito sa mga sasabihin pa sana niya. “Ah… Okay.” Hindi na siya tumutol lalo pa at kita niyang desidido itong tulungan siya. Dumiretso sila sa parkingan ng palengke. Tumigil sila sa tapat ng isang kulay puting Everest. Napakakintab ng sasakyan nito na para bang bagong bili. At dahil mausisa siya, hindi na siya nahiya pang magtanong. “Bagong bili ito?” “Hindi. Mag-iisang taon na ito,” tugon nito habang binubuksan ang likod ng sasakyan. Tumabi siya dito para tulungang buhatin ang mga plastic pero maagap siya nitong naunahan. “Dito na lang natin ilagay sa likod.” Tatango na sana siya nang mapansin niya kung gaano kalinis ang likuran ng sasakyan. Wala man lang nakalagay na kung ano. Kahit ang carpet ay para bang bagong linis. Tapos lalagyan niya lang ng plastic na puno ng karne. “Diyan mo ilalagay?” nag-aalinlangan niyang tanong. “Oo, bakit? May balak ka bang kalungin ito?” may himig pagbibiro na tanong ng lalaki. Aba’t natuto na ring sumagot. Sinamaan niya ito ng tingin. “Nakakatawa.” Humalakhak ang lalaki. “Look at you.” “Ano?” “Wala.” Natatawang saad ng lalaki. Handa na nitong ilagay ang mga plastic sa loob. “Teka lang!” Mabilis niyang pigil dito bago pa maipatong ang mga pinamili niya. “Oh, bakit? May balak ka ngang kalungin ito?” “Siyempre wala!” angil niya dito. “Bakit panay ang pigil mo sa akin?” “Diyan mo ba talaga ilalagay iyan?” paninigurado niya. “Oo nga,” desididong tugon ng lalaki na kanina pa nagtataka sa kaniya. “Ang linis-linis niyan tapos diyan mo ilalagay ang pinamili ko. Karne ang laman niyan kaya baka magtagas.” “So?” “Anong so? Maglalansahan iyang sasakyan mo,” paliwanag niya. “May air freshener sa loob. Tsaka madali lang ipalinis iyan,” pangangatwiran naman ng lalaki. “No. Hindi pa rin ako papayag,” nakapamaywang na aniya at lumingos-lingos sa paligid. “Hintay lang. Mabilis lang ito.” Tumigil ang mga mata niya sa mga kartong nakatambak sa sulok. Dali-dali siyang kumuha ng isa, ipinagpag, at nagmamadaling inilatag sa ibabaw ng carpet ng sasakyan. “Iyan. Pwede na siguro ito.” Nagpalipat-lipat ng tingin muna ang lalaki sa inilagay niyang karton sa likod ng sasakyan at bago sa kaniya. May sumilay nangiti sa labi nito sabay sabing, “Well then, thank you.” Inilagay na nito ang mga pinamili sa ibabaw ng karton. Isinara ang pinto ng kotse at binalingan siya. “Let’s go?” “Okay.” Maaga pa para husagahan ni Lisandra pero tila walang arte si Leo. Walang anumang binuhat nito ang sako ng gulay na binili niya. Hindi nito alintana kung marumihan man ang suot na jacket o humawa ang amoy sa damit nito. Nang maisakay nito ang sako ng gulay ay nag-aya na ito. “Halika na.” Tumango siya bilang pagsang-ayon. Lumigid ito sa kanan ng sasakyan at binuksan ang pinto. “Saka na.” Napamaang siya nang mapagtantong pinagbuksan siya nito ng pinto. “Hmmm… S-salamat,” aniya bago sumakay ng sasakyan. Lumigid ito papuntang driver’s seat at doon naman sumakay. “Seatbelt,please,” anunsiyo nito habang inaayos ang sariling seatbelt. Sa kasamaang-palad, hindi alam ni Lisandra kung paano niya ikakabit ang seatbelt. Hinila niya ang pinaka-belt at ang dulo nitong pang-fasten pero hindi niya mapag-abot. Ini-adjust niya ng konti para magpang-abot. Hinila niya pa para magdikit. At after two hundred years nagpang-abot nga pero daig pa niya ang sinasakal. Belt for safety ba ito o balak siyang ubusan ng hininga bago makauwi? Akmang aalisin niya muli ang belt ng dalawang kamay ang kagyat na inabot ang dulo ng belt. “Sabi ko ay ihahatid kita sa inyo, hindi ihahatid ng wala ng hininga,” may ngiting turan ni Leo. May ini-adjust ito sa bandang itaas, hinila hanggang sa unti-unti niya nang nararamdaman muli ang hangin sa loob ng katawan. “Sorry, wala kaming ganitong sasakyan eh,” kakamot-kamot sa ulong aniya. Bumungisngis si Leo. “Wag kang mag-alala, ganiyan din ako noong una.” “Talaga?” manghang tanong niya. “Oo.” Hindi niya maisip iyon pero kung anuman. Natutuwa siya sa binata. “Salamat pala,” aniya dito. “Wala iyon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD